Sunday, March 02, 2008

ARAL GALING SA KLEZMER

Hindi ko makalimutan ang eksenang ito sa graphic novel na pinamagatang Klezmer na sinulat ni Joann Sfar:

"I hear music in your harmonica than in all their instruments put together."

"Because you never know which note you're going to play next. You can play the tune a thousand times, and a thousand times it'll be unique."

"Whereas our dear musicians are just predictable. They make the right motions on their instruments. But i don't call that music."

"To me, that's just good craftsmanship."

Napakaganda ng mga linyang ito, marami tayong matututunan lalo na kung nasa linya tayo ng art, maging ito man ay komiks.

Minsan, sa sobrang pagkahumaling natin sa medium, masyado na tayong nagiging teknikal. Nawawala na ang pinakamahalang sangkap ng ating obra, ang 'self expression'. Magandang maging teknikal kung nagsisimula pa lang tayo o kaya ay hinihingi ng pagkakataon, pero kung gusto talaga nating ma-explore ang posibilidad ng medium ng komiks, kailangan pa nating laliman ang ating pang-unawa.

Ang Klezmer nga pala ay kuwento ng mga Jewish musicians sa Eastern Europe noong bagong mag-World War 2.

2 Comments:

At Monday, March 03, 2008 5:34:00 PM, Anonymous Anonymous said...

malaking sampal ito kay manong floro dery.kaya siguro maraming di sumang-ayon sa kanya.pareho namang magagamit ang dalawang prinsipyo sapagkat pareho itong lumilitaw sa komiks.kapareho rin iyan sa painting-realistic at abstract.

 
At Monday, March 03, 2008 5:39:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Wala pong kinalaman ang post na ito sa artistic principle ni Mang Floro. Nagkataon lang na naka-line up na ang topic kong ito saka naman nagkaroon ng debate sa PKMB tungkol sa teachings ni Mang Floro.

 

Post a Comment

<< Home