BALITANG SHOWBIZ...NOON
Isa sa kinatutuwaan kong tingnan at basahin sa mga lumang komiks ay ang mga balitang showbiz noong araw. Masarap basahin ang mga tsismis ng mga artista dahil kahit paano ay magkakaroon ka ng idea sa entertainment industry noon. Nakatutuwa ring tingnan ang mga pictures nila, ang hitsura ng buhok, damit, make up, at iba pa. Para ka talagang sumakay sa time machine kapag nagbabasa ka ng lumang komiks.
Ang walang kamatayang Bobot-Vilma love team.
Ang isa sa pinaka-unforgettable na kontrabida ni Darna noon. Darna si Vilma Santos, at giant si Ike Lozada. Nasa kanan naman ang poging-poging si Tirso Cruz III.
Ang mga action stars noong araw na hindi ko kilala.
Ang cover ng komiks na hindi mukhang komiks, mas mukhang showbiz magasin.
Eddie Mesa, ang original Elvis Presley ng Pilipinas.
Ang pinakaaabangang tandem nina Dolphy at Panchito.
Ang mga singers at artista na kahit isa ay wala man lang akong kilala.
7 Comments:
He-he. Si Perla Adea classmate ko sa MassComm sa FEU. Madalas naming biruin ito noon ng another classmate kong si Renato Malay. Pero natutukso rin ako noon sa school. They used to call me Walter Navarro. At least hindi ako umiiyak kapag tinukso. Si Perla, napaiyak talaga iyan minsang nasobrahan na ng biro. But she is indeed a wonderful person. Hindi siya makapatay ng lamok, ika nga. I really found her extremely sweet and good natured. Very soft-spoken pa. Si Romy Mallari naman ay FEU rin, pero Commerce ang kinuha. Naging mag-asawa sila. Mga five years siguro ang tanda sa akin ni Perla dahil mag-kikinse anyos pa lang ako ng tumuntong sa first year university and since I transfered to FEU on my second year, ako ang pinakabata sa MassComm noon. Kung babanggitin ko siguro ang mga names ng mga classmates ko sa MassComm hindi mo na rin siguro maaalala: MARSHA DE RIVERA (tawag ng tanggalan champ); Rex Dimavivas (another singer-senior year na ito nang ako'y mag-first year). At dahil napakaliit pa noon ng MassComm department sa FEU, karamnihan sa classmates kong nag-artista ay mga Theater Arts or Speech and Drama majors. Mga madalas bumisita ang ilan na mga nauna sa amin, tulad nina: ODETTE KHAN, kuya EDDIE ILARDE (talagang napakasakit, kuya. He-he), TOMMY ABUEL, RAUL ARAGON. Ang mga ka-batch ko ay: si Perla nga, si BETTY DE LA ROSA (daughter ni Jaime de la Rosa); ROD DASCO, (actor-singer, leading man sa LIPAD, DARNA, LIPAD; REBECCA ROCHA (nanay ni Nino Mulach); LEW Soratorio - actor/singer-na puro Bobby Vinton revivals ang ini-record) at napakarami pang iba na kailangan kong magmuni-muni bago ko magunita ang mga pangalan.
Down memory lane talaga ito.
Good weekend randy, salamat pala sa pagdaan sa blog ko.... Pasyal ka ulet anytime pare.... Pwede ko bang ilagay ang link mo dun sa blog ko....? Ingatz....! =D
http://astigmuseum.blogspot.com
Sure, pare. Thanks :)
Pareng Randz,
Hindi mo kilala si Dondon Nakar? Siya yung kapareha ni Winnie Santos. Kasabay ni Lala Aunor at saka ni Arnold Gamboa? Sila yung mga Sharon-Gabby at William-Maricel noong araw.
Ay putik...! Buking ang edad ko. Ahahahahehehe... haaaaaay....
narinig ko na ang name nya pero hindi ako pamilyar sa kanya. nung una ko nga makita ang picture niya, kala ko si terry aunor nung bata pa hahaha
Tama si Ginoong Turda. Isa nga si Dondon Nakar sa mga tinatawag noong: APAT NA SIKAT. Sina Winnie Santos at BONG MORALES ang parang love team, tapos naroion din si Eddie Villamayor na kapatid ni Ate Guy. Isang gabi, taping namin sa ULILA, sinalubong ako ni Miss Rosa Rosal para ibalita sa akin na: "Nagtanan sina Bong Morales at Winnie Santos". He-he. Kaya pala hindi sumipot sa taping namin si Bong ay nagtanan. May isa pa akong addition na info para kay Ginoong Turda: batid mo bang napakayaman ng dibdib ni Binibining Winnie Santos? Sa edad na 12 niya noon, ay mistula siyang dibdib ni DOLLY PARTON! Laban ka diyan, ate Vi?
- JM po lamang from Costa Rica.
Hello..meron po ba kayong song na I AM A SOLDIER ni Lew Soratorio?
Thanks po in advance.
Regards
Alejandro Baloaloa
ali-baba-000@hotmail.com
Post a Comment
<< Home