Wednesday, November 28, 2007

ANG KONTROBERSYA NG 'ANONYMOUS WRITER'

Nagkaroon ng palitang diskusyon sa Philippine Komiks Message Board tungkol sa isang manunulat na nagbigayng kanyang artikulo sa aklat na 'Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks'. Ang tinutukoy ko ay si Aklas Isip, na pen name na isang manunulat.

Hindi naman ito mainit na pagtatalo kundi palitan lang ng opinyon.

Bukas ang blog na ito para sa iba pang lulutang na opinyon at pananaw.

Narito ang palitan ng kuru-kuro:

Gothic Cathedral-
Nakabili na ako ng book nyo sa megamall kagabi, mangilan-nilan pa lang ang nabasa ko pero enjoy na ako. Tanong lang sino (o sino sino) ang mga taga Aklas Isip?

Gerry Alanguilan-
Alam nyo na malaki talaga ang problema ko sa mga "anonymous", maganda man ang sinasabi o hinde. Ang kasabihang "Hindi kung sino ako ang impotante kundi kung ano ang sinasabi ko" ay bullshit para sa akin.

Kung tunay na mahalaga ang sinasabi mo, binibigyan mo ito ng kaukulang bigat sa pagsabi ng tunay na pagkatao mo.

Anyone who writes anonymously is telling you that he cannot be, and is unwilling to be responsible for his words, and that he refuses to be accountable for anything that he says.

By doing so, he insults every other contributor to this book, each of us publicly declaring who we are, publicly declaring our true identities and by doing so we are publicly declaring that WE are responsible for what we are saying and YES, you can hold us accountable for it.

Anyone who doesn't do the same does not have any credibility with me at all. And pardon me for being frank, I find that the inclusion of his writings in this book sullies an otherwise excellent publication.

Auggie Surtida-
Right On Gerry ! siguro sa revised edition, dapat ilabas na ang mga secret identities nitong mahiwagang grupong ito, otherwise i-delete na lang, di ba ? STAND & BE ACCOUNTABLE !

Robby Villabona-
That's what I thought about Randy's blog as well. Nasira dahil sa anonymous posts. But I suspect that Aklas Isip isn't as anonymous to some as we are led to believe.

Randy Valiente-
Magkakaiba tayo ng pananaw sa issue na ito. Actually centuries old nang pinag-uusapan itong issue ng paggamit ng pen names. Greek period pa. Maraming dahilan. Merong mababaw at merong malalim.

Sa history ng Pilipinas, siguro naman aware na tayo na ilang mga kilalang tao ang gumamit ng 'alyas'--Rizal, Bonifacio, Marcos, Ninoy...pati nga si Bob Ong.

Ang malaking dahilan kung bakit gumagamit ng 'alyas' si Aklas Isip ay dahil sa 'sensitivity ng mga issues' na kanyang isinusulat. Ganito rin ang madalas na gawin ng mga taong involved sa mga political ideologies.

Sensitive ang mga issues ni Aklas Isip dahil wala siyang 'kiyeme' sa kanyang mga sinusulat. Kung nasusubaybayan natin ang mga naisulat niya sa kanyang blog, malalaman natin na marami siyang binabanggang tao--mula sa Roces family, indies, traditional at modern komiks, art, marketing. Pati nga lahat ng writers sa libro ko ay nakabangga na rin niya--si Gerry, Dennis, Fermin, Joemari, ako. Pati ang iba pang tao dito sa PKMB--Robby, Mcoy, etc.

Bilang editor ng libro, naisip ko rin kung dapat bang isama si Aklas Isip. Pinag-aralan ko rin kung kukuwestyunin ba ng marami ang kanyang kredibilidad (gaya ng nangyayari ngayon). At alam kong darating sa puntong ito.

Pero dahil opinionated, individualistic, at self-regulated ang mga articles (dahil halos wala naman akong pinakialaman sa 'thoughts' ng mga nasa libro), naisip ko siyang isama.

Narito ang mga dahilan:

1. Mayroon siyang mga ideas na hindi naisip ng sinuman sa atin.

2. Mayroon siyang mga research materials na hindi natin na-research.

3. Mayroon siyang mga informations na hindi natin nalaman.

4....at higit sa lahat, mayroon siyang mga issues na hindi natin puwedeng kantiin dahil makakasakit lang tayo ng damdamin, magkakaroon tayo ng kaaway, o kaya ay magiging pagkasira lang ng ating pagkatao sa paningin ng iba.

Kung lalantad ba si Aklas Isip ay papalakpakan natin siya? O lalo lang tayong lalayo sa kanya para iwasan na maging personal na kakilala?

Robby Villabona-
There's pros and cons to anonymous writing -- but for academic writing (which I believe your book's articles should at least strive for, otherwise it's just a collection of ordinary writing), I don't think anonymous writing brings out the best possible work from people.

Academic writing needs a large degree of being critical of one's own work so you don't end up committing fallacies (i.e. making false assertions, making questionable conclusions). It also requires a large degree of peer review -- having subject matter experts point out errors in what you write. Self-criticism and peer review, PLUS subject matter expertise and research result in well-written articles.

The anonymous writer is more concerned with advancing an idea than his personal credibility (since it's not at stake anymore). Good thinking generally doesn't come from people not really concerned with their personal credibility. When you lose that concern, you lose the ability to view your own writing with a critical mind. There's no consequence to being careless, making hasty generalizations, making ad hominem arguments, and all the other fallacies they teach you not to make in high school when writing essays.

Aklas Isip's articles may be full of raw information, but his articles are also rich in these fallacies they teach you not to make in high school. And that's probably where I find him good at -- source of raw information. But not really as a source of well thought-out reasoning and conclusions (kasi nga they're very carelessly put together).

Anonymous writing is probably only good for situations where you're writing can get you killed. Other than that... it's just really a license that can easily be abused and destroys your own ability to write well.

Aklas Isip should write with his real name not to satisfy our curiosity, but so he can improve on his writing.

Auggie Surtida-
Right On ! unless may threat sa buhay ni Aklas Isip, it's hard to justify, anonymous writings. You gotta have balls when you decide to write and critique. Tingnan mo sa Mon Tulfo, bumibira siya, pero hindi siya takot sa consequences, dahil preparado din siya. Ang alam ko parating mi kargada itong si Tulfo, bukod pa sa mga marines niyang bodyguards. Ditto with Mike Enriquez sa hard-hitting niyang programang Imbestigador. Sa mga Komikero, kung gusto mo rin bumirada, huwag matakot, mababait naman siguro ang mga artists, unless mi Right Wing, death squad na nagbabasa rito,at bigla nalang kayong mawala from the face of the earth.....

Robby Villabona-
To further clarify... I don't think anonymous writings have no place anywhere. There are types of writings that are perfectly ok to be written anonymously -- such as poems, works of fiction, and songs. Kasi hindi naman kailangan ng mga ito ng left-brain discipline na kailangan sa pagsusulat ng articles.

Ang hindi lang talaga ako agree ay scholarly articles written anonymously. They tend to be full of fallacies, relying more on sensationalism than real meat and solid argument.

Randy Valiente-
May punto ka diyan...

Pero gusto kong ibalik ang isyu sa librong 'Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks', doon tayo mag-focus.

Dapat nating tingnan na ang aklat na ito ay 'compilations' ng mga articles ng mga editors, writers/artists, fans, etc. Ang una kong tiningnan dito ay ang 'content'. Hindi ko gaanong tiningnan kung sino ba ang nagsulat, kasi kung gagawin ko iyon, hindi lahat ay nasa libro ko. Baka pati ako mismo ay wala sa libro dahil undergraduate ako at Architecture pa ang kurso ko.

Unang-una, kami lahat ng nagsulat ay hindi academicians--si Dr. Lirio lang ang may PhD sa amin--which is, hindi rin naman gaanong nahalukay ang topic na kanyang isinulat (na alam kong mapapalalim pa niya ng husto).

Ang kagandahan sa librong ito, open siyang pag-aralan ng academe. Dahil kami ang 'workforce' ng industry. Walang iskolar sa amin sa pagsusulat, kami ay nahinog lang sa karanasan.

Ang mga articles ni 'Aklas Isip' ay bukas para pag-aralan ng kahit sino sa atin. May sense ba ang kanyang pinagsasabi? Saang bagay siya nagkamali? Ano ang mga kuwestyunable sa mga isinulat niya? Hindi ba katanggap-tanggap ang kanyang opinyon dahil nasasaktan tayo?

Sabi ko nga, thousand of years ng pinagtatalunan itong isyu ng 'anonymous writings'. Kumporme sa sitwasyon.

Sa eskwelahan, hanggang ngayon ay piag-aaralan pa natin ang mga isinulat ni 'Huseng Batute'. Inabot ng maraming taon bago lumantad sa publiko na siya pala si Jose Corazon de Jesus.

Narito ang listahan ng mga writers (poets, sholars, ficiton writers, etc.) na gumagamit ng pen names:

en.wikipedia.org/wiki/List_of_pen_names

nagkataon lang na kilala na natin sila ngayon.

Robby Villabona-
Siguro sasagutin ko yung mga tanong mo pag nakabili na ako ng libro mo. Either that o sabihin mo na lang sa akin aling article ang ni-reprint mo.

Yung comment ko about Aklas Isip's writing is general -- and refers to several articles in his blog. When I have more time on my hands I might put a sample analysis here, but only when I'm convinced it's not a waste of time. I say that because Aklas Isip is a man of obviously very little mental discipline. When he doesn't like someone's point of view, he calls them names and gives them sarcastic labels (the fallacy of argumentum ad hominem). He also has a habit of making straw-man arguments (mis-stating someone else's opinion so he can easily attack it). These are signs of a closed mind. And it's a waste of time having a 'dialog' with someone who's not listening.

*Maybe* a few articles somewhere were spared this lack of intellectual honesty, so yes, I'm not ruling out that it's sometimes possible to find convincing arguments from him.

Your defense that others did it in the past is an example of "bandwagon" fallacy. Just because others practiced it in the past doesn't mean it's right. It just means it's not the first time.

Oh, and just because you're not Ph.D.'s doesn't mean you're exempt from following rules of good logical writing.

20 Comments:

At Wednesday, November 28, 2007 12:26:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Pen names have been used by authors who either seek anonymity or a more marketable name. You may adopt a name that is more suited to the genre. Ang librong 'Komiks sa paningin ng mga taga Komiks ay naghahanap ng sinseridad. Bakit kailangang magtago ka,Aklas-Isip, kung kaya mong panghawakan ang iyong sinulat? Using a false name to deceive publisher,your fellow writers and the readers can come back to hunt you!

 
At Wednesday, November 28, 2007 12:38:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Maybe these PKMB commentators should specify what
exactly in the articles of Aklas they are complaining
about instead of attacking the person or persons of
Aklas. Go to the point of the matter. What particular
statement of the Aklas articles are they ranting
about? W

Make them write their articles and comment on them
intelligently instead of saying: "Aklas is not
credible, he is anonymous, I have trouble beliving
anonymous..bla bla bla". Are they saying they have a
monopoly of ideas such that only they, the
"identified" elite few can have a space in the book?
Is credibility essentially based on the logic of what
is written or on the person? Obviously, its the
former.

The reason why they are complaining against the person
and not directly confronting the facts and arguments
presented is because one, they are either incapable of
an intelligent logical research/comment of their own
or two, what is said was right.

Persisting in attacking the person instead of the
argument is a fallacy ad hominem and ad misericordiam.
A talent that Mssrs. Alanguilan, Villabona, et. al.
are good at. Such wayward thoughts are usually found
in that PKMB site which is really a mutual-admiration
society site where you don't get any real
unpretentious discussions about real issues concerning
the local comics industry.

What,in the area of the local comics business, law,
sociology or economics, not as artist/comics
collector, are Alanguilan, and Villabona,
credible in the first place?

If we follow their line of reasoning (if you want to
call it that), since by their merely being "identified
authors" their articles are therefore trustworthy?
C'mon. Me mga articles nga dyan ng mga identified
writers, tulad ng isang me masters sa history, e,
mali-mali din ang karamihan sa mga findings nya. And
Villabona talks about Ad hominem?

Bato-bato sa langit, ang matamaan...GUILTY. Democracy
of thought naman.

 
At Wednesday, November 28, 2007 12:40:00 PM, Anonymous Anonymous said...

"Judging from the non-specific, self-serving
generalized, ad misericordiam and ad hominem replies
of Mssrs. Alanguilan, Auggie, and Villabona, it
appears they have only validated what is written in
the Aklas/PKBiz articles.

By the way, if we are to reverse the inanity of these
guys' counter-argument on an anonymous writer's
alleged non-credibility, might we ask: what is the
"credibility" anyway of Mr. Alanguilan in writing an
article on the Intellectual Property Code?

Is Alanguilan a lawyer or a comics writer/penciller/inker? See what I
mean? What has he done in his "legal dissertation"
that wasn't done in any of the PKBiz articles anyway?
That his identity was revealed? That's what made the
difference? This mere disclosure is what makes his
legal article legitimate and credible? C'mon.

Wouldn't these guys be surprised if one day they learn
that some of the writers, resource persons, and
commentators in the PKB site, are also from the PKMB
site? I wouldn't be surprised if it was one of these
eggheads. Talk about credibility. :)"

 
At Wednesday, November 28, 2007 1:09:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Sa tuwing ako'y magbabakasyon, may mga happenings na nangyayari sa mga blogs ng komikeros. He-he.

Personally, I don't really blame Randy for publishing Aklas Isip. I don't agree with Aklas for taking cover behind his nom de plume, but heck, many people will not take him seriously no matter what topic he writes about because he just lacks credibility by not showing his YAGBOLS. He wants to make himself the oddball, goofball, nincompoop of blogs worldwide, that's fine with me.

Pagbaba ng araw sa likod ng mga bundok at karagatan, sino ang nangungulila... ako ba? Kami ba na mga nag-contribute ng articles sa libro ni Randy na gumamit ng tunay nilang mga pangalan?... o si AKLAS ISIP na LULUGU-LUGONG nag-iisip sa sariling kahunghangan kung bakit hindi maharap ang mapait na katotohanang... NAPAKA-IKLI ng buhay sa mundong ito, at kung hindi ka rin lang kasing-TAPANG, kasing-GITING, kasing-TATAG ng kahanga-hangang, ORIG... the one one and only... DAMIAN SOTO... ay tsupi ka na lang.

Kaya mga katotong komikeros, huwag talupan ng buhay ang isang kaibigan nating komikero na isa sa mga kapuri-puring nilalang sa maliit na daigdig ng Philippine komiks, ang isang orig na may prinsipyong hawig kay Damian Soto, si Ginoong Randy Valiente.

Kaya nga ba ang artikulong isinulat ko ay ginawa kong kasinggaan ng papel de Hapon, para naman magkaroon ng kahi't bahagyang relaxation ang mga magbabasa. Kasi, kung puro na lang angst ni AKLAS ISIP ang mabubuglawan natin ay sukat na. Sinubukan kong mag-iwan ng message sa blog ni Aklas, pero sa akala ba ninyo ay pinahintulutan ito ng taong ito na mabasa iyon? NOSIREEE! Paano, pinuna ko yung idea niya tungkol sa mga komiks daw na ibinebenta sa sidewalk sa north America.

Mukhang he's getting too ancient. 1950's pa itong binabanggit niya. Nagsi-alisan sa bangketa itong mga babasahing ito in the early 60s, at naglipatan sa 7-11 stores, Safeway, Superstore, Franchise bookstores, and most especially.... specialty comics shops. Sino ba ang inuulol niya? I've been living here in north America for almost 30 years, and I still have to see those bangketa komiks he is talking about.

Kaya nga... mga kaibigang komikeros... hayaan iyang si Aklas Isip ay magngangawa na parang ASONG ULOL at pagbaba ng araw sa likod ng mga bundok at karagatan... pagsapit ng takip-silim at paglaganap ng karimlan sa kanyang daigdig ay matatapugan niyang muli ang kanyang sarili na nag-iisa... punung-puno ng kalungkutan, ng paghihinagpis, dahil sa halip na makatulong sa pag-usad ng komiks ay sinisira niya ang inspirasyon ng mga artists at mga manunulat na itinalga ang kanilang mga buhay at kinabukasan dahil lamang sa pagmamahal sa komiks.

Ngayon, dahil may record itong si Aklas na mag-hit below the belt sa kayang sarcasm, at kung hahagupitin niya ako ng personal dahil sa sinulat kong ito...
daanin na lang natin sa HUBARAN. May the guy with the best looking physique and the nicest looking dick... wins!

O, ano... laban ka diyan?

JM po lamang, blabbering from Lake Louise, Alta.

CC: KC Cordero's Blog.

PS:

Aklas, hindi ko nagustuhan ang pang-iinsulto mo sa isang babaeng nagsulat dito sa blog ni Randy. Kung ikaw ay isang desenteng lalaki, hindi mo tatawaging TIPAKLONG si Miss Gimena. What's fucking wrong with you, Aklas? Hindi ka pa ba nakukuntento sa pakikipag-babag mo sa mga kalalakihan at pati ang isang disenteng babae ay hindi mo man lang mapakitaan ng kaunting respeto?

Who IS your FATHER? GANITO BA ANG PAGPAPALAKING GIUNAWA SA IYO NG IYONG MAGULANG?

You really have to examine your own conscience! Perhaps, there is BIPOLAR disorder somewhere in our brain, Aklas?

 
At Wednesday, November 28, 2007 1:52:00 PM, Anonymous Anonymous said...

bakit di pa kasi ipakilala na si LAWRENCE MIJARES si Aklas.

 
At Wednesday, November 28, 2007 4:09:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Enough of the talk, puro satsat... Aklas ISIP ! magkita-kita na lang tayo personally, at ako ay isa sa mga libo-libong taga-hanga ninyo. Gusto ko kayong ma-bistahan, para makuha man lang ang mga otograp ninyo, kasi para kayong mga henyo eh. At ako ay bilib sa mga taong henyo. Plis naman, huwag sana ninyong ipag-kait ang request ko....ang inyong fanboy,


TALAHIB

 
At Wednesday, November 28, 2007 8:27:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Lumilikha kayo ng kontrobersya, huh!Pabili naman ng kopya.

 
At Wednesday, November 28, 2007 8:43:00 PM, Anonymous Anonymous said...

kontrobersyal ngayon sa komikdom yang book mo randy hahahaah....
baka naman nakaplano na yan na marketing strategy. pati yung mga walang masingil sa sterling ay nag-iipon na ng pera para makabili ng libro mo.
ang talino mo tol hwahahahahah!!!!!

 
At Wednesday, November 28, 2007 9:46:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Tindi ng anaysis mo a hehehe. Malay ko ba na magiging issue yan.

 
At Wednesday, November 28, 2007 11:09:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Si Lawrence Mijares ba si AKLAS_ISIP ?, baka bum rap ito ? siguruhin niyo muna, kawawa naman si Larry pag nagkataon ...



TALAHIB

 
At Thursday, November 29, 2007 9:40:00 AM, Blogger Reno said...

Woohooo! Balik sa init na naman ang blog mo, Randy!

Ikaw ang Lolit Solis ng komiks!

 
At Thursday, November 29, 2007 11:53:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

First and Foremost, Anonymous and pen names has different functions although both doesn't want to be recognized in their true Identity.However pen names
are used for marketing purpose and
protecting personal identities while Anonymous simply don't want to show their balls.In other words, Anonymous is prone to "malicious" intents because of its full function not to be recognized in any way.While "Aklas Isip" can be recognized as a pen name,Its primary intentions are gearing for Anonymous.

Based from the postings of him that
I have reseach so far, the Blog of this "Aklas guy/s" would rather remain Anonymous than sharing their true Identity.Although his "researched" articles posted in his/their blog is quite remarkable, I still find it qustionable since the author wanted to be more Anonymous.And that leads me to ask if the articles are also real or just a plain well crafted of an anonymous writer.How can I believed on something that is not existing
anyway?

Talking about Aklas Blog. I find it quite astonishing that he has this so much "hate" on Komikeros. And that is what Im talking about malicious intents of anonymous writers.This "Anonymousity" was used to attacked other bloggers!
And how are we supposed to be safe on that? Are we going to tolerate this? And everyone can justify an attack by using anonymous? Imagine a scenario like that?TRAIDOR lang ang gumagawa niyan.Tumitira patalikod.Ang masakit pa niyan ay kung kakilala o kaibigan natin ang taong ito.Unfair na tayo nagpakilala lahat while siya exempted? Anu siya? Especial? Come to think of that Guys!Akals, bakit TAKOT ka magpakilala? Dahil alam mo mali ginagawa mong paninira sa iba! Use your intellect without harming
others.

Huwag mo kami paikotin sa kamay mo, dahil hindi kami mga tanga!

 
At Thursday, November 29, 2007 2:25:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Matagal ng mi beef against " burgis" komikeros itong sina AKLAS. Hindi maintindihan kung bakit. At masyadong bitchy kung manira kina Gerry A., Robbyv, Joemari, et.al. eh, mga accomplished professionals ang mga iyan.. Eh itong sila Aklas, I think cannot hold a candle to these guys. In the first place, ano ba ang claim to fame nila ? accomplished na ba sila ? saan ? sa paninira at inggit ?

Verdugo

 
At Thursday, November 29, 2007 4:14:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Robby Villabona: "Aklas Isip is a man of obviously little mental discipline."

Robby Villabona: "Maybe a few articles somewhere were spared this lack of intellectual honesty, so yes, I'm not ruling out that its sometimes possible to find convincing arguments from him."

Parang me contradiction dito a. Pwede i-specify ng husto ni Mr. Villabona kung ano-ano ang mga article na me "lack of intellectual honesty", paki-quote in fairness ang mga statements within context, at kung ano-ano article at mga statements dito ang me "very little mental discipline"? Pakipaliwanag din kung bakit.

Tapos, ano-ano naman ang mga article na sa tingin ni Mr. Villabona na ayon sa kanya, ay "convincing" para sa kanya at bakit?

Tnx.

 
At Thursday, November 29, 2007 4:22:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Isa pa, pwede ba magbigay ng specific example si Mr. Villabona kung saan sa mga article ng Pinoy Komix Biz, e ano-ano ang mga point of view ng mga ibang tao (sino din ang mga taong ito) na di niya gusto at tinatawagan ng sarcastic names. Isa, pa, kung meron naman, me basis ba para maging sarcastic si Aklas? Paki-specify po. Ano-ano ba ang mga statements na nai-quote sa PKB at sa libro ni Randy ang argumentum "ad hominem" (Wow bigat. Ano yan, German? Joke lang.)

Ano-ano rin po ba sa mga article sa PinoyKomixBiz at sa mga ni-reprint sa libro ni Randy ang mini-mis-state daw ni Aklas ang sinasabi ng ibang tao. Sino-sino ba ang mga taong ito? Paki-specify din uli po, Mr. Villabona.

Thank you.

 
At Thursday, November 29, 2007 4:47:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Bakit yung iba diyan, hindi naa-astonish sa tindi ng galit ng mga komikeros ke Aklas Isip, dyan lang sa nai-post na usapan/comment nina Gerry, Auggie at Robby sa blog ni Randy? Binabaligtad and issue e.

Sila ang me ganang magsabi na si Aklas ang me galit sa mga Indie- Komikeros. E kung binabanatan ka ba naman ng patalikod sa PKMB nina Gerry, Auggie at Robby, hindi ka magsa-sarcastiko?

Pasalamat nga dinaan pa sa sarcasm. Iba ang sarcasm sa galit, oy.

 
At Thursday, November 29, 2007 5:00:00 PM, Anonymous Anonymous said...

hi randy. just passed by Pinoykomixbiz blog and in all this time I've watched it, this is probably the first time Aklas Isip specifically pointed out PKMB and the komikeros there as being up to no good. In all his articles he or she or they never made any specific and vile attack on any specific person the same way Gerry, Auggie and Robby did at PKMB. It seems to me that it is only now after Gerry and co. at PKMB made those thoughtless remarks that this thing is going on.

I'm not identifying myself because I may be ostracized as well by Gerry at PKMB. I visit it often and learn a lot from the other artists there like Mang Romy Tanghal etc. Sure hope the administrators at PKMB learn to be a bit more circumspect in their words, thoughts and actions.

 
At Thursday, November 29, 2007 9:01:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Hey! Ilan ba tayong gumagamit ng nom de plume sa commentary dito? Magkaiba yata tayo ng opinion.Iyan ang mahirap sa nagtatago ng tunay na identity....nasisilat!

 
At Thursday, December 06, 2007 7:23:00 PM, Blogger Bluepen said...

hahahah Randy ano na naman ito! tagal kong hindi bumisita, meron palang apoy na naglalagablab dito...

Mukhang sobrang init dito ah... Ayokong maki halo makibasa nalang ako, mahirap na baka magkaroon na naman ako ng kaaway nito... hahahaha

Este lolit balita ko, hihingi ka na daw ng apology... hahahah

 
At Sunday, December 16, 2007 3:01:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Hindi ko pa rin maintindihan ang tinding galit at suklam ng magkakaibigang komikero sa Message Board diyan sa Aklas Isip na yan. Hanggang ngayon wala pa ring malinaw na dahilan silang binibigay para i-censor ng lubusan itong Aklas.

Nabili at nabasa ko na ang libro at ang mga artikulo dito gayon din ang pagdalaw ko sa blog ng Aklas pero wala naman akong nakita roong tahakang paninirang puri sa pagkatao ninuman tulad ng bintang nina Jomari, Reno, Gerry, Robby, etc.

Mahirap magbintang na base lang sa hinala. Lahat ba ng anonymous e Aklas Isip na? Ano yan, paranoia?

--Ronnel Dumlao

 

Post a Comment

<< Home