MULA SA STERLING
Magandang Gabi Po!
Maraming salamat po sa inyong mga obserbasyon sa unang hirit ng atin Komiks. Valid po ang mga oberbasyon at kami ay babawi sa susunod na issue para mapaayos ng mabuti ang printing!
Ilan lang pong klaripikasyon sa produkto:
1. Ang selyo po na nakadikit sa Komiks ay proteksyon lang po sa dating "habit" ng merkado na pagrerenta ng Komiks at babalik sa Publisher ng walang bayad. Yan and isang dahilan kaya namatay ang Komiks. In fact, nuong kapanahunan ni Don Ramon Roces, ang cover ng Komiks ay pinaltan at ginawang newsprint para di tatagal at di maparentahan. Noted po yung inyong komento at papagbutihin po natin sa mga susunod na kopya ang selyo!
2. Sa presyo po naman, kami po ay nakipagugnayan na sa mga distributors and dealers na isaayos ang presyo at sundin ang P10 sa suggested retail price. In fact, sa ibang area ng Metro Manila ay meron din nagbebenta ng P12 hanggang P15. Ito po ang resulta ng pag-ubos ng kopya ng mabilis at malamang ang ibang mga kaibigan natin ay sumakay sa paghahanap ng mga konsumer.
Maraming Salamat Po Muli at Inaasahan Ko Po Ang Inyong Mga Komento Sa Susunod na Araw!
Martin S. Cadlum
Vice-President
Sterling Publishing
13 Comments:
Congratulations Mr. Cadlum for the successful launching of the 5 titles, sana tuloy-tuloy na ito, para mapagukulan ninyo ang Phase 2, yung binanggit ninyong High End Comics.
Auggie
yo papa randy!
pa reprint ako nito sa blog ko ha.
re link din kita as the source
Sure:)
congarats sa 5 titles,sana makbasa rin ako ng istorya dyan..again hope na lumawak pa ang simula at pagbuhay sa larangan ng komiks!
Dapat sa susunod, Cebuano na ang gamitin para mabasa ng buong Pilipinas ang komiks 'nyo. Hindi na kasi mabigyan ng depinisyon ang "Pilipino" eh. :)
Puwede. Basta ba mapatunayan mo na mas maraming makakaintindi ng Cebuano kesa ng Tagalog.
Try mo ring mag-propose sa channel 2 at channel 7 na gawing Cebuano ang dub ng mga palabas nila. Ewan ko lang kung seryosohin ka nila hehehe.
Robby Jr:
May solusyon tayo diyan.
If you're in Cebu, do what the Cebuanos do: watch Cebuano TV.
If you're in Bicol, watch a Bicolano TV.
If you're from Timbuktu, watch Timbuktuan TV.
Eh, di everybody happy!
- Robby II
Hello!
Does anybody here knows where i can purchase the komiks.
I haven't seen a copy of the komiks ever since the launch, when i went to a news stand,
"Ate,kuya , meron po kayong Carlo J. Caparas Komiks?"
they were simply like
"Huh? Ano yun?"
Apparently walang lumabas sa Guad nun.. ~___~
Mabilis ba talaga syang naubos.. I wanna rate the 5 komiks myself...
Aileen,
Sa EDSA Central Market marami akong nakita. May tindahan doon ng dyaryo sa side ng mga tindahan ng prutas.
Well, G.M.A. advertise their shows in Cebuano here in Cebu, so I guess they'll think twice about that (hehehe).
Tama ang logic ni Ludivino. Dapat lahat nga ng cjc komiks in Cebuano para LAHAT ng Pilipino sa Luzon Visayas at Mindanao, mabasa at maintindihan 'yan. Kawawa naman ang mga Cebuano natin. (hikbi)
hahaha kakatawa, ewan ko lang kung maging patok ang komiks kapag naging cebuano version ito. Parang gusto nyong palabasin na gumawa ng komiks para lang sa cebuano. Ang komiks na ginawa ay para sa pangkalahatan, kaya tagalog ang ginamit. Halos lahat naman kahit papaan ay nakaka intindi ng tagalog. Bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit. Hindi ko isinasali ang mga katutubo nating kababayan na nasa bundok hah, ang pinapasaringan ko dito eh ang mga tao sa siyudad. Napaka tanga mo kapag hindi ka nakaka intindi ng tagalog gayon nasa pilipinas ka. Kahit cebuano ka marunong kang magtagalog ano? Super bobo ka kapag tinanong ko ang pangalan mo sa tagalog at hindi mo nasagot, kaawa kang nilalaga na taga siyudad na hindi makaintindi sa tanong kung anong pangalan mo. Hoi! kaung mga nag aasar kay Roby about sa cebuano version. Magsitigil nga kau, kakainis basahin mga comment nyo, hilig nyo pang mag tago.
available na ba ito sa cebu? my sister kasi is looking for it at nagrequest sa akin na magdala sa paguwi ko next week. kailangan din nya mga back issues, may available kaya? which stores?
Post a Comment
<< Home