Sunday, May 11, 2008

WEBHOST DILEMMA

Sino ba naman ang hindi mag-iinit ang ulo kung bigla ka na lang sisingilin ng webhost tapos wala namang serbisyong ibinibigay?

Ganyan ang nangyari sa official website ko sa www.randyvaliente.com , na wala ka nang makikita ngayon kundi patalastas. Nangyari ito noon pang November last year, siningil ako ng webhost dahil kailangan ko na daw magbayad. Binigyan niya pa ako ng deadline na isang linggo para makapagbayad. So, hindi ko naman na pinatagal, kinabukasan ay nag-deposit na agad ako sa bank account niya. Akala ko ay okay na, after a week, bigla na lang nag-down ang server. Ilang beses kong tinanong, sabi ay may inaayos lang.

Ilang linggo ko ring tinanong ang webhost kung bakit hindi na nagbalik ang website ko samantalang kababayad ko lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot. Hanggang sa hindi na talaga siya nagparamdam sa akin. Ang masakit pa, iyong host kong www.filwebhosting.com ay bigla na lang ding naglaho. Ang saklap ng nangyari sa akin dahil kababayad ko lang ng para sa 2 years service nila.

Ang hindi ko pa maintindihan ngayon, hindi ko mabawi ang www.randyvaliente.com at may babayaran na naman ako. Kaya malamang, para hindi na ako masiraan ng bait sa mga mandurugas na ito ay baka .net o .org o .ph na lang ang gamitin ko.

Kaya pansamantala, ang website ko (na luma na din ang laman) ay pansamantala ko munang inilagay sa libreng site, makikita ito ngayon sa www.rvaliente.co.cc

6 Comments:

At Sunday, May 11, 2008 10:13:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sa mga mumurahing website, babala iyan na wag basta basta papayag makpiagdeal. nabasa ko na iyan sa internet. para sigurado ay sa mas mataas na lang ang bayad at wala pang panganib na matulad sa ganyan.

 
At Monday, May 12, 2008 4:33:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Actually hindi siya mumurahin. Mas mataas pa nga siya kesa sa iba. Mas madali nga lang siyang kausap (nung una) dahil dito sa Pinas nakabase.

 
At Monday, May 12, 2008 9:57:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Dapat alamin kung kanino nakapangalan ang bank account nung pinagpadalhan mo ng pera.Ipa NBI mo kaya para malaman kung sino ang taong ito.Maraming expert sa ahensiyang iyon. Marami pang mabibiktima iyan pagnagkataon.

 
At Monday, May 12, 2008 11:39:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Ang tingin ko dito, nalugi siya. Kasi mula 2005 ay ayos naman ang serbisyo niya, pagdating lang talaga ng 2007 nagkaroon ng problema. Ok lang naman sa kin kung sinabi niyang ititigil na niya ang serbisyo niya sa akin, ang kinaiinis ko lang kasi, kababayad ko lang a week before na maputol na ang site ko. Tapos tinatanong ko kung bakit, hindi man lang sumasagot sa mga emails ko.

 
At Tuesday, May 13, 2008 1:47:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Maybe the people from that company are based there, pero yung server ng domain mo is US based: http://www.who.is/whois-com/ip-address/randyvaliente.com/

According to the who.is record your former domain will expire this October. Unlikely siguro na may mag renew ng domain na nasa pangalan mo so maybe you can buy it once it's available to the public.

Check mo lang yung policies ng ENOM about expired domains. You may have to wait 30 days or wait for it to go through an auction. But I really think there's a good chance you can get it again.

-- taga-subaybay

 
At Tuesday, May 13, 2008 9:47:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Salamat sa info :)

 

Post a Comment

<< Home