MAY FUTURE BA?
Ngayon ko lang nabasa ang limang komiks ng CJC-Sterling kahit noong isang linggo ko pa ito nabili. As usual, karamihan ng nababasa kong reactions ng marami ay ang art at printing issue.
Unahin natin ang printing. Karamihan ng hinahanap ng marami (dito sa internet) ay book paper, glossy at colored. Ano ba naman kayo? E di kung ganito ang ginawa ng Sterling, e di hindi na sampung piso ‘yan dahil malulugi sila sa presyo. Kaya nilang gumawa ng komiks na kasing quality ang papel at printing, pero siguradong magtataas sila ng presyo. Kaya nga nila ginawang newsprint at black ‘n white ang loob dahil balak nila itong ibenta ng mura at makakayang bilhin ng marami. Subukan niyo ngang magbenta ng P120 na komiks sa bangketa, tingnan natin kung may bibili.
Puntahan naman natin ang art. Napaka-subjective at relative na topic nito. Of course, sa isang sanay makakita ng komiks na gawa sa Amerika, ang standard na nakatanim sa isip nila ay tulad din ng sa Amerika. Ilang readers ang tinanong ko kung sino ang gusto nilang illustrators (wala silang kamuwang-muwang sa komiks ng Amerika o Japan, at sila ang tingin ko ang representative ng wide target audience ng ‘masa komiks’), ang itinuro nila sa akin ay ang gawa ng Celerio brothers (nakapagtatakang hindi nila kilala pero natatandaan nila ang drawing) at ni Hal Santiago. Walang muwang sa art or illustration technicalities ang mga taong ito, pero ang mga ito ang target audience ng ‘masa komiks’. Sa businessman’s point-of-view, mas gusto kong targetin ang wide market kesa I-please ko ang mga critic artists. Hindi natin puwedeng isaksak ang kaalaman natin sa art at I-compare natin sa mga taong ito. Hindi sa pinapababa ko ang ‘masang amoy-pawis’ pero gusto kong dalhin ang marketing strategy sa dahan-dahan at hinay-hinay na paraan. Magbabago ang lahat ng iyan sa takbo ng panahon. Ganoon naman ang takbo ng magaling na businessman, pag-aralan ang market, at mag-evolved sa market na ito.
Mas gusto kong punahin ang limang komiks internally. Pasensya na mga Sir at Ma’am, trabaho lang….
OFW Superstories – 5 nobela at 1 series. Lahat beterano.
KLASIK KOMIKS – 4 nobela, 1 series, 2 short stories
GWAPO KOMIKS – 4 nobela, 3 short stories
ESTUDYANTE KOMIKS – 4 nobela, 3 short stories
SUPER FUNNY KOMIKS – 4 nobela, 1 series, 2 short stories
Iyan ang laman ng limang komiks. Lahat ng nobela at series na nariyan ay hawak ng mga beterano. Ibig sabihin, makakasingit lang ang ‘young generation’ sa mga short stories. Although tingin ko ay open naman sa proposal, pero tiyak na pag-aaralan pa ng editorial board. Suma-tutal, mas pahirapan sa baguhan ang makakuha agad ng nobela o series.
Sa next issue, ilalagay na ang gawa nina Dell Barras at Nestor Infante. Ibig sabihin, dalawang short stories ang kailangang mawala para isingit ito. At ibig ding sabihin, mas maliit ang tsansa na mabigyan ng break ang mga baguhan dahil tiyak na magsisiksikan sila, kasama ang ilan ding beterano na walang nobelang hawak, sa kakaunting slot ng short stories ng limang komiks.
Kaya ilang linggo pa lang ang nakararaan, at isang linggo pa lang ang nakalipas buhat nang lumabas ang komiks, naka-hold na kaagad sa ibang short story illustrators ang trabaho, at nakatambak na rin ang nai-submit na short stories ng mga writers na hanggang ngayon ay marami pa ang hindi nababasa.
Unahan na ay siksikan pa sila sa limang komiks.
Samantala, ang mga may pangalan na ay may mga tigda-dalawa hanggang tigta-tatlong nobela at hindi na apektado nitong ‘hold sa script’ para sa artist at ‘hindi pa nababasa’ para sa writer.
Kung magpapatuloy ang ganitong sistema, paano tayo makaka-discover ng bagong talents? Paano tayo makaka-train ng mga bagong tao na magpapatuloy ng mga komiks na ito? Sino ang magtutuloy ng komiks na ito kung ang iniisip lang natin ay ang mga tao sa nakaraan sa halip na mga tao sa hinaharap?
I suggest na kahit isa man lang sa mga komiks na ito ay ilaan para sa short stories. Sa ganoong paraan, kahit beterano o baguhan ay may tsansa na makagawa nang hindi namo-monopolyo ng mga nobela.
Malaking question sa akin ngayon kung papatok pa ba ngayon ang mga nobela na tingi-tinging tiglilima at tig-aapat na page. For the past years kasi, ang kumikita na ay ang mga tapusan—Shocker Komiks, Horoscope, etc. Ang mga komiks na ito ang nangunguna sa sales noong 90’s. Isa kasing tanong diyan ay kung matiyaga pa ang mga Pilipino na mag-abang ng nobela linggu-linggo o mas gusto na lang nilang magbasa ng isang tapos na kuwento.
Ito rin ang dahilan kung bakit lumakas ang graphic novel. Hindi mo na kailangan pang maghintay kung ano ang mangyayari sa susunod, ibibigay na sa iyo ang kuwento ng isang buo.
Dahil sa ganitong sistema ay nag-reformat din ang GASI at Atlas noong mid-90s. unti-unti nilang tinanggal ang mga nobela at napalitan ng short stories. Lumabas rin ang komiks na may isang kuwento na lang (parang American comics format).
Halus linggu-linggo ay pumupunta ako sa meeting sa Sterling office. Napupuna ko na habang tumatagal ay nadadagdagan ang mga taong dumarating, may mga bagong nagsusulputan at mga datihang nagbabalikan. Tantiya ko ay 30-50 persons ang regular na dumarating.
Paano mo mapagkakasya ang ganito karaming tao sa limang komiks na ang laman ay puro nobela?
At sa tingin ko, sa mga susunod pang linggo ay madadagdagan pa ang mga taong ito. Nakakaakit ang propagandang: “Buhay na ang komiks!”
Pero hindi pa nito kayang bigyan ng hanapbuhay ang marami. Marami sa mga ka-batch ko ang nagbalikan, pero nang makita nila ang totoong eksena, out of frustration, isa sa mga ito ang nag-text sa akin: “Babalik na lang ulit ako sa animation.”
32 Comments:
Randy, hindi yung pagka-newsprint at black and white yung problema nakikita ko. Hindi lang talaga maganda yung printing. Pag tignan mo yung black areas parang itsurang na print sa mis-aligned ink jet printer na madumi ang itsura. Tapos yung edges ng lines mukhang magaspang. Hindi naman ganito itsura ng mga mumurahing komiks dati. Hindi naman naghahanap ng book paper at colored yung mga nagre-reklamo sa printing. Di lang talaga maganda ang printing para sa black and white newsprint.
Ako ang unsolicited advise ko ay -- siguro bigyan ng mas malinaw na differentiation yung limang titles. Kasi pwede mong paghalu-haluin and i-rambol yung mga kwento between the different titles pero wala kang mapapansing kaibahan. May branding siya sa harap, pero wala sa loob.
Tama ka, Ka Randy, maski ako nung pagbili ko ng komiks expected ko wakasan tulad nung dating komiks. Yung hindi ka maghihintay ng matagal. Sa ginawa nila ngayon, totoong nakaka inip para subaybayan ang 4 pages na story lang. Subukan nyong basahin ulit, kasarapan ng pagbabasa malalaman mo 4 pages lang at putol na agad ang story. Nakaka walang ganang magbasa ng ganun. Hindi ko na appreciate ang pagbabasa dahil bitin, sa dami ng story hindi mo na papansinin ang story talagang ma focus ang pagababsa mo sa Art at wala sa Story dahil puros bitin.
Kung hindi lang ako mahilig sa komiks at bumili ako ng ganitong komiks. Hindi na siguro ako bibili sa susunod na issue. BAKIT? Kasi alam ko na ang susunod na mangyayari, mabibitin lang ako dahil tig 4 pages lang ang story na mababasa mo at bitin ka na naman.
Pasensya na po prangka lang, Sabihin ko sa inyo ang totoo, ang susubaybayan ko na komiks eh yung Gwapo Komiks at Klasik komiks lang. Hindi na Story ang habol ko kundi ang Artwork, nakakainis kcng basahin ang bitin na 4 pages lang.
Nga pala eto pa update sa presyo ng komiks dito, P20 ang benta sa isang grocery dito at yan ang kwento sa akin ng isang nagbalak bumili na taga rito din sa tacloban eto bisitahin nyo ang message nya http://bluepen.deviantart.com Lalong walang bibili nito, 100% ang ni increase na tubo hahaha. Siguro nakarating sa office nila na nagkakaubusan dyan sa manila. Pero dito sa Tacloban, Nilalangaw ang komiks.
Nakalimutan kong sagutin ang tanong mo. MAY FUTURE BA? Siguro kung babaguhin nila strategy nila.
hi randy,
tama ka sa obserbasyon mo na ilan lang o baka walang tsansa ang mga umaasa na short story writer na maka-penetrate sa komiks na nasa market ngayon. okey ang naging panawagan mo na sana ay magkaroon ng isang komiks na maaaring gawing "pandayan" ng mga manunulat ng henerasyong ito.
"manunulat ng henerasyong ito", ayokong tawaging "baguhan" ang mga manunulat ng henerasyong ito dahil subjective ito. ang baguhan na kadalasan na itinuturing ay iyong nasa edad na late 20's hanggang early 40's. kung mayroon mang nasa edad na early 20's ay mangilan-ngilan lang at marahil ay may karanasan na rin naman sa pagsulat sa ibang genre. naniniwala ako na sakop din sa tinatawag na "baguhan" ay yung mga hindi nagsisikat noong 90's. eto ang napapansin kong pamantayan ng pagtawag sa "baguhan" at sa pagtuturing kung sino ang hindi baguhan. halimbawa sa generation na pumasok noong late 90's, pakiwari ko'y tatawagin pa rin silang baguhan maski sangkatutak na mga obserbasyon at pag-aaral ang kaya nilang sabihin o i-share para sa ikauunlad ng komiks. wala naman kasing tunay na baguhan na ngayon pa lamang magsusulat ng kanilang unang script. kundi baguhang nagsisimula ulit ng kanilang mga career sa mundo ng komiks at naghahangad ng pagkakataong sila naman ang "sumikat". natatawag lamang silang baguhan dahil sa "rate". kapag binigyan ng mababang rate, baguhan daw kasi. maski nagsulat o nagdrawing na noong 90's pa.
ang mas gusto kong bigyan ng papuri, puna, at panunuri, ay ang mga nailabas na kuwento sa 5 komiks ngayon. gusto kong bigyan ng mas malalim na pag-aaral kung saan na nga ba nakarating ang itinuturing nating batikang manunulat at kung maisasalba pa nga ba nila ang komiks kung ang pagsusulat ng nobela at kuwento ang pag-uusapan. higit sa lahat, dapat din nating tingnan na ang pag-unlad ng komiks ay nasa kamay rin ng mga mambabasang tatangkilik nito. paano ba sila nag-react o magre-react sa mga ganitong istilo ngayon ng pagkukuwento? katanggap-tanggap ba ito sa kanila? magiging kritiko ba sila? nais ko ring bigyan ng pansin kung umunlad na ba ang kamalayan o tumaas ba ang panlasa ng mambabasa mula ng magsimula ang komiks noong 40's hanggang sa kasalukuyang panahon. o baka nga tuluyang nabansot na. ang pagsagip sa komiks ay hindi lamang kasi nasa kamay ng mga "creator", higit sa lahat ay nasa kamay ito ng mga tatangkilik na mambabasa. sana ay abangan mo ito blog ko ito.
glady
Randy,
May Future Ba ? Oo naman, it's too premature to predict it's demise. Di ba ang sabi eh 5 years daw ang pisi nito kahit malugi ?Kung nakikita mong masikip ang 5 titles para ma-accomodate ang mga young Komikeros, di magdagdag ng another 5 titles naman para sa mga kabataang Komikeros. Puro wakasan siguro o with a sprinkling of a series. At ang suggestion ko ikaw ang gawing editor ni Mr. Cadlum, Deputy editors siguro sila Garro , JohnB and Mario M. Art/Creative/Production consultants sina JM, ANK, Robby.
Ano sa tingin mo Mr.Cadlum ? kaya ng mga grupong ito ang trabaho.
Auggie
Me Cebuano pala nagko-komment dito. He he.
Parang enclosed at self-censored pa rin ang mga istorya sa mga 5 cjc titles na nabili at nabasa ko. Parang me sinusunod pa rin silang self-censorship code E WALA NAMAN tayo ngayong umiiral na industry-wide self-consorship code. Kaya tuloy, nahi-hinder ang creativity nila. Parang nasa time-warp o Time Tunnel, ang mga writer at artist ng cjc komiks.
Sa panahon kasi ngayon, ALL-OUT na. Sa dami ng mga communication devices, hindi halos ma-regulate ang mga content nito. Lalong lalo na sa Internet. A lot of experimentation and new things are going on. Nahuhuli ang mga kaibigan nating beterano ng nakalipas na digmaan sa komiks.
Pero in fairness, kahit ganun ang istilo nila, naniniwala pa rin ako na merong malaking NOSTALGIA market para dito, lalong lalo na sa probinsiya at di sa kokonting urban na siyudad sa Pilipinas. Sino ang me karapatang matahin ang taste nila?
Actually, maganda nga itong nangyayari at nauudyok ang ibang baguhang manlilikha na mainip at magsabi ng: AKO NAMAN.
Isa pa, sana lalong magtagumpay ang Sterling at si Ginoong Caparas, para meron nang AKTWAL at RECENT na komiks publishing study na maihahampas sa mga punetang nagsasabi dyan dati na wala daw market o profit kung magbenta ka sa mga "poor people masses" of the Philippines (Yuk!) Aba e, ke lalaki ng kita in foreign exchange ng mga "graphic novel" pinoy artists natin sa abroad ni isa sa kanila WALANG nagisip mag-negosyo dito sa bansa natin, o dili kaya e makipag asosyo sa matinong negosyante at mag-research sa merkado ng bansang Third World natin. Sana me pumasok pa na mga bagong mass market comics publisher. At sana, wala nang komiks censorship. Sana uli, wala nang kokontrol na isang publisher sa komiks distgribution system ng bansa. Sana nakikinig ang Sterling dito.
Tama ka Randy, hindi pinapansin KARAMIHAN ng mga ordinary at average komiks reader ang mga minor at inconsequential "printing errors" tulad ng ginagawa ng ilan sa mga sipsiperong internet expert at Phd na nagko-komment dito sa blog mo, na sad to say, wala namang trabaho ngayon sa local comics publishing business.
Ang importante sa average at ordinary komiks reader na di collector ay disente ang kanyang kopya at naiintidihan at nauunawaan ang nilalaman. Intangible ang binibenta dito, HINDI PAPEL.
Ang intangible na binebenta ay ang abstract na ideya ng istorya at art para maaliw ang isip ng tao. Minor o invisible to the trained eye na mga printing errors ay di pinapansin ng nakararaming average comics reader.
Kung minor printing errors at classic printing style ng nakalipas na century ang hanap ng mga connoisseurs dito sa blog ni Randy, aba e doon na lang sila sa Museum. Marami niyan sa internet. Tiyak, mas masisiyahan sila doon pagkat doon, maaari silang magpalit ng walang direksyong kuro-kuro, insincero at walang katapusang pagpuri sa isa't-isa at gumawa ng mga mala-hanging "thesis" tungkol sa "comics art". Wala kasi ganyang pataasan ng ihi pag TRABAHO na ang pinag-uusapan sa comics publishing business. Kaya ba nilang matapos ang isang 15 page story in one week? No way. Noong panahon nina Redondo at Alcala, mabilis, maganda at MADAMIHAN ang mga drawing nila. Iyan ang industry, HINDI HOBBY. HINDI COLLECTIBLE. HINDI "ART".
Honga pala. Baka di mabenta ang mga susunod na isyu ng 5 cjc nationwide. Bakit kamo? Ayon daw kasi sa mga eksperto diyan, di daw kasi Cebuano ang salita. :)
Si-boom, si-boom...ratatatatatata...si-boom, si-boom...
Si-boom-si-boom:
Kumusta ang 1950s? Ako naman si Siboney, the 1930s. He-he.
Hindi ka pala discriminating sa mga bagay-bagay. Okay rin iyan, hindi ka mahirap ma-please.
Kaya lang, kung lagi tayong PUWEDE na lang sa mga bagay-bagay, hindi na tayo maghahangad na umangat pa.
Kaya siguro ang ating bansa ay nasa quagmire palagi, trapped sa estero kasi hindi na tayo nag-a-aspire ng EXCELLENCE sa mga bagay na ginagawa natin.
Kaya nga nariyan ang GALUNGGONG na binababad kuno sa FORMALDEHYDE, ang chemical na ginagamit sa pag-embalsamo ng patay, para hindi agad lumambot ang isda. Pero okay lang ito sa iyo, di ba?
Nariyan ang paggamit ng pinagbabawal na chemical na pampatamis sa "SA MALAMIG" sa sidewalk dahil very toxic ito. Subali't, nguni't datapuwa't .... okay pa rin ito sa iyo, de bah?
Naririyan din ang paglalagay ng KALBURO sa prutas para mahinog agad ito at maipagbili sa publiko, kahi't pa poison ang bagay na ito.
Moral pa rin ito sa iyo... hendeh bah?
At ang mga bagay na ito ay nagaganap dahil "PUWEDE NA!" para sa mga katulad mo na walang pagmamalasakit sa kung ano ang tama at mataas na pamantayan para umunlad, maiangat ang buhay ng mga Pilipino.
Itong limang komiks, printing-wise, MAGIGIMBAL ang mga makakaita nito sa west. Hindi talaga at par ito sa pamantayan ng tamang trabaho. Purely SCHLOCK, ika nga ng mga Hudyo.
Buweno, kung ganito ang hilig mo, okay lang sa iyo. Pero para sa iba, hindi okay. Sa akin, personally, ay CRAP WORK ito. At kaya pinuna ni Randy ang probblema, para naman ayusin ng Sterling ang mga susunod na issue. We are paying for this komiks. We have the right to DEMAND for at least acceptable na kalidad. Ayan at may mga pages na halos ay hindi mo na mabasa dahil mukhang EXCREMENTO, tapos tutuyain mo ang mga pumuna?
You are on the wrong, my friend – anonymous na ayaw magpakilala, ewan kung dahil sa TAKOT o dahil sa mga sariling SHORTCOMINGS. But no matter what your fucking motive is: REVEAL who you are and face us all and show us your INTELLIGENCE if you have any, you damned fool!
"Siboney, that's the tune that they croon at you down Havana way...
Siboney, that's the dance that they dance at the cafe..."
LABAN! Nakahanda kaming makipagbalitaktakan sa iyo. Hindi ako naging ASO for nothing! Naghahanap talaga ako ng basag-ulo at ikaw ang unang hinahamon ko!
Ito ang kailangan ng blog ni Randy para muling PUMUTOK sa RATINGS game.
Kapag sumagot ka sa message kong ito, TATAOB ang ratings ng ABS-CBN at GMA, Kaya it is mandatory that you MUST respond in an angry way as well, Kailangang MURAHIN (ay, tumangkad na ba ito?) mo ako nang katakut-takot para magkaroon uli ng awayan.
SABAK NA! Ngayon din. Laban ka?
Me nabili akong kopya ng GWAPO komiks sa Quiapo. Napansin ko sa page 8 and 9, yung mga tuldok sa letter "i" ay hindi eksaktong bilog. Nakakairita. Talagang pag di ka gumamit ng microscope di mo mapapansin. Parang hugis itlog e. Kainis.
Sigurado ko milyon-milyong, bilyon-bilyong mga komiks readers sa internet blog ni Randy ang nakapansin nito. Palagay ko mahinang klase ng printer ang ginamit ng Sterling. Siguro Canon o HP.
Me paraan ba para mapalitan ang kopya ko? Collector kasi ako ng komiks at Paru-paro.
Nagtatanong,
GUS
usapang komiks talaga! bakit dito sa Cebu parang wala pa akong nakikitang komiks????
Yan ang malaking problema ang PWEDE NA system. Kahit anong gawin mo kapag na apply ang PWEDE NA never maging high standard o dekalidad ang product na ginagawa mo.
Kasi parating "pwede na yan". Kung High quality work ang target at sinasabi mo, dapat yun ang makikita sa product mo.
Kaso sa printing palang disappointed na ang karamihan sa atin. Sabi nyo pa hindi na napapansin ang printing errors.
Siguro noon, oo hindi na pinapansin ang mga printing errors pero ma appreciate mo ang story dahil wakasan at makulay. Kasi isa ako noon na hindi ko pinapansin ang mga printing errors. Dahil nasisiyahan ako sa nababasa ko at dilang sa story kundi sa drawing at kahit papaano may colors ito.
Pero ngayon, imposibleng hindi mo mapansin ang printing errors. Dahil black and white na nga, bitin pa ang story at ang pangit talaga ng pagka print. Kahit ipabasa mo ito sa batang paslit magrereklamo din. Sabi ko nga Hindi ito ang dekalidad na komiks.
Kaya hindi dapat ginagamit ang PWEDE NA sa ganitong klasing komiks lalo na't black/white ito. Tama si Taurus warrior CROP WORK, pero hindi sa mga Artist hah. Yung sa printing lang.
Magagaling ang mga ARtist natin at sa writer naman magaling din kaya lang "Wala bang bago?", medyo kulang lang sa FREEDOM para ma express pa ang mga gawa nila, dahil sa 4 pages lang nila pinag kakasya ang debuho nila. May wakasan nga kaya lang siksikan na ang story at drawing sa 4 pages samahan pa ng naglalakihang diaglog sa ibang komiks title.
Para bang isang lata ng sardinas na nilagyan ng bigas at tinaktak pa para masinsin at masiksik ang laman nito, tapos yung bigas ang dami pang kahalong maiitim na bato na sumisira sa kaputian ng bigas. Gets nyo ba?
Dambuhala nalang kau mag talo, basta ako nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa komiks natin ngayon. Gayun pa man masaya parin ako dahil nagbalik na ang komiks. Printing at 4 pages story na bitin lang talaga ang problema.
Solution:
Ayusin ang printing at dagdagan ang pages ng bawat story. Or maglabas ng bagong komiks na wakasan na open sa lahat ng writer, tulad nasabi na ni Ka Randy.
Mabuhay ang komiks! Pwede?
siboom (anak, tunay na pinoy, etc),
Just take my comments for what they are. It's what I see. We can differ in world view without having to call each other names. I really don't care if the typical komiks reader will see it. It's just a message to Sterling that if komiks could be printed competently on newsprint in the 1950's, then why can't it be done in the 21st century?
Also, if you have been referring to me -- I'm not Cebuano. Most of my known ancestors were born and raised in Manila. The only Cebuano words I know are 'dili' and 'dugay'.
Anyway, don't expect any more response from me after this -- it's my last visit to this blog. Regardless of promises and announcements it's plain to see this blog is just a cockpit for unwitting roosters. Maybe I'll catch you around someday in other sites, hopefully with a less severe acne problem and with a mature outlook in life.
Sa ganang akin, kaya tumagal ang mga magagandang nobelang tuluyan noong 1970s at 1980s ay sapagkat, una malaganap at mura ang komiks noon. Hindi mahirap hanapin at abot-kaya ng nakararami. Suma, hindi masakit sa bulsang sundan ang mga tuloy-tuloy na nobelang ito.
Panagalawa, me mafia noon ng mga high-income komiks novelists. Sadya nilang di tinatapos ng daglian ang mga nobela nila para tumagal tagal sila sa komiks at humaba ang kita. Hindi tuloy makapasok ang ibang bagong talento. Ang kita ng mafia novelists na ito ay madalas pinpartehan ang editor na laging panig at biased sa kanila kaya mahirap talagang pumasok ang baguhan.
Parang ganyan ang nangyayari ngayon sa Sterling. Dito sa article ni Randy parang me namumuong mafia ng mga komiks novelists sa mga titles ni Carlo. Kokonting mga baguhan na magagaling ang natatakot lumapit din sa Sterling pagkat sa kanilang pananaw, sisirain o haharangin lang sila ni Carlo sa likod. Lalong lalo na kung hihiling ang mga baguhan ng mas mataas na bayad at ng ibang klaseng kasunduang hindi pang-sweatshop tulad ng ke Carlo.
Hindi papayag dito ang kampo ni Carlo. Pipilitin pa rin iralin ng mafiang ito ang napakababang Php 600/Php 200 a page rate sa mga artist at writer. Sweatshop system.
Ngayon naman, maaga pa para sabihin na me tatangkilik sa mahahaba at itutuloy na komiks nobela. Bakit? Pagkat hindi pa sa ngayon malawak ang distribution ng mumurahing komiks tulad ng dati. Tama, mura siya, pero di pa siya gaanong kalawak at higit sa lahat tumagal ng ilang taon. Kailangan makuha muna ang kampante at tiwala ng tao na di basta-basta sasara ang kumpanya ng komiks at mabitin sila sa binabasa.
Kaya sa tanong ni Randy kung me tatangkilik sa itutuloy na nobela? Maaga pa para sabihing tatangkilikin ito ng madla. NGUNIT, mananaig pa rin ang nobela sa mga komiks ni Caparas kahit wala pa ang ganyang kasagutan. Bakit? Dahil sa namumuong mafia ng matatandang nobelista sa kanilang hanay.
Tama na magkaroon ng hiwalay na komiks na panay tapusan lang ang kwento.
Kung pupwede sana, magkaroon ng hiwalay na mga grupo may ibang pananaw sa komiks kesa ke Carlo. Pero ang tanong, me sistema ba para dito ang Sterling ng hindi nababangga si Carlo?
Doon n
Wala namang nagsabi na ang publishing philosophy ng Sterling ay "Pwede Na". Kayong dalawang (expletive deleted) ang nagsasabi at nagco-conclude lang ng ganyan dito sa blog out of thin air. Please don't put words into other people's mouths.
Again, its a totally subjective issue. Who are you two anyway to impose YOUR standards of taste on other people? Especially on people who read and like Php10 cjc komiks? Especially on people who haven't reached your level of education and taste? Whatever that means.
What if these people are CONTENT with what they read, do you have a right to look down on them the way you're doing right now?
Isa pa, maaga pa para kayong DALAWA lang ang maghusga kung LOW QUALITY nga ang mga cjc titles para sa low income target audience nito. Let the people, the majority of readers who bought and read their copies, DECIDE. Not you two officers from the Filipino comics art museum Police force.
Bakit, ilan bang mga kopya ng cjc ang me ganyang low quality printing defects, aber?
Me mga 100,000 ba? Give me a figure. PLEASE. Pwede ba tayong magkaroon muna ng OBJECTIVE at UNBIASED tally bago kayo magdrama-dramahan dyan?
Why can't you give it a few more months and let the "low quality" walang asenso, "pwede na", Php10 crapwork komiks reading, public DECIDE. Hindi kayong mga kapiranggot na comics art wannabes.
Masa-shock ang mga nasa WEST pag nakita nila ang mga cjc komiks? Sila ba ang audience para dito? Nakakaintindi ba sila ng Cebua-este-Tagalog? Printing quality lang ba ang habol ng mga dimungkog na 'yan?
Oy, sa Japan, ang karamihan sa mga MANGA na nilalathala ay nasa manipis at mala onion skin na telephone book paper na de-color pa. Me mga (oh no) printing defects din ang mga ibang kopya. Itapat mo 'yan sa cjc, mas pipiliin namin ang Sterling/cjc kung "low quality" ang pag-uusapan.
Pero magtataka ka. Bakit sa Japan, karamihan ng mga makakapal na Manga e mababaw at low quality ang printing, PERO maramihan at NABABASA, NAUUNAWAAN at TINATANGKILIK ng maraming hapon?
Walang significant majority doon ng mga manga readers ang umaangal tulad 'nyong minority, na tigilan na ang ganyang publishing philosophy. Bakit? Pagkat hindi klase ng PAPEL o HIGH QUALITY PRINTING ang habol ng KARAMIHAN ng mga manga READERS na tao rin tulad 'nyo, kundi ang intangible na KWENTO o IDEA na hinahatid nito sa UTAK ng nakakaunawa.
Ang comics art dito ay TULAY lamang para mai-deliver ng maayos ang KWENTO/IDEA sa UTAK. For the Japanese, Manga is a language.
At bakit naman pumasok ang WEST sa usapan dito? Bakit lagi na lang pag me usapan tayo dito at natitigok ang mga palpak nyong mga proposition, lagi kayong lumilihis sa usapan? Nasa EAST tayo. SouthEAST Asia to be exact.
You two characters are demanding a Php 10 komik for "high quality"? Ano ba ang "high quality" sa bokabularyo 'nyo?
Sige nga, define your terms.
Ano ba ang example para sa inyo ng "high quality"? Elmer? Maskarado? Tropa? Rambol? Sanlahi? Siglo? Cast? Mango Jam? Enchanted Kingdom? Neo Comics? Ignition Zero? Mangaholix? Mwahaha (na ngayo'y Mwahuhu)? Kai? Trese? Angel Ace? Rex Humanis? FILIPINO Komiks? TOPAK?
Kung sakaling ang mga title na 'yan ang mga example 'nyo ng High Standard, ilang kopya ba ang ililimbag ng Sterling sa mga susunod na labas ng cjc? Sino ang magiging primary target audience? Magkano ba ang ibabayad sa mga artist at writer nito? Maglabas nga kayo ng mga study at demographic dyan at di panay HANGIN galing sa WEST.
Abah may tinamaan. So okay pala sau ang PWEDE NA.
Ang mga sinasabi ko ay opinion ko sa nabili at hawak ko na komiks at sa napanood kong interview.
Abel halimbawa ilagay natin ang sarili mo sa posisyon ko. Ang taong nagaabang sa pagkabuhay ng komiks sa pinas. Bago pa man lumabas ito, marami na silang magandang sinabi at pinakita na maganda ang komiks nalalabas pati ang quality nito at ganun din ang sabi nila sa Interview sa Balitang K. So anong expected mo at anong papasok sa isip? Syempre kung anong sinabi nila, yun ang inaabangan ko. Sinubaybayan ko ang komiks simula ng pumutok ang balita at nalaman ko sa Blogs ni Ka Randy.
Hindi ako against sa Komiks ng CJC /STERLING na sa tingin ko eh ganun ang nasa isip mo. Ang hangad ko ay makita at mapabuti ito. Kaya ako nagbibigay ng opinion o komento para malaman nila kung ano nangyayari at feedback ng mga bumabasa at nakabili nito at pati narin ang bentahan nito kung magkano. Ngayon nga P20 pero copy sa isang grocery.
Kung ikaw wala kang pakialam sa quality ng komiks edi isa ka sa taong PWEDE NA. Sorry ka nalang dahil ako yung taong gusto kong makita na maganda ang komiks natin hindi lang sa story, drawing kundi pati quality nito.
Yun nga ang maganda hanga't maaga pa naipapa alam na sa Sterling ang hindi maganda sa komiks na nilabas nila. Tapos ikaw itong nang gagala iti dahil kesyo ganito ganyan sinabi namin about sa quality ng komiks na lumabas. Para sa susunod na labas mapag buti pa lalo nila ang labas ng susunod na issue.
Ikaw ano gusto mong palabasin sa sinabi mo? Manahimik kami at pabayaan nalang kung ano ang nabili namin kahit hindi kami satisfied. Pano kung sa susunod na issue ganun parin? pabayaan nalang ba namin at manahimik ulit at pano ulit kung ganun parin? Ang ganda pa nang sinabi mo hah?
"Why can't you give it a few more months and let the "low quality" walang asenso, "pwede na", Php10 crapwork komiks reading, public DECIDE. Hindi kayong mga kapiranggot na comics art wannabes." -Aray kala mo marunong gumawa ng komiks ang nagsalita. teka baka marunong ka nga kaya ka ganyan magsalita.
Langya few more months pa hah, saka magsalita. Ang ganda nga ng opinion namin eh dahil nag uumpisa palang may feedback agad para sa ikakaganda ng komiks. Bakit hihintayin mo pa ang few more months kung pwede mo namang sabihin ang opinion mo, para sa 2nd issue maganda na.
Nag decide na ang public dito sa lugar ko at tulad mo, ayaw ring magsalita. Para patunayan ko sau na nakapag decide na, kung nagkakaubusan kau dyan sa manila, dumayo kayo sa visayas region at nilalagaw ang komiks dito at tinataas pa kamo ang benta. At saksi ako kung pano hindi pinansin ang komiks dito sa visayas region, tulad ng sinabi ko BUKLAT and GO ang nangyari. Kasi pangit nga printing cover lang nila ang nagpa attract para damputin ang komiks pero nung masilip ang laman. Aray ko, kawawang komiks snab. Kaya ako nag react at nag bigay ng opinion kung ano ang hindi maganda sa komiks na lumabas at ang opinion ko ay para sa ikakaganda nito sa susunod na issue.
So kung ikaw yun, mananahimik kalang at mag hihintay few more months pa. Daming months nun may few na may more pa. :)
eto pa sinabi mo:
"What if these people are CONTENT with what they read, do you have a right to look down on them the way you're doing right now?"
So ano ibig mong sabihin dyan? pinalalabas mo namang walang muwang ang mga readers sa nababasa at nakikita nila at ma kuntento nalang nang ganun na tulad mo na manahimik nalang. Hindi mo na realize na ang opinion namin ay para din kapakanan ng nakakarami para ang mababasa nila ay maganda at maayos. So isa ka palang mapagsamantala, komo walang magreklamo itutuloy mo lang ang ginawa mo kahit hindi maganda (hindi po sterling sinasabihan ko, kundi ang taong ito na walang pakialam sa mga bumabasa ng komiks).
Eto pa sabi mo:
Again, its a totally subjective issue. Who are you two anyway to impose YOUR standards of taste on other people? Especially on people who read and like Php10 cjc komiks? Especially on people who haven't reached your level of education and taste? Whatever that means.
Ako po ay tulad ng iba, isang taga subaybay ng komiks at bumibili ng komiks, na nagnanais mapabuti ang bago nating komiks. Sensya na mukhang Doctor ka pa ata, hindi rin kc ako tapos ng pag aaral, pero naiitindihan ko ang nais ng nakakarami.
Sabi mo pa:
Bakit, ilan bang mga kopya ng cjc ang me ganyang low quality printing defects, aber?
Me mga 100,000 ba? Give me a figure. PLEASE. Pwede ba tayong magkaroon muna ng OBJECTIVE at UNBIASED tally bago kayo magdrama-dramahan dyan?
Wag mo itanong sa amin yan, kung desidido kang malaman tanong mo sa nag print. Reader lang kami.
About naman dyan sa sinasabi mong Manga na may printing error, siguro yang nabili mo panahon pa ng kopong kopong. Kasi ngayon ang manga ng japan ay maayos at mahusay ang printing. Kaya ko nasabi yun dahil may collection ako ng manga at by volume ito. Kahit hindi ko na intindihan ang salita nila. Sa drawing pa lang malalaman mona ang takbo ng story, malawak ang imagination nila, na kulang nalang gumalaw ang drawing, makikita mo ang bawat movement expressive ang drawing nila, na kahit japanese ang dialog maiintindihan mo takbo ng story. Mas gumanda pa ngayon ang manga, dahil mababasa mo ito translated na sa english so kung dati nangangapa ka sa sinasabi ng story ngayon maintindihan mo na at libre pa sa internet.
Sabi mo pa:
"At bakit naman pumasok ang WEST sa usapan dito? Bakit lagi na lang pag me usapan tayo dito at natitigok ang mga palpak nyong mga proposition, lagi kayong lumilihis sa usapan? Nasa EAST tayo. SouthEAST Asia to be exact."
Nagawa ka ba ng komiks o nagbabasa lang? marami ka ba alam sa komiks kc ako kuntii lang alam ko. Pero ang alam ko yung ibang artist sa CJC sa WEST din sila gumagawa. Kilala mo ba sila? hahaha Hindi lumilihis ang usapang kabayan connected parin, dahil ang nasa WEST ay sya ring gumagawa sa EAST.
Sabi mo pa:
You two characters are demanding a Php 10 komik for "high quality"? Ano ba ang "high quality" sa bokabularyo 'nyo?
Sige nga, define your terms.
Sa Illustration, the best ang karamihan, sa story bigatin din, para sa akin High quality narin yan, kung maayos ang printing kahit black/white. Yan ang High Quality.
Saka kapag nagsalita ka ng Dekalidad sa produkto mo dapat yun ang makikita ng bibili nito kapag ganun. Yun ang High quality, hindi lang sa salita pati sa gawa.
At yung last na paragraph na sinabi mo.At dapat na tinatanong mo dyan eh ang Sterling mismo dahli mas malawak ang experience nila. Dahil kung reader ang tatanungin mo baka ito ang isagot sau "Pakialam ko dyan, ko pang tinanong mo nagbabasa lang ako?" Pero kung mga indie ang tatanungin mo. Swerte mo kung may sumagot sau. ahehehe
Sige kabayan, salamat sa pag react mo. Na entertain ako ng husto, pasensya nga pala, ganito talaga ako mag reply, ginanahan ako sau.
Tulad ng sinabi ko, hindi po kami against sa CJC, opinion lang namin ang mga sinasabi namin para sa ikakabuti ng komiks.
Masaya ang Mag komiks!
Bluepen, give me a very high 5!
Canadian Internet BJ Consultant and his little Ballpen said..
CIBJC and his little ballpen...
Isang line lang galing kay Shakespeare ang maitutugon ko sa iyo:
"It was a tale told by an idiot
full of sound and fury
signifying nothing."
Randy, pwede ba magtanong? Nalilito kasi itong si Roderick na nagsasalamin na e.
Noong kapanahunan nyo sa Atlas mga 1990s up to early 2000, ano ba ang quality noon ng printing sa komiks nila? Colored di ba? Pero ano overall ang quality ng printing doon? Coated ba ang mga cover? Wala bang grasa ang papel pag hinawakan ng buyer? Mas marami ba ang mga printing defects noon ng Atlas/National Bookstore kesa sa Sterling CJC ngayon?
Sa mga kasalukuyang isyu ng Sterling CJC, may pagkakaiba ba kung ihahambing? May improvement ba sa printing o wala?
E di ako na ang sasagot.
Noong nasa komiks ako ng 1970ss, di hamak na matino ang printing kaysa dito sa Sterling komiks.
70s yun. Bakit di magawang matino ngayong 2007?
Hindi naman ako nalilito defensive ballpen. sinagot ko lang naman ang sinabi mo. Malabo ba ang pagkasabi ko baka gusto mo ring mag salamin. try mo, pero wag tung sa akin bumili ka ng sau. :)
Subukan natinng compare ang Quality Noon at Ngayon. Kahit bago lang ako sa komiks, nakabasa at nakahawak rin ako pero hindi lang 90's pati 80's nabasa ko, kc dun ako nagsimulang mahilig magbasa ng komiks. pwera lang 70's dahil wala pa ko nun.
NOON Ang komiks. Ayos sa nabasa ko hah.
- Galing ng Illustration (dito nadevelop talent ko sa kakabasa ng komiks)
- Astig ang Story ang nakaka dala mahusay ang writer talagang susubay bayan mo. Bonus na yung Wakasan na Story.
- Colored noon ang komiks kahit limited ang colors nito, nakakatulong mapaganda ang takbo ng story at talagang da best ang Illustration kahit walang color astig.
- Ang papel low class pero maganda ang output dahil ang black ink maayos ang pagka lapat dito.
- Printing error, pasensya na pero wala akong nabasang may printing error noon. Maayos ang komiks noon.
Yan ang Quality ng komiks NOON.
---------
NGAYON Ang komiks. Ayos sa nabasa ko hah.
- Galing ng Illustration (dito na inspired lalo ako, saka yung Artist talagang Idol ko)
- Astig din Story kaya lang yung iba parang ni remake lang. Nakaka inip subaybayan, bitin ang ibang story kc 4 pages lang.
- Colored din ang komiks ngayon pero Cover lang at ni RUSH ang pag color, parang winasiwas ng sponge.
- Ang papel? Mangada news print ginamit ahehehe at Coated ang cover. (may sabit lang talaga sa printing nabale wala ang Ganda ng papel)
- Printing Error, ang dami atang printing error. Mostly double vision. Na check ko kc lahat ng bilihan dito sa amin ganun talaga ang printing.
Yan ang Quality ng Komiks ngayon sa 1st issue.
So Ano sa tingin mo ang magandang Quality Noon oh Ngayon?
Pahabol pa eto sabi mo:
"Mas marami ba ang mga printing defects noon ng Atlas/National Bookstore kesa sa Sterling CJC ngayon? "
Ano ba ang gusto mo magandang Quality or paramihan ng Printing error compare sa komiks noon at ngayon. Ngayon ko lang nalaman yan na may GRASA pala ang komiks noon, hindi pa kc ako noon naka kita nang gayan. Sa totoo lang yung mga nabasa kong komiks noon walang error, kung meron man, hindi ko nakita.
tanong mo:
"Sa mga kasalukuyang isyu ng Sterling CJC, may pagkakaiba ba kung ihahambing? May improvement ba sa printing o wala?"
Malaki ang pagkaka iba, lumalabas na mas okay pa ang komiks noon kompare sa issue ngayon.
May improvement ang printing ngayon pero hindi lang talaga maayos. Kita mo nga wala nang colors.
Subukan mong mong pagtabihin ang komiks noon at ngayon. For sure mas gugustuhin mo pa ang komiks noon regardless sa ginamit na papel.
"Nag decide na ang public dito sa lugar ko at tulad mo, ayaw ring magsalita. Para patunayan ko sau na nakapag decide na, kung nagkakaubusan kau dyan sa manila, dumayo kayo sa visayas region at nilalagaw ang komiks dito at tinataas pa kamo ang benta. At saksi ako kung pano hindi pinansin ang komiks dito sa visayas region, tulad ng sinabi ko BUKLAT and GO ang nangyari. Kasi pangit nga printing cover lang nila ang nagpa attract para damputin ang komiks pero nung masilip ang laman. Aray ko, kawawang komiks snab. Kaya ako nag react at nag bigay ng opinion kung ano ang hindi maganda sa komiks na lumabas at ang opinion ko ay para sa ikakaganda nito sa susunod na issue."
Nilalangaw na ang komiks sa VISAYAS REGION at tinataas ang benta. At naging saksi si Roderic sa BUONG VISAYAS REGION na buklat and go lang ang nangyayari. Sanamagun.
Mr. Rodriguez, pwede nyo ba kaming mga dealer sa Manila bigyan ng mas detailed na observation diyan sa Bicol, Iloilo, Negros, at sa may bandang Mactan? Kung pupwede, doon na rin sa may Guimaras? Paki-dagdag na rin sa data 'nyo ang pangalan ng mga dealers at ilang kopya ang hawak nila, anong araw nilalangaw ang komiks, atbpang facts para maayos ng mabuti? Thank you po.
Galing ni Mr. Rodriguez. Nilibot niya ang buong Visayas region at nasaksihan isa-isa ang pagdampot ng mga komiks.
Cover lang ang nak-attract sa langaw? Pangit ang printing sa loob? Yan ang sabi ng bawat isang nakausap ninyo sa buong Visayas Region? Wow. Maraming Salamat uli, Mr. Rodriguez. Yaman pala ng mga comics artist tulad 'nyo. Sa susunod, pag biyahe ninyo, kami na sagot ng airfare ninyo. Kami kasi ang bumili ng ticket ni Robby Villabona sa CEBU-Racific kaya wala na dito sa blog ni Randy. :)
Gusto ko lang mag agree sa sinabi mo Randy na puro beterano lang ang nasa CJC komiks dahil ako isang bagito nag attemp akong mag submit (in person) ng sample script sa office ng editor ng CJC , yung script na pinasa ko pang nobela na temang sci-fi action at sabi nila di sila nag aacept ng tulad ng gawa ko na sci-fi action ang gusto nila short stories na drama o love story, pero noong umatend ako ng Sept 11 komiks kongress sabi nila na open daw sila sa lahat ng mga ideas na kahit anong genre... eh parang di yata totoo ang sinabi ng speaker doon???
In my own opinion sa panahon ngayon di na magbabasa ng komiks ang mga tao kung puro love story at drama ang laman ng CJC kasi ang love story at drama ay pwede nang mapanood sa GMA or ABS at sa mga local movies natin... Kung di mag eevolve ang mga beteranong writers ng CJC e parang nilamon na sila ng bulok na kahapon at dapat marunong silang tumanggap ng BAGONG DUGO na mas alam ang pulso ng panahon sa ngayon...
"Galing ni Mr. Rodriguez. Nilibot niya ang buong Visayas region at nasaksihan isa-isa ang pagdampot ng mga komiks. "
Ay Sorry po Mr. Anonymous, hindi ko nalagyan ng LEYTEVisayas region. Sensya na tao lang, sobrang gana kong sumagot sa sinabi mo nawala na sa isip ko yun, saka obvious naman na nagmamadali ako sa pag sagot kita mo, ngayon ko lang napansin daming paulit ulit na words akong na type. Ahehehe naka hanap ka ng butas sa sinabi ko hah.
Kaya lang sana nilagyan mo nalang ng konting common sense kung saang lugar ako nakatira at kung saang bilihan ang sinabi ko. Konti lang kc ginamit mo, hindi mo inisip na hindi kayang libutin ng isang araw ang buong Visayas Region. Ang tanga ko ano? para maglibot sa Visayas Region. Tulad ng sinabi ko kulang ng LEYTE ang pagkasabi ko. T
Pasensya na pero hindi ako mayaman na Artist, dahil kung mayaman ako baka nakipag sabayan na ako sa Sterling.
Tutal mukha namang mayaman ka, at parang totally connected ka sa Sterling at diskumpiyado ka sa infomation na sinasabi ko, baka gusto mong bisitahin ang mga dealer nyo dito sa LEYTE VISAYAS REGION. Ayan hah kumpleto na yan. Saka nagyabang ka pa na kau bumibili ng ticket ni Robby, though alam kng joke mo lang yan. Pero mas maganda kung ikaw mismo ang bumisita dito sa LEYTE.
Pero kung wala kang time, Bigay mo sa akin ang NAME at Address mo padadalhan kita ng kopya pati resibo na nasa halangang P20 ang isa. Libre lang wala kang babayaran.
Sa tema ng sagot mo ngayon, mukhang hindi mo matangap na tama mga sinabi namin. Wala namang dapat pagtalunan sa usapin na ito, problema lang ayaw mong tangapin ang opinion namin. Kaya nagkakaroon ng hindi magandang sagutan.
Ang masama pa nito, dami mong sinagasaan na nagbigay lang din kanilang opinon para sa ikagaganda ng komiks. Saka nabasa mo ba ang Letter galing sa Sterling, dibah open sila sa mga ganitong topic para maayos ang problema.
So bakit, ganyan ang asta mo, nasa side ka nga ng Sterling na gayung open sila sa ganitong usapin, tapos ikaw nagtatagol ka na kontra naman sa mga nagbibigay ng opinion. May mali ba sa sinabi namin?
Hmmmmm... May naisip ako, kukunan ko ng picture ang mga komiks na sinasabi ko then i po post ko para makita ng lahat ang sinasabi ko.
Sayang lang kakaalis lang ng utol ko na nakatira sa Lapulapu City Cebu, papuntang Davao kahapon. Kung napa aga lang sa pag post ng reply mo si Randy. Pinalibot ko sana utol ko sa Cebu city para kunan ng picture ang mga komiks bago sya umalis.
Alam mo anonymous, kung ayaw mong tangapin ang opinion namin, ikaw ang bahala. BAka ilang nobela na ang ma isagot ko sau ganyan ka parin na isang bulag sa katotohanan. Naubusan ka na nga ng isasagot tungkol sa Quality ng printing kaya parang kenkoy na reply mo. May pa libre libre ticket kapang nalalaman.
Basta ang mahalaga at sigurado na alam na ng Sterling ang opinion namin. So wala kaming pakialam sa'yo kundi sa komiks lang.
Hahahha... honga no, bakit nga pala ako nakiki pagtalo sau. Ahehehe eto ang problema ko madali akong ma carried away sa ganitong usapan lalo na't kapag nakikita kong may nang aapi sa kapwa ko, na tama naman ang sinabi nya. tapos kung sinong anonymous lang na nagtatago sa saya ng kung sino ka man ang babanat ng wala sa lugar na kung minsan sobrang pag alipusta ang ginagawa sa kapwa nya.
Kita mo, kilala mo buong pangalan ko, kaya lang mali. Kc may kapangalan ako, na classmate ko nung high school na isa ngayon employee ng ABSCBN. ang pinagkaiba ng name namin. Ako yung walang K . Ulitin ko para sa iyong kaalaman RODERIC RODRIGUEZ ang name ko hah, para sa susunod tama na ang pag bangit mo sa pangalan ko.
Ikaw sino ka? shy boy ka ba? Eto nadapot ko kay Randy.
George: Condi! Nice to see you. What's happening?
Condi: Sir, I have the report here about the new leader of China.
George: Great. Lay it on me.
Condi: Hu is the new leader of China.
George: That's what I want to know.
Condi: That's what I'm telling you.
George: That's what I'm asking you. Who is the new leader of China?
Condi: Yes.
George: I mean the fellow's name.
Condi: Hu.
George: The guy in China.
Condi: Hu.
George: The new leader of China.
Condi: Hu.
George: The Chinaman!
Condi: Hu is leading China.
George: Now whaddya' asking me for?
Condi: I'm telling you Hu is leading China.
George: Well, I'm asking you. Who is leading China?
Condi: That's the man's name.
George: That's who's name?
Condi: Yes.
George: Will you or will you not tell me the name of the new leader of China?
Condi: Yes, sir.
George: Yassir? Yassir Arafat is in China? I thought he was in the Middle East.
Condi: That's correct.
George: Then who is in China?
Condi: Yes, sir.
George: Yassir is in China?
Condi: No, sir.
George: Then who is?
Condi: Yes, sir.
George: Yassir?
Condi: No, sir.
George: Look, Condi. I need to know the name of the new leader of China.Get me the Secretary General of the U.N. on the phone.
Condi: Kofi?
George: No, thanks.
Condi: You want Kofi?
George: No.
Condi: You don't want Kofi.
George: No. But now that you mention it, I could use a glass of milk. And then get me the U.N.
Condi: Yes, sir.
George: Not Yassir! The guy at the U.N.
Condi: Kofi?
George: Milk! Will you please make the call?
Condi: And call who?
George: Who is the guy at the U.N?
Condi: Hu is the guy in China.
George: Will you stay out of China?!
Condi: Yes, sir.
George: And stay out of the Middle East! Just get me the guy at the U.N.
Condi: Kofi.
George: All right! With cream and two sugars. Now get on the phone.(Condi picks up the phone.)Condi: Rice, here.
George: Rice? Good idea. And a couple of egg rolls, too. Maybe we should send some to the guy in China. And the Middle East. Can you get Chinese food in the Middle East?
Okidaki! Dito nalang Mr. Shai boi, yoko nang mag reply ng nobela sau, nagsawa na ako, saka wala akong mahihita sau, hindi pa ako kumikita sa adsense ko. Trabaho lang muna, dami ko pang kino code. Oks na yung malaman ng sterling ang opinion namin.
So pa'no kabayan? Tuloy mo lang yang ginagawa mo at itutuloy ko lan din itong ginagawa ko.
Correction lang yung sagot ko about sa name ko base dun sa pagkabangit mo na RODERICK, naitama mo na pala sa last reply mo. ahehehe Thank you... Ge dito nalang... Salamat....
Ito ba ang sincerong nagbibigay lang ng "advice" at hinahangad ang mabuti para sa Sterling:
"hehehe mas malala pala yang nabili mo, sa akin may ganyan din, pero buo ang drawing kaya lang tulad ng sau may gray na parang natapunan ng kung ano hahaha... Yan ang quality walang control hahahaha" -- Bluepen, Sept. 17, 2007 blog article: PAGE
Sorry pareng Bluepen pero alam mo na siguro kung bakit me mainit sa 'yo dito.
Kasama ka na dun, Taurus Warrior.
Pahabol kay MR. ShaiBoi eto basahin mo mas malinawan para sau kc pure english ito galing sa isa sa mga pinagmamalaki natin sa mundo ng komiks.
CARLO CAPARAS COMICS
Enjoy Reading Mr. Shaiboi.
Recommendation :
CIVIL WAR
INFINITE CRISIS
Sino ba nagsasabi ng totoo?
Sabi ni Roderic/Bluepen e, nilalangaw daw at di nabibili ang cjc/Sterling komiks sa Tacloban at sa buong Visayas Region (daw)primarily dahil sa pangit at low quality ang printing nito.
Kung ganoon, e ano naman itong nabasa ko sa Sept. 16, 2007 comment ni Taclobanon/Jet C.A. sa "Limang Titles" essay ni Randy:
"Gaya ni Bluepen, taga Tacloban din ako. Di ko ineexpect na aabot sa amin ung bintahan ng komiks kasi as of kaninang umaga nabalitaan kong sold-out na nga ung mga to."
Paano maso-sold out yung nilalangaw? Dahil sa printing errors lang? Sa Tacloban lang ito ha? Bluepen my freng, wag sanang magalit. Crits lang.
Okey. So, nasold-out. Ano nangyari sa sumunod na batch na mga re-order? Heto ang obserbasyon uli ni Jet C.A.:
"Talagang na-suprise at naging excited ako ng makita ko ung mga komiks sa banketa, pero, tulad ni Bluepen, I was disappointed to learn that they're selling them at P15/each. Plano ko pa sanang bilhin ung lima, pero, binalik ko yung iba at bumili na lang ako ng dalawa. Anyway, sabi ko sa sarili ko, me kakilala akong distributor ng newspapers at magazines dito so plano ko don ko nalang sa kanila bilhin ung naiiwang tatlong titles, baka makuha ko pa at cover price."
Malinaw na kaya walang bumibili ng second batch of re-orders e dahil sa DAGDAG SA PRESYO at hindi dahil sa printing error tulad ng pinipilit nina Bluepen at Taurus Warrior. Otherwise, walang bumili sana nung unang batch na naSOLD-OUT.
Heto ang katuloy na kwento ni Taclobanon na tiga Tacloban din tulad ni Bluepen:
"Worth it din naman ung nabili ko (OFW at Klasik dahil sa creatures sa cover) kahit na me dagdag na P5 markup. Although di nga maganda ung quality ng printing (kahit ung cover), kita naman talaga ung husay ng lineart ng mga artists. And I think naging fan nanaman ako ni Hal Santiago. Sa lahat kasi ng mga local artists, ung pangalan niya ung di ko malilumutan. Tubong 80s kasi ako kaya na exposed talaga ako sa mga komiks. In fact I'd spend even P50 each for nostalgia lang, kung di lang P10 ung nakasulat sa cover."
Kita mo 'yun? Kahit daw para ke Jet C.A.(subjective) binili pa rin niya ang me patong nang Php 15 cjc komiks kahit na me "printing error"
ito. At para ke Taclobanon, MINOR lang ito.
Nasa konteksto tayo ng pagbenta ng komiks sa nakararaming lower income. Malaki ang market nito. Bawat isa me iba't-ibang hilig at PANLASA. Para sa iba sigurong nakararami tulad ni Taclobanon, okey ang quality overall. Para ke Bluepen at Taurus Warrior nasa minority siguro, HINDE. Mas gusto kasi ng dalawang ito ang printing style noong 1970s noong kabataan nila. You win some, you lose some.
Ang importante'y may mga significant number na tumangkilik sa mga titles.
Sana'y wag tayong maligaw dito lalong-lalo na sa sinisigaw ng 2 ito na hindi daw nabebenta ang mga cjc titles sa Tacloban at buong Visayas Region dahil lang sa low quality ang printing di gaya ng komiks noong 1970s. Konting objectivity at fairness naman. PWEDE? PWEDE NA! :)
Eto pa dagdag kaalaman para kay MR.Shaiboi.
KOMIKS.PH
Ginoong Tao sa Lipod:
Bibigyan kita ng knowledge kung ano talaga ang komiks noong unang panahon kung PRINTING ang pag-uusapan.
Noon, ang BULAKLAK MAGAZINE kung mabubuklat mo ang mga pahina nito (mayroon akong copy, 1951), at magugulat ka sa quality ng printing, ROTO GRAVEUR ang printing nito. Napaka-ganda. Walang sabit, walang sabog, at ang kulay ay vibrant lahat. Kung ibibigay mo ang iyong email, ipadadala ko sa iyo ang maski isang page lang ng RAMIR ni Jee Jodloman at talagang mamaiyak ka sa tuwa at galit. Tuwa, dahil once upon a time ay napakagaing pala ng mga pinoy sa publiging. Galit, dahil ngayong 2007 ay pambalot ng tuyo ang printing.
Mr Equilizer na pagbagoago ng aliases na tinawag kong shaiboi.
Sa tingin ko marami kang hindi pa nabasa. Ang CJC ay SOLD OUT sa mga DEALER na bumili. GET MO na ba kung saan parte nag SOLD OUT? So ngayon yung dealer nag benta, ang tanong SOLD OUT BA, hindi?
Hindi mo naintindihan ang sinabi ni JET C.A. NABALITAAN nya, naghahanap karin lang ng dahilan sala kapa. Para paalam ko sau sa blogs/forum/DA nya lang nabalitaan na SOLD OUT. hahahaha Maski nga ako di korin akalain na aabot ang komiks dito dahil nabalitaan ko rin na SOLD OUT nga ito. So akala ko wala na talaga. Pero may nagsabi na SOLD OUT sa dealer. hahahah Oh ano ka ngayon? Magbasa ka pa kasi ng mga opinion ng ibang tao wag mo ifocus sa sinasabi ko dahil hindi lang ako ang nagsabi.
sabi mo pa:
Malinaw na kaya walang bumibili ng second batch of re-orders e dahil sa DAGDAG SA PRESYO at hindi dahil sa printing error tulad ng pinipilit nina Bluepen at Taurus Warrior. Otherwise, walang bumili sana nung unang batch na naSOLD-OUT.
Ahehehe talagang pinagpipilitan parin ang kanya na makuntento ang reader sa nababasa nilang may printing error. Basahin mo kaya muna lahat ng mga opinion ng mga tao dito, para malinawagan ka. Saka na miss mo yung part na pag obserba ko sa mga kabataang lumalapit sa komiks bago ako mag decide na bumili.
sabi mo pa:
Ang importante'y may mga significant number na tumangkilik sa mga titles.
Langya kitang kita na gusto mong walang pagbabago sa komiks di bale nang may printing error dahil may tumatangkilik naman. Solid PWEDE NA person ka. hahaha Sige magisa ka.
Basahin mo to, para mahimasmasan ka sa mga pinag sasabi mo, hindi lang naman ako nag sabi about quality printing. KOMIKS.PH
Mas kailangan mo ang salamin kc ang kinuha mong sagot hindi mo nabasa ng malinaw.
sabi ni JET C.A.:
Although di nga maganda ung quality ng printing (kahit ung cover), kita naman talaga ung husay ng lineart ng mga artists.
Hai nako ang babaw mong umintindi, alam mo bang kaya nya binili yung komiks eh dahil sa illustration at sa idol nyang artist.
sa last na sinabi mo, nililigaw hah. Eh ikaw nga itong nangliligaw sa karamihan eh. Sinasabi namin ang katotohanan ikaw ano? ahehehe PWEDE NA.
Puso niyo ha...hehehe
Puso niyo...
Oo nga, Ginoong WALANG TUNAY NA PANGALAN...
Medyo mag-jogging ka muna at baka atakihin ka sa puso kung nagbubumabad ka sa computer all day.
Pero maniwala ka sana, na hindi talaga maganda ang printing nitong limang komiks. Kiatng-kita naman ang ebidensiya, eh. Hindi na natin kailangan pang tawagin ang CSI para gawan ng DNA test ang mga komiks na ito. At maniwala ka rin sana kung binabanggit ni Bluepen ang tungkol sa kulay. Punta ka sa kanyang mga obra at magugulat ka kung gaano kahusay ang coloring ng artist na ito. Itinuturing kong isa sa the best si Bluepen sa pagkukulay, if not the best!
Hala, sige na, iho...damuho kang damulag ka... bisitahin mo na ang mga gawa ni Bluepen para MATAUHAN ka nang kaunti. Mahimasmasan, ika nga.
Post a Comment
<< Home