MULA NOON HANGGANG NGAYON
Kanina, pinagmamasdan ko ang cabinet na may lamang mga komiks. Iginala ko ang tingin ko sa mga titles na nakahilera. 20 years ago, nang seryosohin kong mag-appreciate ng 'komiks art', marami na akong napagdaanang iba't iba uri ng illustrations. Ilan sa kanila ay natipuhan ko, ilan ay hindi, at ilan din ang naging bahagi na ng aking buhay ng pagiging artist sa komiks.
Habang tinitingnan ko ang ilan sa kanila, naisip ko na ang layo na pala ng 'art appreciation' ko. Mula sa pinaka-konserbatibong estilo hanggang sa pinaka-radikal. Mula sa pinakamalinis hanggang sa pinakamadumi.
Ang mga susunod na larawan ay ilan sa mga artists na naging bahagi ng pagkagusto ko sa 'komiks art'. Maaring ang ilan sa inyo ay kapareho ko rin ng pinagdaanan, o ang ilan naman ay malayung-malayo sa mga nagustuhan ko. Ngunit isa lang ang ibig sabihin nito, sa buhay na ito, may mga bagay tayong pinagmumulan, pinalalago natin ito, pinalalawak, itinatanim, ikinakalat, at ibinabahagi sa iba.
Ang ebolusyon ay natural na bahagi ng buhay sa ayaw man natin at sa gusto. Ang ebolusyon ay ikaw noong maliit ka pa, ikaw ngayong malaki ka na, at ikaw pa rin kapag matanda ka na.
Isang aral ang nakuha ko habang pinagmamasdan ko ang mga koleksyon kong komiks mula noon hanggang ngayon, ang layo na ng narating ng medium na ito--sa usapin man ng visual arts o literature.
At dahil dito, tayong mga gumagawa ng komiks, kailangan na rin nating tumanaw sa malayo--metaporikal man o literal.
5 Comments:
pahinge naman hehehe....musta na?!
Alam ko lahat yung iba maliban dun sa pinaka una... Pero parang Hal Foster.
Yup, si Foster nga yang pinakauna :)
syet, papa syet! nakita ko na uli 'yung kay Vincent Kua Jr. na drawing...'di ba "Lucifer Arkanghel" 'yan?
Elementary pa yata ako ng mga panahong 'yan...at inaasam-asm ko uli na mabasa 'yan...sana mailabas uli 'yan na parang tpb, ganda ng storya nyan eh!
ngayon ko lang ulit napansin na ibang iba ang mga gawa nun,detalyado pati background,sana maibalik ang ganitong estilo.
Post a Comment
<< Home