Tuesday, January 29, 2008

AUDIENCE APPEAL

Bago ka husgahan kung mabait ka ba o mabango, titingnan ka muna sa hitsura. Minsan unfair ang mundo pero ganito talaga ang eksistensya natin bilang tao.

Ganyan din kahalaga ang 'cover' ng isang produkto.

Kapag tumitingin ako ng komiks, o kaya ay libro, natatawag agad ang pansin ko sa cover. Saka ko na lang inaalam kung mura ba ito o mahal, kung gusto ko ang istorya o drawing.

Importante na makuha agad sa pabalat pa lang ang interes ng tao. Ito ang starting point.

*****

Una akong na-attract sa cover ng The Arrival ni Shaun Tan nang makita ko ito sa isang bookstore, pero malas ko lang dahil nakabalot sa plastik at hindi ko makita ang loob. Pinagmasdan kong mabuti ang drawing. Saka ko tiningnan ang back cover.

Nagulat ako. Pinuri ng mga alternative comics creators tulad nina Art Speigelman, Marhane Satrapi, Dan Clowes, at iba pa, ang aklat na ito ni Shaun Tan. Lalo tuloy akong naintriga. Kaya nang makauwi ako ng bahay, tiningnan ko sa internet kung ano ang laman ng libro.

Ito ang nakita ko:





Binalikan ko nang sumunod na araw ang bookstore, pero hindi ko na nakita ang libro. May nakabili nang iba.

Ilang beses nang nangyari sa akin ito na tuwing may natitipuhan akong libro o komiks na hindi ko agad nabibili, bigla nang lang itong nawawala. Mukhang may pakalat-kalat din sa mga bookstores na kapareho ko ang 'trip' na reading material at reference.

*****

May mga nag-react sa nakaraan kong post na napaka-negative ko daw sa pagsasabing 'harapin na natin ang katotohanan na hindi na ulit aangat ang komiks.'

E di sige, bigyan niyo ako ng specific na gagawin para iangat ulit ang komiks.

O kaya ako na lang ang magbibigay ng suggestions. Tatlo lang ang sekreto kung paano ulit magtatagumpay ang komiks sa Pilipinas: Audience appeal, good marketing strategy, at quality of your product/s. Kapag na-meet ninyo ang tatlong ito, ililibre ko kayo sa McDo. Promise.

4 Comments:

At Wednesday, January 30, 2008 9:11:00 PM, Blogger Reno said...

Saang bookstore mo nakita ito? Baka puwedeng magpa-reorder sa kanila. Magaling ang illustration. Naalala ko yung animation noon na "The Man Who Planted Trees."

 
At Wednesday, January 30, 2008 10:03:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Sa National Bookstore Sta. Mesa ko ito nakita. tiningnan ko sa iba, wala e, kahit sa mga bookstores sa Cubao.

 
At Thursday, January 31, 2008 9:18:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Ganyan talaga Randy, you won't get second chances, kaya pag nakita mo, bilhin mo agad, huwag mo ng isipin. The other day, mi shop sa Iloilo City, Closing Out Sale, all merchandise must go, mag ma-migrate daw sa US ang mi ari. mi nakita akong box set ng BOB DYLAN CDs, tatlo ang laman, 500 bucks, saka box set ng Rolling Stones, taTlo ring CDs ang laman, 600 bucks naman, saka Miles Davis box set , apat ang laman, 500 bucks lang, hindi ako bumili, inisip ko muna, pag balik ko wala na. Bumili na lang ako ng Smokey Robinson at The Lovin Spoonful na Cds at discounted prices para hindi naman masayang ang lakad ko.



Auggie

 
At Thursday, January 31, 2008 11:19:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Pasalubong ko hayup ka! Umuwi ka ng walang pasabi? di tuloy kita na-snipe! Hehehe.

Ah...eto bang hinahanap mong libro? Ung kopya ko gusto mong hiramin? Bwahahaha! Oy pasalubong ko!!!

Tsk, kulang pa ng isang importanteng elemento ung binigay mo tol...Pisi mahabang pisi. Kahit anong ganda ng komiks mo kapag ala kang mahabang pisi, sa kangkungan ka rin mauuwi. Bwahaha! Bah, mahirap atang maningil ngayon. at ang isang spec sa gustong magtayo ng isang publication ay 50milyon.

Parang di naman tayo nagsama sa publication na biglang nagsara. Dahil wala ng pisi. Bwahahaha!

 

Post a Comment

<< Home