HAMON SA IKALAWANG KONGGRESO NG KOMIKS
Gaganapin na ang ikalawang Kongreso ng Komiks ngayong Martes (September 11) sa NCCA Bldg,. Intramuros, Manila. Magsisimula ng alas nuwebe ng umaga hanggang alas singkong hapon.
Base sa napag-usapan na magiging takbo ng programa, hindi maaalis dito ang pasasalamat ng Sterling-CJC komiks sa pagbibigay ng suporta sa komiks na kanilang ilalabas. Kabilang din bibigyan ng pasasalamat (at parangal) at ang mga taong tumulong sa mga aktibedades na ito ng komiks—kabilang diyan si Gng. Cecille-Guidote Alvarez at iba pang personalidad outside komiks.
Ngunit ayon na rin na napag-usapan noong Biyernes sa Raffles Bldg., apat na segments ang magiging daloy ng usapan tungkol sa komiks:
1. Entertainment
2. Employment
3. Career Development
4. Culture and arts
Bawat isa sa mga segments na ito ay magkakaroon ng tiglilimang committees na siyang magpapadaloy ng programa. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging function ng committees na ito at kung paano padadaluyin ang programa, pero suma-tutal ay may idea na kayo kung paano tatakbo ang Kongreso ng Komiks.
Ayon sa aking pagkakaintindi, bawat isa sa mga segments na ito ay pag-uusapan at hihimayin ang komiks. Halimbawa, sa ‘entertainment’ ay pag-uusapan kung ang primary function ba ng komiks ay mag-entertain? Damay lang ba ang pag-‘educate’, pag-’philosophize’, at ‘pangangaral’.
At ini-expect ko na sana sa bawat segments na ito ay magkaroon ng pagtatanong, dahil mas maganda ang usapan kung may mga tanong na lulutang kesa naman may isa lang speaker sa gitna na magdadadaldal ng kanyang karanasan tungkol sa komiks.
For the past few months, naging sentro ng usapan ng komiks industry ang Kampo Caparas. Napuno sila ng controversy. Hindi maiwasan ito dahil sila ang big player ngayon ng komiks publication (kasama ang Sterling). May basbas din ng gobyerno ang kanilang mga aktibidades.
Kaya nitong mga huling buwan din, nakondisyon ang lahat ng tao, lalo na ang mga komiks creators, na ang Caparas(slash)Sterling(slash)KWF(slash)NCCA ang sentro ng komiks creation sa Pilipinas. Nasabi ko ito dahil parang ang dami-daming apektado. Para bang kahit katiting na aksyon na gawin nila ay ay big deal sa marami.
Narito ang tunay na scenario, ang CJC/Sterling ay isa lamang entity sa ating mga komiks creators. Mayroong silang mga actions na ginagawa, at sana ay huwag rin tayong tumigil sa mga actions na ginagawa rin natin. Ano ang mga actions na ito?
1. Gumawa ng komiks.
2. Ipasa sa Publisher/Maghanap ng Publisher
Ang Kongreso ng Komiks para sa akin ay isa lamang event gaya ng Komikon, Toycon, Cosplay Contest. Hindi ito ang sentro natin bilang mga komiks creators. Kasi kung ito ang gagawin nating sentro, masasaktan lang tayo kapag hindi na-meet ang ating expectations.
Unang-una, ang Kongreso ng Komiks ay dapat kalipunan ng lahat ng komiks entities sa Pilipinas, dapat ay may mga publishers na nasa harapan (Mango, PsiCom, etc.) at hindi lang hawak ng isang entity (CJC/Sterling).
Para kung may magtanong ng ganito: “Ibabalik ho ba ninyo sa amin ang original illustrations pagkatapos I-print?”
At magkakaroon ng debate sa pagitan nila dahil magkakaiba ng paniwala ang mga publishers tungkol sa bagay na ito.
Ikalawa, sino ang ‘main speaker’/resource person ng Kongreso ng Komiks na malawak ang wavelength tungkol komiks business sa Pilipinas.
Halimbawa, kapag may nagtanong ng ganito: ‘Ako po ay nagbabalak maging independent publisher, paano po ninyo ako masusuportahan? May plano ba kayo na repasuhin ang distribution/circulation system sa bansa? Halimbawa sa Amerika, maraming nagsusulputang independent publishers dahil may mga distributors sila na malinis magtrabaho (gaya ng Diamond), isa-submit mo lang ang product mo, kapag na-approve ay wala ka nang problema. Dito sa Pilipinas, namorblema ka na sa mahal ng printing, mamomorblema ka pa sa mga ahente, at lalong mamomroblema ka sa paniningil.’
Marami pang dapat pag-usapan tungkol sa komiks. Pero sabi ko nga, hindi natin sentro ang Kongreso ng Komiks. At hindi ko ito itinuturing na sentro, dahil malakas ang paniniwala ko na hindi nito kayang sagutin ang karamihan ng katanungan lalo na ng new generation of komiks creators.
Isa lang ang hiling ko, pumunta tayo doon, makinig, makisaya, makipagkuwentuhan, makipagkilala, manghingi ng mga give-aways, at kumain ng free lunch.
At the end of the day, matuwa na rin tayo kahit paano dahil bukod sa Komikon ay mayroon na ring isa pang event tungkol sa komiks na imbitado ang lahat.
6 Comments:
Randy,
kinilabutan ako sa post na ito. ano nangyari? kahit sa PKMB nahalata kong nagbago yung tono mo regarding CJC Sterling.
inaasahan kong pakikinggan ang mga hinaing ng mga contributor, tulad ng naibanggit noong isang meeting.
nai-bring up mo na ba kay Martin yung kaso ng Diamond Distributors? yun sana ang maging serbisiyo ng Sterling pag dating ng panahon...
Wala naman akong problema sa CJC/Sterling, supporter pa rin naman nila ako. Promise yan.
Naniniwala ako na pakikinggan nila ang lahat ng kanilang contributors. Ang hindi ko lang alam ay kung pakikinggan nila ang hindi nila contributor na nagbabalak gumawa ng sariling komiks.
Magandang ideya yan, ang Sterling ang parang maging Diamond dito sa Pilipinas. Kung magkakaganyan ay mas madali nating mai-market ang komiks natin. Ang problema na lang ay ang mahal na printing cost sa mga printers.
If you take a look at it from another perspective, I see this as another revival of the komiks industry. I am all for this. I only hope that what Sterling-CJC is doing is ACTUALLY going to re-elevate the komiks artform here in the country, than just BS to sell their wares. I also hope that what they are doing will ultimately revive the dead industry. Including the unsung artists, writers and editors of this medium who have toiled before or are just about to start now.
Sa akin lang kasi, ang industry na ito can only be good if it reaches the right people. And I believe using the Internet as ANOTHER medium to showcase these new works would also help.
With paper and ink at a premium nowadays, maybe we should seriously look into the digital form as another option.
Siyempre, ang problema lang dyan, not everyone has access to the Internet. But then if we develop a dual media, we can also have the support of the OFW's who can easily snap this up.
Oops, sorry for my long post. Gusto ko lang isuporta ang aking kaibigan na si Randy! Hehehehe
Conflict of interest kung ang Sterling ay maging distributor ng komiks ng ibang publishers. Kung maganda nga ang distribution network nila, ay parte na ito ng competitive advantage nila. Bakit nila pakakawalan ito?
May dahilan kung bakit ang Diamond ay hindi publisher ng books at komiks, maliban sa catalog nila.
"Ang problema na lang ay ang mahal na printing cost sa mga printers."
nasa creators na yan, kung alam mong may bibili ng Komiks mo, siguradong may Return on Investment yan with profit.
kaya nga ang laki ng binabayad sa magagaling na artist at writer, kasi siguradong bebenta yung komiks nila.
may local komiks na nag-fold dahil sa dealer/distributor problems. may isa pang komiks na backed ng magandang distributor e sa content naman nagtipid, di tuloy nabenta.
Tip lang ha? Dapat me mga article dito na Cebuano. Pag hindi, me magagalit dyan. :) Joke lang.
Post a Comment
<< Home