Wednesday, February 27, 2008

CHILDREN'S BOOK

Tapos na ang contract ko sa animation kaya iba naman ang naisip kong project. Isang children's book ang kasalukuyan kong ginagawa (pero iba ang nagsulat ng kuwento) at ito ang sample page:

Matagal ko nang binabalak na gumawa ng graphic novel pero kapag naiisip ko kung gaano ito kahaba ay nalulula ako, lalo pa kung pagbubuhusan ko talaga ng panahon. Sa freelancing pa lang ay nauubos na ang oras ko. Naisip ko nga na kung gagawa ako ng graphic novel ay iba ang pagdu-drawingin ko, sa akin lang ang kuwento, para lang makatapos.

Speaking of children's book, maganda rin itong outlet dahil ibang discipline naman ang mai-encounter mo dito. Sa Amerika, ginagawa rin ito nina Dave McKean at Jon J Muth kapag wala silang ginagawang komiks. Naramdaman ko na masarap maglaro sa children's book dahil hindi lang espasyo ang mapaglalaruan mo kundi ang kumbinasyon ng mga kulay.

Minsan, naiisip ko, ano nga kaya ang 'mother of komiks', ang political cartoon ba o ang children's book? Sa tingin niyo, ano ang naging foundation kung bakit nabuo ang komiks? Ano sa palagay ninyo ang 'Pagong at Matsing' ni Jose Rizal?

7 Comments:

At Wednesday, February 27, 2008 7:19:00 PM, Anonymous Anonymous said...

ayus yan...yan ang ginagawa ko dati mga children's books...si gary, yung kasama natin sa 123 dati mahusay gumawa...karamihan ng ginawa nya ako ang ngkulay sa watercolor

 
At Wednesday, February 27, 2008 7:35:00 PM, Anonymous Anonymous said...

sir may mahahanap po ba kayong work para sakin.. computer science grad po ako.. marunong ako sa macromedia flash saka photoshop. visual basic programming.. kaya ko rin magdrawing.. tnx.

 
At Wednesday, February 27, 2008 10:41:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Paulo,
Naku, hindi ako tanungan ng trabaho. Mas maganda siguro alamin mo muna sa sarili mo kung ano ang gusto mong gawin, maging programmer ba o maging artist. Para hindi ka maligaw kung ano ang gusto mong maging trabaho.

Minsan ay may mga kakilala ako na nabibigyan ng trabaho, pero kumporme sa kapasidad nila at kumporme din sa employer na naghahanap. Kung seryoso ka diyan sa art para maging career mo, mas maganda kung gumawa ka muna ng online gallery para makita natin ang trabaho mo.

 
At Friday, February 29, 2008 6:03:00 AM, Blogger GagayMD said...

good day po..

sir, as i was browsing in google about Victorio Edades, i have found some informations here in your blog. and glad enough that i am a blogger too. i am a 4th year bs bio student at UPMin. i supposed to have an oral report about edades. unfortunately, i have found only three photos of his works. sir, can you help me where am i gonna link to have some more photos of his?

thank you so much. appreciated more your reply.

ill leave here my link. thank you so much sir. and God Speed.

 
At Friday, February 29, 2008 3:12:00 PM, Blogger kc cordero said...

randy,
masyadong marami kang pinagkakaabalahan. dapat pagkatapos n'yang librong pambata ay asikasuhin mo naman ang paggawa ng bata...

 
At Monday, March 03, 2008 5:40:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

hehehe, korek!

 
At Monday, March 03, 2008 10:01:00 PM, Anonymous Anonymous said...

korek!

 

Post a Comment

<< Home