GOSPEL KOMIKS
Nag-release kamakailan ang Gospel Komiks ng kanilang collector's edition. Ang laman nito ay mga piling kuwento sa loob ng 25 taon ng kanilang publication. Makikita sa loob ang gawa nina Flor Afable Olazo, Mar Santana, Rod Lofamia, Vic Catan Jr., Luis Gatmaitan, Rey Arcilla, at marami pang iba.
Kung gusto ninyong magkaroon ng kopya, tumawag lang sa telepono 713-2981 o kaya ay mag-email sa sales(at)cfamedia.org
*****
Naalala ko, isang taon na rin pala ang nakararaan nang ganapin ang Konggreso ng Komiks sa NCCA Bldg. sa Intramuros, Manila noong Pebrero 27, 2007.
Bago ang event ay nagkakaisa pa ang lahat ng gumagawa ng komiks. Ang gaganda pa ng mga plano. After lang ng isang buwan pagkatapos ng Konggreso, nagkahati-hati na ang lahat sa mga pananaw at paniniwala.
Paanong hindi magkakamalas-malas e tinulugan tayo ng isang ale na makikita ninyo sa picture sa ibaba. Hoy, gumising ka na! Last year ka pa tulog a hahaha!
Makikita din sa larawan sina Antonio Garovillo ng Komiks.ph, Jon Zamar, Tagailog, Dennis Redondo, ako, at si Ravenson Biason.
5 Comments:
hahahaha! yun lang! natawa talga ako..
alam mo napagod yan kasi isa yan sa PSG ni carlo j caparas kaya napagod kaka trapik...hayyyy! cguro isa lang ibig sabihin nyan na hanggang ngayon e tulog pa rin ang totoong nag aadhika na mabuhay ang komiks!
tulog na tayo....mememe na bunso ang iyong ina ay nasa malayong bayan....ang adhikain nya ay di maiwan para sa sambayanan...kung malaki ka na may isip na ikay susunod na rin ba?
ako lang gibs
Talaga bang blurry yung Gospel komiks? Mukhang maganda yang compilation na iyan!
thanks for the info Randy. Interesado akong magkaroon ng kopya ng Gospel komiks na collectors edition.
gilbert-
yup, medyo blurred talaga sya. sinadya yata ng color artist, halatang ginamitan ng motion blur.
hahaha talagang tulog nga!Ikaw ba naman makita dun malamang matutulog nalang din ako hehehe
Post a Comment
<< Home