Friday, December 21, 2007

BAGGIE FLORENCIO

Nakatanggap na lang ako ng isang nakakagulat na text message galing kay KC Cordero na namatay na daw si Mang Baggie Florencio. Kung hindi kayo masyadong pamilyar, siya ay kapatid ni Hal Santiago. Kung tawagin siya sa publication ay 'Flo'.

Nagkaroon ng nobela sa komiks noong araw na ang title ay 'Mr. Flo'. Sa kanya kinuha ang hitsura at pangalan ng karakter. Madalas ding gamitin na mga 'side characters' sa komiks ang kanyang hitsura bilang pagbibiro ng mga kaibigang illustrators.

Ang estilo ng drawing ni Mang Baggie ay hawig na hawig kay Louie Celerio, kung hindi nga maglalagay ng pangalan ay mapagkakamalian mo kung sino ang sino. Bukod sa mga huling gawa niya sa CJC-Sterling Komiks ay regular din ang labas ng kanyang drawing sa iba't ibang tabloids.

Malungkot ang linggong ito sa pamilya Santiago kung kailan magpapasko pa naman. Pero gayon pa man, nakapag-ambag na ng kanyang kontribusyon sa industriya si Mang Baggie. Nakikiramay kaming lahat.

9 Comments:

At Friday, December 21, 2007 5:36:00 PM, Anonymous Anonymous said...

kaibigan ko yan!mabait na tao yan!rest in peace mang flo!salamat!

 
At Saturday, December 22, 2007 12:48:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Nalaman ko nga kay Hal Santiago na wala na si Baggie at naisip ko nga na ikaw at ang blog na ito ang mabisang tool para mabigyang pugay ang "tabloid king" na si Baggie Florencio. Una kong nakatambal si Baggie sa Lider nang gawin namin ang maaksiyong istorya ni Sammy Gabot. At naging kontrobersyal ang nobela naming Bondyang (mukhang sex organ) sa Toro Tonight. Sa pamilya Santiago
kami po ay nakikiramay. Mr. Flo nadagdagan na naman ang artist sa heaven.

 
At Saturday, December 22, 2007 10:44:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Nakikiramay ako sa pamilya santiago...sa iniwang alaala ni mang flo. Salamat!

 
At Friday, December 28, 2007 12:30:00 AM, Blogger Rei Kyo said...

Nakikiramay po ako sa pamilya Santiago.

 
At Friday, January 04, 2008 3:22:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Isa sa pinakamababait na taong nakahalubilo ko sa mahigit isang dekada kong pagiging peryodista itong si Mang Baggie. Naaalala ko nga, may isang pagkakataong kinumbinsi niya akong sumubok sa komiks nang mapansin ang kaseryosohan ko sa pagsusulat.

Huli man po, sa naiwang pamilya ni Mang Baggie, isa pong taus-pusong pakikiramay....

 
At Saturday, January 12, 2008 1:03:00 PM, Blogger Manimage said...

Pasensya na po sa pamilya Santiago lalo na kay mang Hal.Ngayon ko lang nalaman nang mabasa ko ang blog na ito.Huli man daw at magaling...nakikiramay ako sa mga naiwang pamilya ni mang Baggie...masaya siyang kasama noong nasa Gasi pa ako nagko contribute lagi ko siyang yinayaya sa animation noong pawala na ang komiks pero sagot nya sa akin masaya na ako sa komiks Imman, dito na ako mamamatay..ako ngayon ang nainggit dahil namayapa siyang masaya dahil sa KOMIKS...

 
At Thursday, June 04, 2009 10:02:00 AM, Blogger Jay said...

naalala ko nga nun nung nakasakay ako ng bus, kinausap ko sya nung nakita ko na madami syang mga dala na mga art works nya, he introduced himself as baggie florencio, sabi pa nga nya saakin noon, kung bata bata lang ako ng kaunti, malamang nag advertising ako, malaki pera dun, the last few words i heard from him was "nagaaral ka pala kay hal? kapatid ko yun, magaling yun brod" he will be missed.

 
At Saturday, October 15, 2011 7:14:00 PM, Blogger Arvy Creencia said...

Sorry, now ko lang nalaman na patay na si Sir Baggie. Naalala ko na lang sya ulit ng mkwento ko sya sa boss ko na may nakilala akong artist nung nag-OJT pa ko sa PJI sa Port Area. Si Sir Baggie ang nagpakilala saken sa isang Tabloid, at naging field reporter ako. Sinama nya pa ko minsan sa bahay sa may Taft-EDSA bago mag-Pasko at pinakilala n'ya mga anak at asawa nya sakin.. Now, na-research ko yung name nya, sad to know it, di man lang ako nakapagpasalamat sa kanya at nasabi kong na-pursue ko na ang pagiging artist ko...
Sir Baggie, THANKnila YOU...

 
At Saturday, October 15, 2011 7:18:00 PM, Blogger Arvy Creencia said...

Marami pala talaga syang na-inspire na tao.. Salamat ulit sir Baggie

 

Post a Comment

<< Home