Thursday, May 15, 2008

SAVED ORIGINALS

Nakakalat lang sa hallway ng Kislap Publication ang mga original pages ng komiks. Dinadaan-daanan at naaapak-apakan ng mga tao. Walang pumapansin dito. Naghihintay na lang na damputin para maitapon na at sunugin.

Wala pa sa isip ko noon na mahalaga ang mga original pages sa pag-aaral ng local komiks industry, ang sa akin lang ay magkaroon ako ng kopya ng mga drawings na ito. Kumuha ako ng maraming drawings para lang magkaroon ng remembrance. Laking pasalamat ko sa sarili dahil mahalaga talaga sa akin bawat butil ng komiks--mula sa sketches at published works--kaya nakapagtabi ako.

Narito ang ilan sa mga naisalba ko buhat sa pagkakatapon at pagkasunog:

Mar Santana
Jun Borillo

Rudy Villanueva

Lan Medina

Elmo Bondoc


Lui Antonio
Rommel Fabian

Noah Salonga

...kasama na diyan ang isa sa pinakalumang cover na nagawa ko sa Space Horror Komiks. Nanlilimahid na ito sa kalumaan.

Kasama na rin diyan ang ilang painted covers ng pocketbook na gawa nina:

Romy Don

Ner Jedeliz

Ilan lamang ito dahil marami pa akong naitagong gawa ng mga artists na hindi na masyadong kilala ngayon.

Na-realize ko na mahalaga pala sa akin ang industriyang ito dahil sa kahirapan ng sitwasyon namin noon sa publication ay nakuha ko pang dumampot ng mga original drawings na ito. Ngayon hawak ko na ang mga ito ay hindi ko na siguro ito pakakawalan hanggang sa tumanda na ako.

Sa mga susunod na henerasyon ay maikukuwento ko sa mga komiks creators na hindi ko nakuha ang mga ito sa Ebay o ipinagbili sa akin. Isinalba ko ito galing sa basurahan.

9 Comments:

At Thursday, May 15, 2008 5:59:00 PM, Blogger KOMIXPAGE said...

Pareho pala tayong nakadampot ng mga original na kakalat-kalat lang noon sa Kislap Randy kaya lang iilan lang ang kinuha ko dahil hindi ko akalain na magiging ganito pala kahalaga ang nga iyon. Sayang, kahit isang sako siguro ay nakapag-tabi ako nito lalo na yung mga hard bound komiks file nila. Ang iniintindi ko kasi noon ay mai-palit lang ang tseke ko hawak na tumalbog. Ganoon pa man, ang karamihan sa na-save ko na original artworks ng mga artist ay ang mga pang-cover nila sa pocket book na tig-five pesos. Inilagay ko nga sa frame ang iba at naka-display ngayon sa aking computer room. Kung maibabalik ko lang ang panahong iyon, at kung papayag sila baka ipinalit ko na lang ang mga tseke ko sa mga itinapon nilang komiks file nila noon at bibilhin ko ng por kilo. Sayang.

 
At Friday, May 16, 2008 6:50:00 AM, Blogger humawinghangin said...

sir randy please post ka pa nung ibang artworks! mas luma, mas ok. di na kasi makikita ng mga sumunod sa atin yang ganyang mga estilo ng drawing.

familiar yung name at style ni jun borillo, may pinasikat ba siyang serye?

binigay ko nga pala kay noah yung link nitong blog mo, natuwa siya. :D

 
At Friday, May 16, 2008 9:39:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Hindi ko maalala kung ano ang pinakasikat na nagawa ni Jun Borillo, pero isa siya sa pinakagusto ko ang trabaho. Halata ang impluwensya ni Coching sa gawa niya.

 
At Friday, May 16, 2008 12:41:00 PM, Blogger Pert said...

Ang mga sikat na gawa ni Jun Borillo ay "Kung tawagin siya'y Bathala" na isinapelikula ni Dante Varona at yung "Alazan". may collection ako nito na naka bookbind.

 
At Friday, May 16, 2008 12:57:00 PM, Blogger monsanto said...

May mga Jun Borillo ka pa ba? Patingin naman, Hanga ako diyan noon pa man. Mahal na siguro ang mga Mar Santana pages mo diyan pre!

 
At Friday, May 16, 2008 4:21:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Grabe talaga ang mentality noon, Randy no? speaking of Jun Borillo, i was always a fan of this artist's works. And these days the drawing of David Finch reminds me of Jun's.

 
At Sunday, May 18, 2008 10:01:00 AM, Blogger Reno said...

Naalala ko nung bata ako nakapag-uwi ng mga original pages ang tatay ko. Kinulayan ko ng crayons!!! Nung medyo nagkaisip na ako at nakita ko uli yung mga pages na iyon, napagtanto ko na ang mga kinulayan ko ay gawa nina Vicatan, Noly Zamora at E.R. Cruz. :P

 
At Sunday, May 18, 2008 1:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Reno,

Artist din ba ang erpat mo noon ?

Auggie

 
At Monday, May 19, 2008 9:31:00 AM, Blogger Reno said...

Auggie...

Actually, part-time sreenwriter siya. Kaya marami din siyang kilala na taga-komiks industry. Officer din siya ng FAMAS noon, e maraming editors at komiks writers noon na miyembro din nga FAMAS kaya kilala niya sila.

 

Post a Comment

<< Home