Monday, March 31, 2008

DARK PAGES

Ang DARK PAGES ay lumabas maraming taon na ang nakararaan. Pinagtulungan itong buuin ng ilang writers at artists ng GASI tulad nina Galo Ador Jr, Ron Mendoza, Jeffrey Marcelino Ong, Arman Francisco, Ronald Tabuzo, Mars Alvir, Ronron Amatos, Rey Macutay, Elmo Bondoc, Zar Alipis, Mike Lemsi at iba pa.

Hindi gaanong nai-distribute ang komiks na ito kaya kaunti lang ang nagkaroon ng kopya. Ngayon ay magkakaroon na kayo ng kopyang ito dahil ngayon pa lang ay pinag-aaralan na ng grupo kung paano ito maidi-distribute.

Puwede kayong bumili ng personal sa mga creators, paki-email lamang ang ronicmen(at)yahoo(dot)com o kaya ay sa aseroproduction2006(at)yahoo(dot)com(dot)ph. Puwede rinkayong magtext sa mga sumusunod:

09196301871 – Arman

09185017734 - Jeffrey

09278482056 - Ronald

Hindi kayo magsisisi sa komiks na ito dahil pinagbuhusan ito ng panahon, mapa-kuwento man o dibuho.

4 Comments:

At Tuesday, April 01, 2008 9:11:00 AM, Blogger arman said...

Thanks for the ads Randy.

 
At Tuesday, April 01, 2008 10:02:00 AM, Blogger Ron Mendoza said...

Randy,

Pre, salamat dito. Actually, kakaunti lang 'yong kopyang nahawakan namin. Baka lang 'kako may interesadong magkakopya kaya naisip naming ibenta na lang kaysa itago namin.

Salamat uli,
Ron

 
At Tuesday, April 01, 2008 10:50:00 AM, Anonymous cartoon blogger said...

seems interesting

 
At Tuesday, April 01, 2008 5:27:00 PM, Blogger JEFFREY MARCELINO ONG said...

Randy,

Salamat sa ad. May mga tumatawag na sa akin at umoorder, pati nga si Mikail na owner ng KOMIKLOPEDIA nagtext sakin from abroad. Sana nga marami pang magkaroon ng kopya ng DP. Kung papalarin, we have plans na mag-publish ng 2nd issue.

Makikisuyo uli, pare. Paki-lagay nga pala sa ad mo 'yung mga contact numbers namin na naka-post sa blogsite ni Arman.

Thanks uli!

 

Post a Comment

<< Home