Monday, March 10, 2008

GALO ADOR -- R.I.P.

Nagulat na lang ako sa biglang text sa akin ni Jeffrey Marcelino Ong...patay na si Galo Ador!

Inatake ito sa puso kaninang 1:30 ng madaling araw. Nakaburol siya ngayon sa St. Peter's Chappel sa Quezon Ave.

Si Galo Ador ay isa sa mahusay na manunulat ng komiks noong 90s, bata pa ito at tingin ko ay matanda lang sa akin ng ilang taon. Nalipat siya sa pagsusulat sa TV nang tuluyang magsara ang GASI. Si Galo Ador ang founder ng independent komiks na Dark Pages.

3 Comments:

At Tuesday, March 11, 2008 7:07:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Condolence sa family ni Galo Ador. Nakilala ko siya bilang TV scriptwriter sa isang workshop na sinalihan ko. Napakahusay niya. Ang bilis mag-isip. Ang mga sequence treatment niya iisang sentence lang pero pag binasa mo ng buo, ang galing. Naitanong ko dyan dati kung paano niya kinukuha mga story ideas niya tapos pinakita sa kin yung dala niyang makapal na TV guide (He he). He will sorely be missed. Magaling yang writer si Galo.

Saan ba ang St. Peter's Chapel exactly?

Condolence uli sa family ni Galo Ador.

 
At Tuesday, March 11, 2008 8:46:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Nasa Quezon Ave. lang, katabi ng Pegasus. Kaso kung pupunta ka, dapat ngayon gabi na, dahil dadalhin na bukas sa Samar ang kanyang labi at doon na ililibing.

 
At Tuesday, March 11, 2008 11:58:00 PM, Anonymous Anonymous said...

condolence sa pamilya ni Galo Ador.
salamat sa pagbabahagi sa iyong talento.
rest in peace bro.

 

Post a Comment

<< Home