Friday, March 21, 2008

REPRINTS

Pinadalhan ako ng isang kaibigan na nagtatrabaho sa Kuwait ng mga reprint ng American comics na translated na sa kanilang wika. Napakalaki talaga ng kinikita ng American comics publications bukod sa original prints ay marami pa silang franchise sa iba't ibang bansa. Sa palagay ko ay malakas sa Middle East ang mga komiks na ito dahil napakarami nilang titles hindi lang Marvel at DC, meron pa silang Archie. Iba't iba rin ang sukat, may kasinlaki ng Japanese comics, merong regular size, at merong kasinlaki ng magazine.

Dito sa Pilipinas, ang kasalukuyang gumagawa nito ay ang PSICOM. Marami na rin silang titles na inilalabas, pero karamihan ay 3-in-1. Sa isang komiks ay mayroong tatlong kuwentong mababasa. Glossy ang papel at maganda ang pagkaka-print. Sa halagang P95 ay makakabasa ka ng tatlong issues ng American comics.

Noong early 90s ay ginawa na rin ito ng Mahal Kong Pilipinas, Inc. (MKPI). Ang kaibahan lang nila sa PSICOM, newsprint ang ginamit nilang papel, black and white, at ang distribution ay sa bangketa. P5 ang initial price nila hanggang sa maging P7, at naging P10 nang maging colored na. Ang dami nilang titles na inilabas at halos lahat ay kinolekta ko. Nagkaroon pa sila ng announcement na magkakaroon ng sariling titles kaya nagpunta naman ako sa opisina nila sa White Plains. Pero hindi rin natuloy dahil bigla na lang silang nagsara, wala akong naging balita kung bakit.





*****
OFF TOPIC

Sobra ang init ngayon dito sa Manila. Dahil walang aircon ang bahay ko, hindi ako makapagtrabaho ng matino dahil naliligo talaga ako sa pawis. Ngayon ko lang naranasan na maligo ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw.

Kunsabagay, okey na rin na praktis ito. Dahil pagdating ko sa impyerno ay medyo sanay na ako hehehe.

E kasi ba naman, kahit ngayong mahal na araw ay nakasubsob pa rin ako sa trabaho. Hindi ko na yata alam ang hitsura ng simbahan.

4 Comments:

At Saturday, March 22, 2008 1:00:00 PM, Blogger mcguile said...

Heheh. I just remember, talagang hinihintay ko pa ang bawat issue na ilalabas ng Mahal kong Pilipinas Publishing. Marami kasi akong natutunan duon sa pagdibuho. Mas gusto ko ang black and white kasi nakikita kong mabuti ang bawat linya na ginawa ang isang artist at ang istilo nya.

 
At Saturday, March 22, 2008 7:44:00 PM, Blogger JEFFREY MARCELINO ONG said...

Nangulekta rin ako dati niyang mga 'yan, kaso nilamon rin ng baha kasama ng mga gawa ko.

Tama ka, Randy, hindi pa nga ganap na summer pero ganito na kainit, kung palagi ngang paldo ang wallet ko, magbababad na lang ako sa mga mall.

 
At Saturday, March 22, 2008 11:43:00 PM, Blogger Aleksi said...

hahahaha...
aliw ako sa podcast mo!! parang nasa L.U. ako pag naririnig ko boses mo!!

 
At Sunday, March 23, 2008 10:15:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

balak kong dalhin ang L.U. sa blogworld heheh. kaso maraming hahambalos sa kin hahaha

 

Post a Comment

<< Home