LIBRO, KOMIKS AT CHIKA
Malapit nang matapos ang October pero nasa second proof pa lang ako ng librong ‘Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks’. Ang ipinost kong image nu’ng nakaraan ay first proof pa lang at marami pang dapat ayusin.
Malapit na ang Komikon 2007 at dahil sa dami ng trabaho ay hindi ko na naasikaso ang pagri-register agad para magkaroon ng booth. Naubusan tuloy ako ng puwesto, mabuti na lang at nakasingit ako sa table ni Mike Guisinga, kaya magkakatabi kami sa Komikon. Thanks, Mike!
Hindi ko kasi akalaing August pa lang ay dapat na palang magpa-reserve ng puwesto. Balak pa sanang sumama ng animation company sa pinapasukan ko sa Komikon, balak din nilang kumuha ng table, kaso baka hindi na sila makasama.
Hindi naman masyadong mahirap ang pagku-compile ng mga articles sa libro dahil ang ilan dito ay galing na sa mga blogs at websites at nabasa ko na rin. Ang nahirapan ako ay ang pagli-layout dahil may quota ako kung ilang pages lang ang dapat. Mas marami kasing pages, mas mahal ang bayad sa printing. Sa print-on-demand ko kasi ito dinala at alam niyo naman ang presyo dito, mas mahal kesa sa pangkaraniwang printer pero hindi na ako masyado pang nahirapan sa copyright at kung anu-ano pang legalities nito.
Ititinda ko ang libro sa halagang P350, book paper, 250+ pages. May nagsabi sa akin na dapat daw mas mahal pa, dahil ang ganitong klase ng libro ay minsan lang mangyari. At kung ikukumpara nga naman sa mga compiled articles ng komiks sa US, ang pinakamababa nang presyong mabibili ay $20.
Pero ayoko namang taasan dahil gusto ko ay marami rin ang makabili. At ang totoo, hindi naman kasi kita ang habol ko dito kundi mai-roll lang ang pera para sa susunod pang libro.
Sa mga contributors, bibigyan ko kayo ng tig-iisang complimentary copy. Pasensya na, mga kapatid, isa lang talaga ang kaya kong ibigay.
Sa mga writers na nasa malayong lugar, ipa-package ko na lang ang libro kaya wala na kayong dapat gawin kundi hintayin na lang ang pagdating nito.
Hindi ko pa alam kung paano ko ila-launch ang libro sa Komikon, pero sure na ang authograph signing ng mga writers. Kung maaga-aga ngang matatapos ang printing, nagmagandang loob si Azrael Coladilla na bigyan ako ‘early launching’ sa alinmang branches ng Comic Odyssey. Hindi ko pa itong masagot dahil nagri-rely pa ako sa printing schedule.
Kung susuwertihin din, baka bago pa ang mga events na ito ay available na sa lahat ng branches ng Central Books ang libro.
*****
Mula nang ilabas ko dito sa blog ang article tungkol sa problema na kinakaharap ngayon ng CJC-Sterling ay nagkaroon ng realization ang nasa management na marami talagang contributors ang hindi nabibigyan ng espasyo sa komiks dahil nga puro nobela ng beterano ang mababasa.
Isa sa mga naging aksyon ay ang paglalabas ng iba pang titles ng komiks. Kaya nagsulputan na na parang kabute ang mga grupo na nagbibigay ng proposal sa Sterling para magkaroon din sila ng sari-sarili nilang komiks.
Isa sa grupong nagbigay ng proposal ay galing din sa hanay ng mga beterano na handa naman daw pagbigyan ang mga bata. Ang problema, nang masilip ko ang mga materyales, napangiwi na lang ako. ‘E sila-sila rin pala dito e! Ba’t gumawa pa ng iba? Paano nating maihihiwalay ang konsepto ng mga bagong komiks na bubuksan kung ang laman nito e parang katulad din nu’ung naunang lima?”
*****
May mga umuugong-ugong ding chika na matapos magtanim at magsaing ni Direk Caparas, matapos tirahin ng katakut-takot na puna ang Konggreso ng Komiks at ang Komiks Caravan ng karamihan ng mga ‘indies group’ ay heto’t sasawsaw rin pala sila sa ‘bangketa-masa bandwagon’ ng Sterling.
Totoong hiwalay na entity ang Sterling at under lang nito ang CJC, pero hindi natin maipagkakaila na malaki ang puhunan ni Direk Caparas kung bakit umabot sa ganito kalaki ang exposure ng komiks.
Iniisip ko nga, kung natuloy kaya sa Mango ang Sterling at nailabas nila ang balak nilang 2 titles, mapag-uusapan kaya ang komiks tulad ng nangyayari ngayon?
*****
May pulitika ang lahat ng bagay. Nang panoorin ko ang ‘Ang Pinaka’ sa QTV 11 kung saan isa ako sa naging panelist, natawa na lang ako na mapanood ko ang resulta ng top 10 komiks characters ng Pinoy Komiks. Ni hindi nakapasok sa top 10 ang ‘Lastik Man’ ni Mars Ravelo.
Well…bakit nga naman ipu-promote ng QTV 11 (Channel 7) ang Lastik Man e kasalukuyan itong ipinapalabas sa Channel 2? Heheheh…
12 Comments:
pahinge compli hehehe aabangan ko yan! congrats!
Sana man lang kahit nasa bottom 10 nasama si Lastikman. Hindi maikakaila na part siya ng "trinity" ni Mars Ravelo (along with Capt. Barbel at Darna).
Wala na nga akong balita sa Sterling mula nung meeting last Sept. 24. I was fortunate enough to attend the meeting (tumakas sa trabaho).
Randy, reserve mo na ko ng isang copy at paki-autograph na rin kunin ko sa Komikon. Sino ba si Mike Guisinga? Sya ba yung taga Tangos, Navotas na sikat na author ng Claw?.. biro lang Mike hehehe.. Kababata ko 'tong si Michael Alfaro Guisinga sa Navotas :-) See you sa Komikon mga pre!
- Erwin Cruz
Guising ga ka na ba, Mike? Ala'y Ke haba na ng tulog mo. Ano ga ang iyong pinaggagawa di-yan sa inyong tahanan, ey? Ala'y, kilos na't baka mahuli ka di-yan sa Komikon, ay!
Ala'y kay bait mo naman, Randy at pati kaming narito sa TUKTOK ng daigdig ay padadalhan mo pa niyang librong iyan.
E di maraming salamat, ano?
(Kailangnag basahin ito ng malaks at lagyanb ng puntong Batangueno... este BTANGGINYO pala! Ala...
randy,
saw you on qtv, mas lalo kang nagmumukhang mayaman sa paglipas ng mga araw :)
Nye! Mukhang mayaman pero amoy mahirap pa rin heheh.
Aabangan ko na lang ang libro mo sa book store at bibili. Another collector's item ito para sa akin.
More power sa project mong ito Randy.
Napanood din kita sa TV, at nakita kong mataba ka ngayon kumpara noong magkausap tayo sa GASI na kagagaling mo pa lang sa sakit at maikuwento mo sa akin noon ang naging experience mo sa DEngue fever na dumapo sa iyo.
Ahahaha, naalala mo pa pala yun. 1999 pa yun a.
Mr Randy, inform mo naman kami kung open ba yung lalabas na Indie Komiks sa mga baguhan o contributors kasi na try ko sa CJC nararamdaman kong ayaw nilang mag bukas ng pinto sa mga rookie.
Mag labas ka naman tungkol sa Ravelo Komiks ni Mars Ravelo
++Burning Angel
Sige, susubukan kong mag-feature dito tungkol sa Ravelo Komiks sa mga susunod na pagkakataon.
Wala rin akong balita sa mga indies group na nag-propose sa Sterling.
New lines of Sterling komiks?
Akala ko, nang matuklasan ito ng hari, nagalit ito at mabuti na lang hindi napugutan yung ministro na nagbalak papasukin sa pinto ng palasyo ang mga kabataan. Hindi na yata makakapasok sa palasyo ang mga kabataang subjects. Baka mauwi na lang sa kani-kanilang isla ang mga ito. Huwag na silang maghintay sa plano ng ministro, na ngayon ay sinaklawan na ng hari. Tularan na lang nila ang mga smiling eyes ni John Becaro at mas magiging maligaya sila. Kita naman ninyo kung paano mag-rebelde ang ating paboritong smiling eyes na ito. Pinuno iyan ng mga engkantos. Tunay na may dugong engkanto.
Randy said, and I quote, "matapos tirahin ng katakut-takot na puna ang Konggreso ng Komiks at ang Komiks Caravan ng karamihan ng mga ‘indies group’ ay heto’t sasawsaw rin pala sila sa ‘bangketa-masa bandwagon’ ng Sterling".
'Twas Sterling that invited the indies, not they who insinuated themselves, as you misleadingly portray it.
Don't confuse the issue by stating that the indies agreeing to work with Sterling is an absolution from past sins.
"Iniisip ko nga, kung natuloy kaya sa Mango ang Sterling at nailabas nila ang balak nilang 2 titles, mapag-uusapan kaya ang komiks tulad ng nangyayari ngayon?"
So the ends justify the means? Oh, how utterly Machiavellian!
Post a Comment
<< Home