Tuesday, February 12, 2008

LORD, PATAWARIN MO PO AKO…DAHIL ALAM KO ANG GINAGAWA KO

Mahirap maging kolumnista sa dyaryo. At ngayon, nararamdaman ko na mahirap na rin pala na may blog ka tapos sasabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin.

Sa ilang taon ko na ring pagba-blog, at sa dami na rin ng mga isyung pinagsasabi ko dito, naramdaman ko na madalas ay nami-misinterpret ako ng maraming tao. Gaya nga ng sabi ko dati, nanganganak lahat ng pinagsasabi mo dito. Bukas makalawa, magugulat ka na lang, higante na pala ang isyu na nang una mong bitiwan ay kasinglaki lang ng kulangot.

Well, kasalanan ko naman, di ba? Iba-iba ang tawag sa akin—Boy Abunda ng komiks, Lolit Solis ng komiks, advocate ng Phil. Komiks—ano ba? Sa’n ba galing itong mga tawag na ito? Nagugulat na lang ako, biglang lalabas sa mga articles na ganito ako, na ganyan ako. Pwede ba, nagsusulat lang ako dito sa blog dahil trip ko.

Siguro naging very vocal lang ako. Katwiran ko kasi, kung hindi ako ang magsasabi, e sino? Kung hindi ngayon, kailan?

Sa lahat ng comments na natanggap ko dito sa blog, dito ako nasaktan:

http://usapang-komiks.blogspot.com/2007/12/2007-ito-na-ang-simula.html

“saludo ako kay direk carlo j! ginawa niya ang lahat para maibalik ang industriya ng komiks. nakalulungkot nga lang na may mga taong nang hindi mapaboran ang pansarili nilang mga interes ay ginulo ang maayos na sanang pagbabalik ng isang kultura. bumubuo sila ng sariling mga puwersa, na ang pinag-ugatan ay ang pagsisikap at determinasyon ng isang carlo j. caparas para sa kapakinabangan ng nakararami. sa larangan ng pagsusulat, may nakatakdang panahon para sa isang manunulat para makilala, hindi ang sarili niya ang kikilala sa sarili niyang mga gawa kundi ang mga mambabasasang nakauunawa ng isang tunay at katangi-tanging kuwento., gayundin ang mga taong nakaaalam at hahagod sa kanilang mga puso sa iiwang marka nito sa kanilang mga kaisipan. para sa akin, wala pang napatunayan ang isang rv sa larangan ng pagsusulat pata palakihin niya ang kanyang pangalan sa sarili niyang paniniwala. but that's ok. kung inaakala niyang magaling siyang writer, fine. pero sana,ma-realize niyang siya ang may sariling interes at siya ang nanggagamit ng mga pagkakataon para isulong ang kanyang pangarap na pansarili.”


Kailanman ay hindi ako namersonal sa mga isinusulat ko. Bumabanat ako, pero pabiro. At hindi laging sa tao kundi sa ‘aksyon’ ng mga tao. Iyon ang natutunan ko, magsuri, magsuri, magsuri. Pag-aralan ang lipunan, paglingkuran ang sambayanan. Sa terminong pangkomiks, pag-aralan ang ‘career’ mo, at paglingkuran ito.

Noong magsimula akong gumamit ng internet, walang nakakakilala sa akin. Kahit ng mga ka-batch ko noon sa komiks. Isa lang akong simpleng contributor sa komiks. Pero dahil may mga isyu akong inilabas sa blog na ito na hindi pinag-uusapan noon sa publication, unti-unti ay nagkaroon ng nakikisimpatya sa akin. Doon ko nalaman, marami sa atin na sabik pala sa mga isyung ito dahil wala ngang naglalabas. Ginawa ko ito, almost three years ago pa, sige tingnan niyo dyan sa gilid ang ‘archives' ko noon pang 2005. Wala pang Sterling, wala pang Direk Caparas, wala pang naglalakas-loob na maglabas ng komiks noon na masa ulit ang target market. Kaya ang banat ko noon, kasi walang iba, kundi ang mga nagsarang publications at mga independent komiks creators na may sariling mundo.

Kaya paano niyo sasabihing kaya ako nandito ay dahil may sarili akong interes? Dahil noong wala na kayo ay nandito pa rin ako at naglalabas pa rin ako ng mga isyus sa komiks na hindi ko naman alam kung may makaka-relate pa sa akin NOON. Nanibago lang siguro kayo dahil tumanda na ako, at mas naging mature ang pagtingin ko sa industry natin. Hindi na ako ang dating uhuging bata na naghihintay ng release na script galing sa mga editors. Kung namatay ang komiks noon at nawalan na kayo ng pag-asa kaya nagsialisan na kayo, ako hindi. Naghanap ako ng komiks na gagawin sa internet. Hindi man gawa dito sa Pilipinas ang karamihan sa kanila, pero komiks pa rin.

Sinasabi ko ito lahat dahil kailanman ay hindi ko matatanggap ang comments na mababasa ninyo sa itaas. At kailanman ay hindi ako nagtayo ng puwersa o grupo o kung anumang kilusan o fraternity dito sa internet para tibagin kayo. Nagkataon lang na mas may freedom of expression dito at may mga taong may sarili rin namang pananaw na hindi rin pabor sa mga aksyon ninyo.

Gustong-gusto kong mag-contribute ng husto sa CJC-Sterling, gusto kong tumulong. Concern ako kaya nagbibigay ako ng puna, mas madalas pa nga challenge, sinusuri ko ang mga sitwasyon. Mula sa dami ng contributors, sa mga titles, sa singilan, sa content—kung wala kayong halaga sa akin, bakit ko pa kayo pupunahin? Dahil kahit wala kayo, pasensya na sa demonyong kayabangan ko, mag-I-exist pa rin ako at komiks pa rin ang isasabuhay ko.

Alam ko maraming nagtaas ng kilay sa akin, mula noong magsalita ako sa Komiks Congress, hanggang sa paglalabas ng libro tungkol sa komiks, pero isa lang ang tumanim sa isip ko, ‘gusto kong isipin ang hindi nila inisip, at gusto kong gawin ang hindi nila ginawa.’ Masisisi niyo ba ako kung hindi na ako hawak ng monopolyong industriya at monopolyong pag-iisip?

16 Comments:

At Wednesday, February 13, 2008 9:34:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy:

Same old, same old – ang mga taong hindi tumitingin sa merit ng pagpupuna sa mga creations ng mga manunulat at mangguguhit sa komiks. Hindi mo naman siniraan si Mr. Caparas.

Sa iyong blog, at doon sa PKMB, wala talaga akong natunghayan na naging personal ang pagpuna kay Ginoong Caparas. Para sa akin, kung ang gawa niya ay may merit, pupuriin ko, tulad halimbawa ng kanyang napakagandang ANGELA
MARKADO.Itong seryeng ito ay talagang gripping, well-executed ang mga eksena, extremely interesting characters, inventive, and despite its downbeat ending
that leaves a heart-wrenching experience for the audience, it is nevertheless a wonderful piece of work that is hard to forget. It is one powerful creation by Mr. Caparas that he should make as his example to achieve even better
work in the future.

But by the same token, we also get from the same author, some PALPAKTO writings and naturally, it is understandable that we become disappointed, like what he did in KUNG TAWAGIN SIYA'Y BATHALA, also his first directorial work, which REALLY SUCKED BIG TIME. It is paramount, therefore, that he should learn to express more in filmic terms, rather than a hit-and-miss exercise in futility by not being consistent due to some handicap, perhaps, by not having enough background on filmmaking techniques and language.

But this doesn't mean we are saying this just to be mean to Mr. Caparas. In fact, it is au contraire. We are saying this as a wake-up call. It's like: Hey, Mr. Capras, we know you are talented, but please, don't succumb to the temptation of letting yourself be DESTROYED by your own success. Always aspire to write nothing but the best, like the way you did in your Angela Markado.

Sa kung ilang filmfest na pinuntahan ko na ipinalabas ang ANGELA MARKADO, pinapalakpakan talaga ito ng audience, kasama ako, siyempre. Ingenious
talaga ang mga tauhang sinulat dito ni Ginoong Caparas and the images of these characters are deeply embedded in my heart and mind.

Ngayon, kung magiging maingat lamang sana si Ginoong Caparas sa mga sinusulat niya ngayon, BAWASAN ang dami ng kanyang mga ginagawa, hind tayo mabibigong lahat na siya'y tiyak na makagagawang muli ng isang inspirado, matalino, at napapanahong kuwento na ating maituturing na isang OBRA MAESTRA.

Sana'y maunawaan ito ng mga taong nag-re-react ng walang pag-aalang-alang sa tunay na hangad ng mga nagki-kritiko kay Ginoong Caparas, at kasama na ako rito.

Tayong mga nasa sa larangan ng pagsusulat at pagguhit ay mga artists, at ang mga obrang ginagawa natin ay laging subject to criticism. Basta ba't huwag
PIPILIPITIN at babaligtarin at gawing personalan ang pagpupuna, wala akong makitang masama sa dito.

Ang kritisismo ay malaki ang kaibhan sa pagpukol ng putik sa ating kapuwa. Naiiba nga lang ang istilo ng pagpuna. May tahimik at restrained na a la LOLITA RODRIGUEZ, at mayroon din namang ALL OUT na a la CHARITO SOLIS. Pero lahat naman ito ay iisa lang ang tangka: mapabuti ang panulat (at pagdidirihe ng pelikula) ni Ginoong Caparas, dahil kapuwa natin siya Pilipino (pag may nagsabing hindi ako Pilipino, SASAPUKIN ko talaga. Huh!) at lung lalong mapauunlad ang kanyang mga obra ay iisa lamang naman ang kauuwian nito: KARANGALAN para sa mga Pilipino (at inuulit ko, mandatory na kasama ako sa katagang Pilipino kung ayaw ninyong makatikim ng Flying kick) :)

Sa totoo lang, mahal nating lahat si Ginoong Caparas, hindi ba. Dahil kung hindi, bakit tayo magpupuyat sa harap ng computer para lang makisali sa pagbibigay ng puna para sa ikabubuti nating lahat?

Tunay na Pinoy... huwag sasagot. Sisirain mo lang ang araw ng lahat. Itikom yung mga daliri mo at huwag nang titipahin ang keyboard. Makipag-commune ka na lang muna kay Aklas Isip at baka sakaling magsipaghinahon muna kayong dalawa.

 
At Thursday, February 14, 2008 9:23:00 AM, Blogger Royale Admin said...

Hala Bira..., Hala Bira..., aaaay Sorry tapos na pala ang Ati Festival. Bakit dito, hindi pa?

What does V in "Happy V-Day" mean? V-iolent, V-iral, V-aliente?

Wow, did I think of that? RANDZ, it's your F...kin Day!

 
At Thursday, February 14, 2008 11:26:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Hoy hanimal!!! madrama ka pa rin...parang kilala ko ang uri ng pagsusulat. Babae bro, parang kilala pa naten. Sirit ka na?! hahaha! libre mo muna akong ticket papuntang cebu! hehehe.=)

 
At Friday, February 15, 2008 12:01:00 AM, Anonymous Anonymous said...

‘gusto kong isipin ang hindi nila inisip, at gusto kong gawin ang hindi nila ginawa.’

kung walang gagawa nito e di walang mangyayaring pag-unlad. mas maraming kabutihang nagagawa ang open forum na dinadala ng blog mo kaysa sa bulung-bulungan sa tabi-tabi.

ang mga masasakit na salitang nataganggap mo dito ay mga attempts lamang to shut you up. it didn't stop you before, why should it stop you now? :D

 
At Friday, February 15, 2008 1:46:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Hay naku Randy. Kaya nga dapat mag-anonymous ka na lang kasi para walang mga ganyang intri-intiga ng mga taong me dyslexia at comprehension problem sa pagbabasa. Right, my Canadian freng? Maraming mahihilig mag-second guess sa internet. Mga "psychic" readers ika-nga. Kaya hanggang dito na lang. Hanggang sa muli. Paalam na sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo at sa 'yoooooo! Cut. Spiel. Fade to Canada.

 
At Friday, February 15, 2008 2:03:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Hi Lovers.

Napansin ko lang. Me mga tao diyang ang hilig-hilig magsabi na mga critic lang daw sila na nagpupuna lamang sa gawa ng iba at di daw namemersonal, pero pag sila naman ang pinupuna o naki-criticize mabilis pa sa alas-cuatro silang mag-hysteria at sumigaw na pine-personal daw sila---gayong di naman nila maituro ng me kasiguraduhan ang mga taong nagsulat, o ang mga 'personal' daw na tira ng mga ito. Saksakan pa ang mgaka-linguist kung umangal at magdamog. He he. Kakatawa. Kaya, bato-bato sa langit na lang. Me kasabihan nga sa ingles na sana'y maging leksiyon sa ating lahat: LOOK BEFORE YOU LEAVE!"

Mabuhay ang English!

 
At Saturday, February 16, 2008 1:44:00 AM, Anonymous Anonymous said...

To Anonymous,

Did you mean, "look before you leap" or maybe, I just have not heard of this look-before-you-leave thingy?

Just asking!


Josie A.

 
At Saturday, February 16, 2008 3:38:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Babae? Oo nga ano! Tama ka, babae ang pagkatao. mga binabae! hehehe siguradong mga bakla lang yang mga iyan. walang bayag magpakilala. Hahahaha! dapat ang mga Anonymous na yan ng maging tao sa mundo nilagay ang mga bayag sa noo. para makilala natin kung lalaki nga o binabae. Bwaharharhar!

Anonymous din ako, pero teka... babae ako. hahaha!

 
At Saturday, February 16, 2008 3:54:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Binabae?! Hehe. Huhunga! =)

Naghanap ka pa ng kakampe mo sa bloggers dito! hehe
bakit dimo ba kayang tindigan ung mga sinabi mo. Anonymous ka na nga di mo pa kayang tumindig mag-isa!

pagamit ng linya...
"Kakatawa. Kaya, bato-bato sa langit na lang." =)

 
At Sunday, February 17, 2008 4:24:00 PM, Blogger Unknown said...

Huh? anong kaguluhan ito? Magdrama ba? teka lech yang si anonymous na ya n ha ang daming arte sa buhay wala naman paninindigan.
At sino o ano si RV? Nalilito ako...

 
At Sunday, February 17, 2008 10:37:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Josie A. Is that THE Josie Aventurado? One of the best and engaging komiks writers around? If so, wow, it is truly an honor to have her on Randy's site. :) I read her article in Randy's book "Komiks sa Paningin ng mga Taga-Komiks". Love it, love it, love it.

Ma'am Aventurado's writing is so engaging and involving. We could learn a lot from her and I hope she does comment more often about the craft instead of that boring, long-winded, flirty, hungry-for-attention, master of contrivance has-been 70s writer AND Roi Vinzons 3rd place runner-up look-alike from Canada.

Know what I mean? ;D

 
At Tuesday, February 19, 2008 11:30:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Voodoo woman. He-he.

Huwag ka nang magkubli sa likod ng ibang pangalan at baka MABATUKAN ka lang ni Miss Aventurado. Napagsabihan ka niya dahil sa kahunghangan mo at dahil sa pagkagimbal na sa kabila ng iyong ka-machohan (pero Bading naman) ay hindi ka umubra sa isang babaeng may paninindigan. Kung ikaw ay isang lalaking may YAGBOLS, you'll stick to the issue. Ilabas mo ang photo mo at baka kamukha mo'y si PALITO?

Okay, this is not right. I don't judge people by the way they look. And in fact, someone accidentally revealed my job (when I was a student) as a male model. I am not ashamed of this fact, nor was hiding it. But, I just didn't want people to know about it. And it's my right not to tell anyone. Anyway, it happened, and I have accepted it and admitted it. I am comfortable with my body, and I have no prudish attitude when it comes to nudity. But, no one can judge me whether I am a bad person for modelling underwears, or whether I am a third place winner as Vinzon's look alike. Who the heck is he anyway? Now you make me really curious. I don't know the guy. But, this is what people do when they have nothing in their brains to argue or debate through reasoning. Instead, they go REALLY LOW by doing exactly what you did.

However, I made tons of money working as a model and I have seen every nook and cranny of this world. What about you? What have you done to your life? Did you at least try to make something out of your life, or you're a miserable ass hole depending on your parents for hand-outs?

You can even put me on the last place for the Vinzon's look-alike and It won't bother me none, as they say in the midwest. Though my image was everywhere in north America, Europe and Japan. I still made sure that I would never put a name to my face, and that's what happened. Therefore, if Mr Vinzons goes to north America, Europe & Japan, many people in the biz of modelling might just say: "Hey, look. This guy from the Philippines is a look-alike of our model PONTIO PILATO in the 90s. This is what they'll say because who the hell on earth know Mr Vinzon outside of the Philippines? Is Mr Vinzon an International actor? I don't think so, or I would have heard of him. Now that I am old, No one would even realize that once upon a time I have posed with some supermodel women. And despite my age and a huge change from what I used to look like, I have no qualms posting my photo just for you, my dear Voodoo Woman who is actually Voodoo Bakling.

Now, post your photo and we'll see whether you look like a Voodoo doll or Max Alvarado. He-he.

A word of advice though.

Don't start that patronizing gimmick to the lady writers here, my friend. They have a mind of their own, and they know what exactly what you're up to. You've been given shit by Miss Aventurado from your previous post and now you think you can trick her and everyone here by patronizing the ladies. Well, you might be in for a big surprise :)

Would you like to showcase your writing ability then? If that's the case, show it. We're more than glad to see what you've got.

Your gimmick is not going to work until you reveal yourself who exactly the coward you are – behind your aliases.

But, what do I care? My life is a wonderful one and I haven't stepped on anybody to gain any success in life. When I work, I work hard and I don't believe in PALAKASAN that you are deeply involved in. I made good income from hard work, no more, no less. Maybe you should do the same. Try to do something positive, help people by revealing who you really are like what I do, and be responsible enough to what you say or write, like I do.

Cowards indeed, die a thousand deaths. You must learn how to live now. Take off that mask of Mr. Vinzons covering your face and be man enough to face all of us, for if you don't, you'll just be nothing but EXCREMENT to me and to others reading your nonsensical comments that have been retrieved from the sewer.

Say Three mea culpas, 100 hail Marys and 300 I confess.

I absolve you, my son.

Your father confessor,
Tiyo Delio.

 
At Wednesday, February 20, 2008 3:41:00 PM, Anonymous Anonymous said...

It wasn’t easy for me to keep mum when Randy first posted this blog. I felt his revulsion as he expressed his disgust over the anonymous comment posted in his earlier blog. The comments were way out of line, puro kasinungalingan. But I thought at the time – and rightly so – Randy and his many other friends could very easily purge this person’s misimpressions.

However, it wasn’t as easy for me now to keep my cool after reading Voodoo Woman’s comment. I couldn’t stand being patronized! That short piece I wrote for “Komiks sa Paningin ng mga Taga-komiks” was trivia. I knew it and you know that, Voodoo Woman (or did JM hit it on the mark when he said Voodoo Bakling?).

The article, by the way, was a last-minute choice of topic since what I really wanted to write was about the corruption in the komiks industry. Tough topic, indeed, and the ensuing libel charges could not be far behind. Gayunman, natuklasan kong kahit ibig kong ilantad ang bahaging ito ng kasaysayan ng komiks, hindi ako ganoon katapang. More importantly, hindi pala ako ganoon kalupit sa mga taong buhay pa na sangkot sa tiwaling praktis noon sa ilang pasulatan.

Be that as it may, I wish that all those who’d like to air their comments will do so openly. And please disabuse yourself (anonymous, are you reading this?) of the notion that Randy has done or said anything against CJC as a person. If anything, we thought for a brief, brief time that he (RV) was a CJC apologist! (Randy, ibaba na ang kilay, please.)

At the risk of being accused as a member of (PKMB) mutual admiration club, I’d say that Randy is one of those who genuinely cares about the komiks and is consistently doing something very positive to keep the flame alive!

Mabuhay ka, Randy!

(And thanks to JM for standing up against these detractors.)

 
At Wednesday, February 20, 2008 7:04:00 PM, Blogger gladi said...

Haha! Do I need to say more, Tita Josie? I don't think so.

Goodluck, Randy. Wala kang magagawa sikat ang blog mo, eh. Hehe.

And to JM, you're a man with sense and pride. I really, really admire you, Sir. Keep it up!

 
At Wednesday, February 20, 2008 7:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

:D Its SOOOO easy!

 
At Wednesday, February 20, 2008 11:27:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Kailan kaya mawawala sa ating bansa itong mga lalaking pa-macho-macho. Siguro pati mga ina nila ay hindi inirerespeto. So Easy. Right. So easy to be rude, di ba? Mag-isip-isip ka nga at nang mabago mo iyang pag-uugali mo sa pakikitungo sa iyong kapuwa tao.

Tapos na po ang mga araw ng double standard.

Kung noong bata pa si Sabel ay ginagawa mong DOORMAT si Sabel, hindi na puwede sa ngayon, iyan ang itanim mo sa iyong kukote. Magising ka naman iho. Sumusulong sa pag-unlad ang mundo, nariyan ka't naiiwan sa ganyang gawi na hindi mangatwiran ng naaayon sa pinag-uusapang issue at kung anu-anong mga pagtuya ang ginagawa mo. Lagi mong sanang isaisip ang iyong ina. Kung gaano siya ka-importante sa iyo, at kung gaano mo siya iginagalang, gawin mo rin sa ibang babae, puwede?

Apat na babae ang mga kapatid ko at kaylan man ay hindi ako na-insecure sa kanila na tulad nang pagka-insecure na ipinamamalas mo dito sa mga blogs. Please wake-up. And be civil. Para din iyan sa kabutihan mo. Sana makinig ka naman.

 

Post a Comment

<< Home