Monday, November 19, 2007

SOLD OUT SA KOMIKON!

Magandang pangitain ang ibinigay ng Komikon para sa 'Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks' dahil naubos lahat ng kopyang dinala ko. 50 piraso lang naman ang bitbit ko. Umaga pa lang ay nag-aalala ako na hindi ako mabibilhan kahit ng 10 piraso, pero laking gulat ko, wala pang alas kuwatro ng hapon ay simot na ang libro. Nakakapanghinayang nga dahil ang dami pang naghahanap, sinabi ko na lang na available na ito ngayon sa Central Books.

Salamat sa lahat ng contributors at mga taong dumalaw sa aking table para lang puntahan ang aking libro. Ang dami-dami niyo, hindi ko kayang ilagay ang mga pangalan niyo dito hehehe.

Ngayon pa lang naka-plano na kaagad ang part 2 ng aklat na ito.

Salamat sa mga pictures na nasa ibaba. Kuha nina Azrael Coladilla, Kimi Bautista, KC Cordero at Erwin Cruz.


Suwerte ko naman sa dalawang chicks na ito, nagkakilala lang daw sila sa daan nang araw na 'yun, tapos sabay pa silang pumunta sa Komikon. At suwerte kong tumuloy sila sa table ko para bumili hehehe.

Dennis Villegas, KC Cordero at Ever Samson.

Ako, Ever at Erwin Cruz.

Mike Guisinga, ako (ulit hehehe), at ang sister ko (the real Natasha Rose).

Jun Lofamia at KC Cordero.

Leslie Navarro, Glady Gimena at Terry Bagalso.

Jun Lofamia at David Campiti. Bunulungan yata ni David si Mang Jun, "Gusto mo ng dollar?" (sinong may sabing hindi na puwede sa US comics ang 'traditional style? Magulat na lang kayo pag nasa Glasshouse na si Mang Jun hehehe).

Azrael Coladilla, gutom na.

Sa maghapon kong pagbantay sa table, nalaman ko na iba talaga ang audience ng libro ko. Nu'ng umaga nga, nagkalat na ang mga naka-cosplay costume, sabi ko, parang tagilid ang libro ko a. Nu'ng hapon ay bigla na lang nagsulputan ang mga estudyante na may interes pag-aralan ang komiks industry, mga propesor ng fine arts at literature, meron pang direktor sa advertising at animation, mga writers, researchers at iba pang may interes sa impormasyon tungkol sa Filipino Komiks Industry.

Magandang simula ito ng pagdadala natin ng komiks sa akademya.

14 Comments:

At Monday, November 19, 2007 9:45:00 AM, Blogger Jon said...

Congrats! Ako rin OK ang benta yun nga lang ang dami ko rin nabili. Pilitin kong makapunta sa Pasko ng Komiks sa Dec. 11 para makapakinig sa symposium. Try ko rin makabenta.

 
At Monday, November 19, 2007 12:27:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Congratulations Randy sa launchingng iyong libro :) Buti na lang di lang mga U.S./Anime/totoy ang isip ang nasa komikon. He he

 
At Monday, November 19, 2007 1:51:00 PM, Blogger Royale Admin said...

Congratulations Rands! Patunay lang ito na may mga tao pa ring gustong 'alamin ang opinyon' nating mismong nakalubog sa "industriya." Hindi lang sa Pinas kundi pati na rin ng mga nasa ibang bansa. Suportahan taka pa rin sa sequel nito. Keep up the good work, ka-Guhit!

 
At Monday, November 19, 2007 2:08:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy Boy ,

Ayos pala ang sales mo ! palagay ko mauubos yang first printing mo, sa mga scholars ng pop culture at researchers....

Eh yung kopya ko , nai-mail mo na ba ? please advice, Thanks.


Auggie

 
At Monday, November 19, 2007 10:31:00 PM, Anonymous Anonymous said...

congrats randy! sana lalo pang dumami ang mga sumeseryoso sa komiks.

 
At Tuesday, November 20, 2007 12:26:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Mike-
Yung compli mo pag-uwi mo na lang ba dito sa Pinas? Kelan ka ba uuwi?

Auggie-
Sent you an email.

Mcoy-
Bro, pano ko pala papadala sa yo yung compli. Email mo sa kin address mo.

 
At Tuesday, November 20, 2007 2:05:00 AM, Blogger Aleksi said...

dagdagan mo listahan ko

www.toobeautifultoquit.blogspot.com

 
At Tuesday, November 20, 2007 2:24:00 PM, Blogger Royale Admin said...

Bro,

I just sent you a mail re: my address there in Manila.
Late January pa kasi ang uwi ko next year. Sana kitakits tayo.

 
At Wednesday, November 21, 2007 12:06:00 AM, Blogger Azrael Coladilla said...

the book is like a treasure..
the information and articles are like gold.


nung binabasa ko ito habang nasa bus ako papunta mrt at from cavite ako.

eh...ayaw ko nang bumaba ng bus at gusto ko tapusin yung buong book

eheeeheh

 
At Thursday, November 22, 2007 12:37:00 AM, Blogger Mia said...

Ang ganda ng libro, Randy!

Buti andun ka nung nagpapasign ako, haha.

 
At Thursday, November 22, 2007 12:43:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Az, Mia--

Salamat :)

 
At Thursday, November 22, 2007 12:11:00 PM, Blogger monsanto said...

Yan ang binabasa basa ko ngayon dito sa HK, Nakakatuwa ang libro mo! Congrats! Sana makatulong itong mabuksan ang isipan ng ilan tungkol sa komiks :)

Thanks pre!

 
At Sunday, November 25, 2007 12:55:00 PM, Blogger Ais said...

meron pa ba po mabibili ng libro? >_< tsk - tagaLos Banos pa naman ako >_< wala ako halos nabili nung komikon...

i feel emptiness....in my wallet... >_<

 
At Monday, November 26, 2007 12:00:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Yup, available na siya sa lahat ng Central Books. Medyo konti pa nga lang ang branches niya. Pero mabibili na siya ngayon.

 

Post a Comment

<< Home