2007: ITO NA ANG SIMULA…
Malapit nang matapos ang 2007, ngayon pa lang ay babatiin ko na kayo ng Happy New Year. Pero siyempre, Merry Christmas na rin!
Pagkatapos ng ilang minuto kong assessment, nalaman ko na napaka-importante pala nitong taong 2007 para sa ating lahat na gumagawa ng komiks, at kahit sa mga bagong papasok sa industriyang ito.
Itong taon na ito ang may pinakamaraming activities tungkol sa local komiks.
KOMIKS CONGRESS
Ginawa ito early this year. Pinasimulan nina Carlo Caparas at Joelad Santos sa tulong ng KWF at NCCA. Bagama’t maraming hindi na-meet na goals, at mayroong mga na-frustrate, pero parang naging starting line ito para gumawa ng sari-sariling hakbang ang iba pang grupo ng mga gumagawa ng komiks. naging kontrobersyal si Direk Caparas hindi lang sa mga datihan kundi sa mga baguhan na rin.
KOMIKS CARAVAN
Nakatulong ito sa awareness ng komiks sa mga lugar na inakala ng marami na wala nang komiks. bagama’t hindi natuloy ang plano ng KWF na sa maraming lugar ganapin ito, at least nalaman nating lahat na meron pa rin palang tumatangkilik ng komiks sa mga suluk-sulok ng Pilipinas. At kahit pa naging kontrobersyal ang naging Caravan ni Caparas dahil nga naging instrumento lang daw ito ng mga kandidato sa eleksyon, malaking impact pa rin ang ginawa ng komiks para pag-usapan.
Araw-araw laman ng dyaryo, tv at radyo ang ginawang pagbibigay ng awareness ni Direk Caparas tungkol sa komiks. Nakatawag ito ng malaking pansin sa iba pang sector. Na-riganized pa rin kahit papaano ang mga beterano ng Pinoy Komiks.
CAPARAS-STERLING
Naging kontrobersyal ang isyung ito na kinasangkutan din ng Mango Comics. Pero ang dami nating natutunan. Ang daming opinion na lumabas. Karamihan ng mga gumagawa ng komiks ay nahasa ang utak sa pag-iisip tungkol sa industry. Nagbalikan ang mga malalaking writers at artists para makagawa ulit ng komiks. Naikalat sa kalsada ang mass-based komiks. Nagkaroon pa ng mga pagtatalo kung dapat pa nga bang ibalik sa bangketa ang komiks o dapat na lang itong ilaan sa mga bookstores.
Mas naging kontrobersyal pa ito dahil ang dami pang isyu na lumabas. Ang pagpasok ng mga indies, ang pag-resign ni Martin Cadlum.
3RD KOMIKON
Itong taon na ito ang may pinakamaraming attendees ng Komikon. Bagama’t maraming nagri-request na bakit hindi gawin sa mall ang event na ito para mas maraming makapunta, ay nalaman ko buhat sa organizer ang dahilan kung bakit nasa UP pa rin ito. Isyu pala ito ng tax at government legalities kaya hindi ko na masyado pang pahahabain.
Maganda ang nangyari dahil nagkaroon na rin ng malaking table ang mga comics veterans courtesy of Orvy Jundis at nakita ng mga bata kung paano magtrabaho ang mga beterano. Nu’ng nakaraang dalawang Komikon kasi ay hindi masyadong nakapag-participate ang mga beterano dahil wala namang kontak dito ang mga organizers.
Sa personal ko namang isyu, nakapaglabas kami ni Fermin Salvador ng aklat tungkol sa komiks. For the first time in Philippine komiks history, nagkaroon ng boses ang ilang gumagawa ng komiks dito sa atin dahil sa libro.
PASKO NG KOMIKS
Napag-usapan sa UP ang isyu ng komiks bilang lehitimong panitikan. Wala namang kumontra, sa katunayan, naging kaisa na natin ang mga national artists, propesor at mga taong eskuwelahan para palaganapin ito. Marami pa ring mga kontrobersya, hindi naman nawawala ito, pero nakatutuwang isipin na nandito tayo sa first stage ng pagbibigay ng awareness sa lahat na ang komiks ay isa nang mahalagang medium na seryosong pinag-aaralan.
PAGKAKAISA NG MGA GUMAGAWA NG KOMIKS
Ang dami nating karanasan ng mga nakaraang tao tungkol sa industry, ang dami rin nating natutunan ngayong taon na ito. Hindi ko alam kung dapat ko nang sabihin ito, pero may gumagapang na para buuin ang isang malaking organisayon ng komiks sa Pilipinas. Wala itong halong pulitika, walang halong showbiz, at walang halong personal na interes kundi para sa kapakanan ng lahat ng gumagawa ng komiks.
Matagal nang kailangan ng industry ang ganitong organisasyon. Ito lang ang nakikita kong makakapagbuo sa ating lahat, kung hindi natin hahaluan ng pulitika at personal na interes. Sa isang seryosong organisasyon, mailalabas natin ang lahat ng isyu, problema at plano para sa industriya ng komiks.
MGA ARAW NA DARATING
Walang duda na ang 2007 ang pinakamahalagang taon sa bagong industriya ng komiks. Dahil sa 2008, nakikita kong mas masigla pa ito. Mas maraming independent groups ang nabubuo na naglalabas ng sari-sarili nilang komiks. Mayroong mga plano ang maraming publishers na gumawa ng kanilang line of komiks at graphic novels. Sana nga rin ay magtuloy-tuloy pa ang CJC-Sterling. Nagbitaw ng salita sa Pasko ng Komiks si Pablo Gomez na bubuhayin niya ang PSG komiks next year. May lalabas pang line of komiks na ‘mass-based’ din at kasangkot na dito hindi lang ang mga beterano kundi mga independent creators. Magkakaroon ng re-print ng mga luma nating komiks—Francisco Coching, Jess Jodloman, etc. Magkakaroon ng reunion ang mga beterano na nasa ibang bansa courtesy of Guhit Pinoy. Dadami pa ang mga palabas sa pelikula at telebisyon na galing sa komiks.
Lahat ng mga nangyaring ito ay parang mga palay na itinatanim natin para sa mga susunod na taon ay magsimula na tayong umani.
9 Comments:
napakaganda nga ang mga kasalukuyang nangyayari, pero sabihin ko lang bilang babala:
we are not out of the woods yet. napakarami at napakatindi pang trabaho ang kailangan nating gawin upang anihin ang palay na nakatanim.
mabuti nga't magtu-tulong-tulong na ang karamihan para sa ikabubuti ng LAHAT, at hindi lang sa ISA, o sa IILAN.
SUGOD! hehehehe
Yeah Pilipino Komiks!!! Yeheeyyy!!!
Mabuhay!!! Nabuhay na ang mga namatay!!!(pilipino komiks)yeah!!! kahit 200 hundred o hundred per page lang gawa ako dyan kay pablo. Keber ko sa pera! Hehehe. Kelangan ng tumulong at di ngumawa. Hmmmm...hehehe!!!
Ka Randy,
Me pahabol pa ang pagsasara ng 2007 para sa mga komikero. Pararangalan ang mga nagwaging lahok sa 8MDG at Global warming sa NCCA sa Disyembre 21. Iba talaga ang komiks! Atin ito!!!
sana mabuhay uli ang comics industry.
hey merry xmas randz!
congrats!!!...sisimulan na ang pagbabalik ng komiks,na kultura ng isang pilipino..
It's a good news Randy. Iyan ang talagang pinakamimithi ko na nangyari. Magkaroon ng kumpetisyon sa industriya at di pinatatakbo lang ng iisa. Kaming mga taga-basa na lang ay maraming pamimilian na nakalatag sa isang mesa. Welcome back to PSG na isa sa naging haligi ng komiks industry at sa iba pang ibig nangahas pumalaot dito. Suportado ko kayo na may kasamang panalangin na sana magtagumpay ang buong industriya para sa kapakanan ng mga taong tunay na nagmamahal dito.
Let us pray. Ohm....
Ayus. Game na.
saludo ako kay direk carlo j! ginawa niya ang lahat para maibalik ang industriya ng komiks. nakalulungkot nga lang na may mga taong nang hindi mapaboran ang pansarili nilang mga interes ay ginulo ang maayos na sanang pagbabalik ng isang kultura. bumubuo sila ng sariling mga puwersa, na ang pinag-ugatan ay ang pagsisikap at determinasyon ng isang carlo j. caparas para sa kapakinabangan ng nakararami. sa larangan ng pagsusulat, may nakatakdang panahon para sa isang manunulat para makilala, hindi ang sarili niya ang kikilala sa sarili niyang mga gawa kundi ang mga mambabasasang nakauunawa ng isang tunay at katangi-tanging kuwento., gayundin ang mga taong nakaaalam at hahagod sa kanilang mga puso sa iiwang marka nito sa kanilang mga kaisipan. para sa akin, wala pang napatunayan ang isang rv sa larangan ng pagsusulat pata palakihin niya ang kanyang pangalan sa sarili niyang paniniwala. but that's ok. kung inaakala niyang magaling siyang writer, fine. pero sana,ma-realize niyang siya ang may sariling interes at siya ang nanggagamit ng mga pagkakataon para isulong ang kanyang pangarap na pansarili.
Post a Comment
<< Home