KOMIKS CONTEST at PODCAST
Maganda ang pagbibigay ng contest sa komiks tulad ng ginawa ng NCCA. Kahit paano ay makakadagdag ito ng awareness sa medium ng komiks, kahit hindi na sa industry. Ang problema, matagal ko nang napapansin, kapag nagpapa-contest ang NCCA at KWF tungkol sa komiks ay palaging kulang sa pagbibigay ng impormasyon. I'm sure, maraming nagbabasa ng blog na ito ang hindi aware sa contest na ito. Maski ako naman ay naguguluhan sa date at rules at kung anu-ano pang detalye tungkol dito kaya hindi ko rin mai-announce dito sa blog.
Kaya marami tuloy ang nagtatanong sa akin, ano ba ang contest na iyan, sila-sila lang ba? Bakit parang hindi naman yata kasali ang lahat? E kung mapapansin niyo nga, ang lahat yata ng winners at finalists ay mga kasamahan din sa komiks noong araw. Paano naman 'yung iba, lalo na iyong mga wala sa komiks na balak sumabak?
Masasabi ko na dapat sa susunod ay maiayos na ito ng contest committee pati na ang pag-oorganize ng programa para naman hindi tayo makatanggap ng mga puna.
*****
Noong pumunta ako sa party sa Pantranco noong isang araw, biniro ako, "Bakit naman lagi mong tinitira sa internet ang mga beterano?"
Hindi po totoo 'yun.
Kung may mga nabibitiwan akong salita dito ay hindi dahil may pinapaboran ako kundi may mga isyung dapat lang naman talagang bigyan ng komentaryo upang maramdaman natin na importante ang ating industriya.
Ayoko pong maparatangan na kasangkot kahit kaninong grupo (bata man o beterano), gusto ko lahat ay kasama ko. Nagkataon lang na may mga isyu na dapat pag-usapan at mas magandang nasa isang tabi lang ako para magbigay ng komentaryo.
*****
Nang dumalaw ako sa pinsan kong musikero ay naisipan naming gumawa ng podcast dahil kumpleto siya ng gamit sa recording. Ito ang kinalabasan:
http://www.archive.org/details/UsapangKomiksPodcast1
Paki-click na lang ang 'play' button para mapakinggan ang mga pinagsasabi ko. Pinag-aaralan ko pa kung paano maglagay ng podcast player dito sa blog, hindi pala siya ganoon kadali. Baka sa mga susunod na podcast ay madali na ninyo itong mapakinggan at hindi na kailangan pang puntahan ang link gaya ng nasa itaas.
4 Comments:
Hi Randy! Merry Christmas!
Merry Christmas din Hazel :) regalo ko hehehe
Tsk! Mas nakaka-terrorize sumali sa kontes. Breaker, pakikinggan ko muna podcast ni DJ Randy. Galing mo talaga, Bro! Puwede ka nang sumabak announcer DZMM.
Sir puede mag-request?! ung peborit ko Mr.DJ. hahaha!
Merry Christmas tol! Pasko na ung regalo kong Tablet at libro asan na?!hehehe...
Post a Comment
<< Home