DEADLINE
‘All of my life, I have been punctual. Everything I do has always been on the clock. I never missed a deadline—better to be an hour early than a minute late—and on my tombstone will be the epitaph: HERE LIES JULIUS SCHWARTZ. HE MET HIS LAST DEADLINE.’
Julius Schwartz
Man of Two Worlds;
One of the most influential editors in comicbook history
Gaano kahalaga ang deadline sa komiks? Tinatanong pa ba ito? Kapag hindi mo nagawa ang deadline mo, natural na hindi lalabas ang komiks sa tamang oras nito. Hindi lang readers ang maiinis sa iyo kundi ang editor at publisher din. Swerte ko dahil sa tinagal-tagal kong gumagawa sa komiks, at maging sa iba pang art jobs, ay hindi pa ako sumasablay sa deadline. Hindi lang ako magaling sa time management, ginagalang ko pa ang oras.
Isang linggo akong walang internet, hindi ko alam kung bakit. Sabi ng PLDT e nagkaroon daw ng diperensya ang poste malapit sa lugar namin. Buti na lang talaga, tapos na ang lahat ng obligasyon ko. Ito ang ikinakatakot ko kapag nawalan ako ng internet, tapos may isi-send akong pagkalaki-laking files. Hindi ka naman puwedeng gumamit ng FTP sa public internet.
Hindi ko akalaing tatagal ako sa Headlocked, independent comics ito tungkol sa buhay ng isang wrestler. Hindi ito ang pinakamagandang drawing sa tingin ng writer at publisher nito, pero natutuwa siya sa akin dahil kahit kailan ay hindi ako pumapaltos sa deadline. Kaya hindi ko akalaing sa akin pa rin pala ibibigay ang 3rd book.
Pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho ay naging bisyo ko na ang manood ng tv o dvd sa gabi bago matulog. Isa sa hindi ko malilimutang napanood ko kamakailan ay ang Indian film na Kabul Express. Bihirang-bihira akong maka-appreciate ng pelikula na talagang tumatanim sa utak ko. Isa na siguro ito. Mahusay ang bawat eksena, cinematography, music, lalong-lalo na ang mga dialogues. Sa tingin ko hindi ito ang tipo ng karamihan ng mga comics people na mahilig sa fantasy stories at pagandahan ng special effects, pero magandang I-try niyo ring panoorin for a change.
7 Comments:
uy sir randy! astig yung art mo sa headlocked! indie ibig bang sabihin B&W din ito? parang may pagka charles adlard yung art. may binibenta ba niyan dito, comic quest, etc.? pag may sobrang kopya ka, bentahan mo naman ako. :)
Bro-
Yup, malamang na maging available siya dito pero mukhang late na. Nakikipag-negotiate pa rin yata ang publisher sa Diamond. Lumabas na ang Issue 1.
Colored pala ito. At magandang babae ang colorist namin hehehe
I've this film and I like it.
I also recommend:
ASHOKA with Sharuk Khan and Kareena Kapoor. Technically superior, bigger than life, and extremely gripping.
MISSION KASHMIR with Hrithik Roshan & Preity Zinta. Technically superior, visually beautiful and lots of action.
MOHABBATEIN (Love) with Sharuk Khan, Aishwarya Rai Amitabh Bachchan. Technically superior, very good music, and it looks extremely expensive! And it is! They built a huge building just to use as university for this particular film. Laban ka diyan, pelikulang Tagalog?
thanks jm. mahanap nga ang mga movies na yan :)
Randy,
Magkano ang charge mo per page sa mga foreign comics ( dollars) ? just curious .....
Auggie
Oist napanood ko yang Kabul Express he,he...ganda noh?
Post a Comment
<< Home