ISANG MAHABANG, MAHABANG PAGLALAKBAY PAUWI
Ang 2007 ang pinaka-nakakapagod na taon siguro sa akin. Nakatapos ako ng apat na indies sa US comics, nakagawa ng concepts at storyboards sa dalawang animation studios, naging active sa lahat ng gatherings at forums ng local komiks, nag-edit at nag-layout ng libro tungkol sa komiks, nag-sideline sa advertising ng storyboards at designs, nagsulat ng nagsulat ng husto dito sa blog ng kung anu-anong isyu hanggang sa mag-away-away na ang mga tao, magtirahan ng magtirahan, at magturingan nang mortal na magkagalit hehehe.
2008. Medyo payapa na ang mundo ko. Tapos ko na ang mga deadlines, tapos na rin ang kontrata ko sa animation. Nakadalaw na ako sa tatay ko na nasa Bulacan, nabisita ko na rin ang mga kamag-anak sa Pampanga at Tagig.
Wala na akong masyadong iniintindi nitong January kundi gumawa na lang ng kabastusan dito sa APAT NA HINDI (heheh). Pinagpa-praktisan ko ito, isang publisher kasi ang nag-iimbita sa akin para gumawa ng libro na nakakatawa (parang Bob Ong). Masyado akong excited dito, pero tingin ko ay praktis muna, masyado ko kasing kinarir ang komiks issues ng 2007 kaya nawala ang pagiging komedyante ko hehehe.
Sa komiks illustrations, inihahanda ko na rin ang sarili ko sa superhero genre. Malamang na sa taong ito ay gumawa na ako ng maraming samples ng Marvel at DC characters na hindi ko pa naidu-drawing. Pagbali-baligtarin man natin ang mundo, nasa ‘big 2’na ito ang pera kung komiks ang gusto kong gawin, wala dito. Hindi ko pa alam kung kanino ako lalapit (agent o editor) pero naka-set na talaga ang utak ko para mag-tryout sa American mainstream comics.
Nakatakda na ang alis ko sa January 16 papuntang Cebu, then diretso ako ng Tacloban at Iloilo. Wala akong gagawin sa byaheng ito kundi I-enjoy ang freedom. Videocam at sketchpad lang ang dala ko, hindi ko rin alam kung kelan ako babalik ng Maynila. Gusto ko pagbalik ko ay refresh na ulit ang utak ko at handa na ulit sumabak sa deadlines.
Medyo adventure itong gagawin ko dahil wala naman talaga akong particular na pupuntahan, may sasalo lang sa akin na ilang kaibigan para may matuluyan ng ilang araw, tapos byahe na naman kung saan-saan. Puwede akong umupa ng hotel, o matulog sa kalsada, kumporme na siguro kung saan ako makakarating.
Para sa iba, siguro kaweirduhan itong gagawin ko. Para sa iba naman, gastos lang ito. Pero para sa akin, part ito ng experience. At parang premyo ko na rin ito sa sarili ko.
Kung may mga taga-Cebu na nagbabasa ng blog ko na gustong makipag-meet sa akin, okay sa akin, dahil sa Tacloban, pipilitin ko ring makipagkita kay Bluepen, sa Iloilo naman, dadalawin ko rin ang Apex Animation.
Ang title nga palang 'Isang Mahabang, Mahabang Paglalakbay Pauwi' ay galing sa short story na ipinanalo ni Ka Levy Balgos dela Cruz sa Palanca noong 70s. Na-miss ko ang nature, at na-miss kong makisalamuha sa mga karaniwang tao. Sa byaheng ito, ang dala ko lang ay ang sarili ko.
(Ito ang isa sa pinakahuling byahe na ginawa ko noong taong 1999 yata, hindi ko na matandaan, nang magturo ang Pinsel ni Juan (painter's organization) ng pagpipinta sa mga kapus-palad na bata ng Bulacan. Nakatayo sa gitna si Ka Levy.)
Hanggang dito na lang muna….at hanggang sa muli.
14 Comments:
Waa..Ulangya ka! Pinalungkot moko ng makita ko ang picture naten na yan. Haay...those were the days, lumungkot talaga ako. Ano ba balita kay Ka Levy? saka sa dalawang tukmol diyan? Hehehe. copy ko ito.
randy,
magandang elemento ng pag-aaral o pagkatuto ang paglalakbay at pakikisalamuha sa iba't ibang indibidwal at kultura.
maganda rin na ginagawa mo na ngayon ang bawat gusto mong gawin habang binata ka pa. pag may pamilya na ay may mga bagay kang gustong gawin sana pero mapipigilan ka dahil ayaw mong malayo sa mga mahal sa buhay.
tama lang na bigyan mo ng reward ang iyong sarili pagkatapos ng iyong mga pagpapagod.
gusto sana kitang bigyan ng allowance sa pag-alis mo pangkape man lang kahit P5,000... pero oo nga pala... MILYON ang kinita mo sa last project mo at kami dapat ang iyong pagkapehin!
enjoy the vacation...
Meng-
Wala na akong balita sa kanilang lahat.
Kuya KC-
I-send mo na lang sa bank yung allowance hahaha. widthrahin ko na lang dun hahaha.
hindi po ba asawa ni ka levy si lualhati bautista?
Hindi ko alam e. Sorry.
Akala ko si LEVY GEN. PABALAN ang asawa niya.
Sir Randy,
Happy New Year!
Medyo matagal na hindi ako naka pag post ng comment dito, binabati kita sa iyong mga endeavors. Busy ako sa animation lately at pinalad na makapasok ang animation entry ko sa Animahenasyon 2008 mas finalist. Interesado talaga ako sa komiks pero ano ang nang yari sa Carlo Caparas Komiks? huli ko bilin ng komiks ay Jan 10, pero walang nag bago issue pinalabas dito sa isang bookstore sa Iloio. Sabi ng Sales Girl last issue na raw iyon? Kung makapunta ka dito sa iloilo Sir, please beep para mag kita tayo. regards lang sa mga kasamahan mo jan. By the way, regars din kay sir karl. Narinig ko ang Podcast mo, at nandoon ang passion na tinatawag bilang artists. Sana may isang milyon na komiks artist na kagaya mo para ma isulung ang industriya ng komiks dito sa ating Bansa.
Arnold of Iloilo
Thanks, Arnold. Nasa akin pa rin ang calling card mo.
Sa iyong paglalakbay sa malayo, nawa'y matagpuan mo ang katahimikan ng kalooban, ang kapayapaan, ang kaligayahan. Sadyang kay ikli ng ating ipaglalagi sa mundong ito. Hindi nga ba't tayo'y isinilang upang humantong lamang sa malamig na hukay?
Humayo ka't namnamin ang tamis ng buhay, sapagka't sa kalaunan, tayong lahat ay tatahak patungo sa landas ng kaharian ni Bathala.
Hehehe, parang dialogue yan ni Tata Temyong kay Panday a :)
Mwa-ha-ha. Go enjoy the beaches, man.
Para pagbalik mo, renewed ka na uli at may sapat na energy para sumabak uli sa komiks. Have fun!
Baka naman sa sobrang haba nyang paglalakbay mo eh next year ka pa makauwi...
I'm gonna miss you!
oist nakakamiss naman sila! where are they? he,he
mga virgin pa kayo dito ah? hahahah
Post a Comment
<< Home