Thursday, October 11, 2007

COCHING REVISITED

Isa si Francisco Coching sa mga artists na kahit libong beses ko nang natingnan ang trabaho ay marami pa rin akong napupulot. Meron kasing mga drawings na isang beses mo lang tingnan ay sawa na ang mata mo, siguro dahil ayaw mo na sa style nila o dahil wala ka nang naa-absorb sa kanilang trabaho.

Pero itong si Coching, hanggang ngayon ay maingat ko pa ring pinag-aaralan.

Siguro puwede nating masabing ‘traditional’ ang rendering ni Coching at baka hindi na ito gusto ng mga bata ngayon. Pero kung paano siya kumasa ng eksena, at magpagalaw ng mga characters, sa tingin ko ay magiging effective pa rin ito ngayon kahit sa American superhero comics.

Napaka-dynamic ng kanyang layout, gumagalaw at may emotion ang mga characters, at higit sa lahat, alam niya kung kailan gagamitin ang camera. Kumbaga, kapag peaceful ang eksena, peaceful din ang anggulo. Kapag naman maaksyon ang eksena, dynamic ang anggulo.

Hindi puwedeng tawaran ang kanyang galing dahil marami na siyang pinahanga sa mga beteranong American illustrators, ilan lamang sina Jim Steranko at Al Williamson. At bago pa man ituro ni John Buscema ang dynamism sa aklat na ‘How To Draw Comics The Marvel Way’ noong 1978 ay matagal na itong ginagawa ni Coching, bago pa man mag-World War 2.

Gusto ninyong malaman kung gaano kagaling gumawa ng eksena si Coching, at kung gaano ka-dynamic ang kanyang actions? Subukan ninyong tingnan ang kanyang drawing na parang thumbnails, at iyon ang I-apply niyo sa drawing niyo.

Si Coching ang master ng Philippine Komiks Art na hindi dapat kalimutan ng kahit sinumang batang gumagawa ng komiks ngayon.

Narito ang ilang eksena sa “Masikip ang Daigdig’ na isinulat at iginuhit niya noong 1961 para sa Pilipino Komiks.











*****

Isa na namang dating kasamahang manunulat sa GASI at Kislap ang nagbukas ng kanyang blog tungkol din sa komiks. Siya si Arman Francisco, isa sa mga aktibong short story writers noong 90s.

http://arman-komixpage.blogspot.com/

Nakatatawa dahil noon sa publication ay hindi ko masyadong nakakausap ang mga contributors at editors sa komiks dahil may kani-kaniyang grupo/barkada kami noon. Pero pagkalipas ng napakahabang panahon, at dahil na rin dito sa internet, ngayon lang kami nagkakakuwentuhan na kailanman ay hindi namin nagawa noon sa canteen ng Atlas at GASI.

*****

Mayroon na nga pala akong internet connection sa bahay, mas mabilis na ito kesa sa dati, at hindi na napuputol kapag umuulan hehehe. Back to blogging na naman ako. At ngayon ko lang masasagot ang mga emails sa inbox ko.

*****

Ang Visual Diner ang isa sa mga art sites na palagi kong pinupuntahan. Under ito ng International Academy of Design and Technology na may branches sa iba't ibang States ng US at sa Canada.

Mayroon silang programa na free scholarship (online) kung sino ang gustong mag-aral.

Naka-feature pala sa 'animated welcome banner' nila ang isa kong trabaho.

*****

Panoorin ang palabas na ‘Ang Pinaka’ ngayong linggo 6pm sa QTV 11 hosted by Pia Guanio. Ang episode ay tungkol sa Philippine Komiks Characters, isa ako sa na-interview dito. Ang pagkakaalam ko ay kasama din dito si Dennis Villegas at ang mga komiks writers-turned-tv scriptwriters Joseph Balboa at RJ Nuevas.

8 Comments:

At Thursday, October 11, 2007 1:41:00 PM, Blogger kc cordero said...

sa manila ka pa rin, randy boy? dsl na gamit mo? :) may koleksyon ang tatay ko ng coching dati, hahalungkatin ko sa bahay namin sa batangas pag nagbakasyon ako. :

 
At Thursday, October 11, 2007 4:15:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

kuya kc, yup naka-dsl na ako. nasa sta. mesa pa rin ako, lumipat lang ako sa bandang bungad.

 
At Friday, October 12, 2007 1:13:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Hindi natapos iyang MASIKIP ANG DAIGDIG, ni Coching dahil inabot iyan ng strike at ang subsequent na pagsara ng ACE publications. Sayang talaga. Ang isa pang sayang eh yung procrastination ko noon na pagpunta sa bahay nila sa Valhalla St. sa Pasay, hanggang sa namatay na lang siya eh hindi ko na meet. Sayang talaga.

BTW, saan ka kumuha niyang mga Coching artworks na iyan ? mi available pa ba ?


Auggie

 
At Friday, October 12, 2007 8:59:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Hindi pala tapos ito, ngayon ko pa lang sinisimulang basahin.

Nahiram ko lang ito sa isang layout artist sa animation. Meron siyang compiled copy.

 
At Friday, October 12, 2007 11:10:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Marami bang copies ng Coching yang animator na kaibigan mo ? baka naman pwedeng magpa -xerox ? sabihin mo barter, in exchange sa mga Spanish artists na gaya ni Maroto, Ortiz , Gonzalez etc. Please advice, thanks.


Auggie

 
At Friday, October 12, 2007 10:08:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Auggie:

Tama kang hindi natapos ang MASIKIP ANG DAIGDIG, pero ginawa pa ring film ito ng PREMIERE PRODUCTIONS, starring AURA AUREA.

Ganito rin ang nagyari sa gawa ni Mars Ravelo na ALICIA ALONZO (bago ito naging MARUJA) noong magbalik na ang komiks under ATLAS.

 
At Saturday, October 13, 2007 10:38:00 AM, Anonymous Anonymous said...

JM,

Maraming naputol na nobela noon, kasama nga yung MARUJA. Sino ba ang nagdrowing noon ? si Elpidio Torres ba o si Rico Rival ? kasama na rin yung sa Redondo brothers at yung BOOMA, ni Elpidio Torres nga...
mi mga na save kang copies ? ako nawala lahat eh including yung sa CRAF, sayang talaga.....

Auggie

 
At Monday, October 15, 2007 2:04:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Tama po bang sabihin na masugid na pinagaralan ni Coching ang mga libro ni Andrew Loomis sa drawing? Meron kasi akong mga libro ni Loomis at halos lahat ng mga drawing at illustrative principles dito nakikita ko sa gawa ni Coching?

 

Post a Comment

<< Home