HANDA NA SA KOMIKON
Bukas pa idi-deliver sa akin ang mga libro pero ready na ang lahat ng mga paraphernalia para sa Komikon 2007. Maaga kong inasikaso ang lahat ng dapat dalhin para pagdating ng Biyernes ay puwede pa akong manood ng sine hehehe.
Sa lahat ng mga writers, kunin niyo na lang ang inyong complimentary copy sa aking table. Gusto ko pong ipagbigay alam sa mga writers na ngayon lang pupunta sa Komikon, mayroon pong entrance fee na P50. Puwede po kayong tumambay sa aking puwesto para doon mag-autograph signing. Kasama ko sa puwesto si Mike Guisinga.
Sa mga writers naman na nasa malayong lugar, padadalhan ko kayo ng email kung paano ninyo matatanggap ang kopya ng inyong mga libro.
Puwede na rin pong mag-reserve para pagdating sa Komikon ay kukunin niyo na lang. P350 ang isang kopya ng libro.
*****
Magkakaroon ng malaking table ang mga veteran illustrators sa Komikon, si Orvy Jundis ang nag-organize nito. Marami siyang ini-expect na darating kagaya nina Nestor Malgapo, Steve Gan, Danny Acuña, Jun Lofamia, Vic Dabao, at marami pang iba. Magkakaroon sila ng FREE (yes! free!) caricature para sa gustong magpa-drawing sa kanila. Ang plano ay maglalagay lang sila ng donation box sa harapan ng table at bahala na kung sino ang gustong mag-donate.
*****
Magkakaroon ng isa pang event sa U.P. tungkol din sa komiks. Ito ang 'Pasko ng Komiks', whole day discussion ito tungkol sa komiks industry. Maraming inimbitahang komiks personalities at mga propesor sa unibersidad ang magiging tagapagsalita dito.
Pero ito ang 'twist', iyung 'main man' ngayon ng komiks...ay nakalimutan yatang imbitahan.
Ang hula ko, baka naman ayaw makarinig ng U.P. ng: "Palakpakan po natin ang kauna-unahang sitting president na may pagmamalasakit sa komiks."
Politics...haaay...
*****
Ito pa ang isang pulitika...
Nagkakaroon yata ng lamat ang relasyon...
dahil sa pagpasok...
at parang gustong ilabas...
dahil gusto e nasa ibabaw...
ay...parang bastos...wag na lang...
punta na lang kayo sa Komikon hehehe.
*****
Ibebenta ko ang kauna-unahan kong gawa sa U.S. independent komiks. Ang title nito 'Rare Earth Chronicles'. Ginawa ko ito noong 2000, nangangapa pa ako dito, hindi ko alam ang gagawin ko dahil ito 'yung time na bigla na akong na-burn out sa kasusulat ng romance pocketbook at gusto ko ulit mag-drawing sa komiks.
Hindi ako kuntento sa gawa ko dito, pero mahalaga sa akin ang komiks na ito. Dahil dito ko napatunayan na wala pala akong ibang gustong maging trabaho kundi ang komiks. Sa komiks na ito nagsimula ang lahat, kaya nandito ako ngayon.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Komikon, puntahan ninyo ang http://komikon.blogspot.com/
9 Comments:
Randy,
Sa wakas, matatanggap ko na rin ang kopya ko. Nasa iyo pa ba yung postal address ko dito?
Rare Earth ? parang rock album ah ? alam mo bang mi group na Rare Earth noon, under sa Motown label sila lang an rock act doon, lahat kasi ng TAMLA-MOTOWN, eh R&B Soul music, na pagaari ni Berry Gordy, of Detroit ,Michigan.
Paki post mo naman Randy ng Ratre Earth mo, salamat.....
Auggie
Yup, nasa akin pa. Send ko ang book next week after ng Komikon :)
Yung Rare Earth na ginawa ko ay tungkol sa Indian tribe, may pagka-environmentalist ito.
Randy,
si Kem to ng mano prod., bro pupunta ako sa saturday dyan ha...see you :)
Reserve ako nung libro, pati yung Rare Earth Chronicles. Magkano lahat-lahat para makapagdala ako ng exact change. hehe...
P350 yung book. Yung Rare Earth ay P25 lang.
Randy ah, machika ka talaga... ;D
pwede na ba sa the buzz? hahahah
Sana makagawa din ako ng ganito, hehehe. Ano ba organization na puwedeng salihan para sa mga ganitong tipo ng artworks? Nice eh!
what do you mean 'ganitong klase ng artworks?'
Post a Comment
<< Home