Wednesday, May 21, 2008

MASAYA DITO

Opisina ng Comelec.

Ako: “Sir, ipa-follow up ko lang ho sana ‘yung voter’s ID ko.”

Empleyado: “Kailan ka nag-apply?”

Ako: (sarkastiko) “Naku, tagal na ho, August 2006 pa. 2008 na ho ngayon!”

Empleyado: “Ay, wala pa ho ‘yan! 2003 pa lang ang nagagawa namin.”

Naulol ako! Limang taon pala ang hihintayin mo bago ka makakuha ng voter’s ID.

**

Minsan, may mga pangyayari na hindi tayo nagri-react kahit ilang beses na natin itong napapanood sa TV at nababasa sa dyaryo. Maiintindihan lang natin kapag nararanasan na natin ng aktuwal.

Last month, ito ang bill ko sa kuryente:




Dumating ang bago kong bill, nagulat ako. Biglang dumoble! Wala namang nagbago sa activities ko ng paggamit ng kuryente!




**

Maraming eksena dito sa bansa natin na mapapailing ka na lang. Sasarilinin mo na lang ang inis. Minsan nga matatawa ka na lang pero ang totoo ay napipikon ka na sa galit.

Pero kung napanood ninyo ang pelikulang ‘The Kite Runner’, mas masarap pa rin pala ang mabuhay dito sa Pilipinas. At least hindi pa nangyayari dito na nagpapatayan na tayo pare-pareho dahil sa hirap ng buhay—gaya din ng nangyayari ngayon sa ilang bansa sa Aprika.



Minsan naisip ko, proud din pala ako bilang Pilipino. Nakikilala tayo sa buong mundo sa iba’t ibang larangan tulad ng pagkanta, boxing, billiards, maging sa komiks. Ang husay natin sa taglay nating talento. Gusto natin ay nag-I-excel tayo dito. Kita mo, kinatatakutan ang gangs ng mga Pinoy sa ibang bansa. At tingnan mo din, naging number 1 pa tayo sa pinaka-corrupt na bansa sa Asya. O di ba, ang gagaling natin?

5 Comments:

At Wednesday, May 21, 2008 11:03:00 PM, Anonymous Anonymous said...

tol, baka naman nakaligtaan mong patayin ung ilaw mo sa banyo o mas malakas ng mag-charge ung cellphone mo? hehe.

alam ko na tol paano tayo yayaman! ng instant. uso ngayon ang pasa load dibah? bakit di natin tuklasin kung paano magpasa charge sa mga nauubusan ng karga ang mga cellphone. naisip ko lang, kakaiba diba?! hehe. :D

tuloy pa rin ba ang jogging mo sa circle. baka linggo kita tayo kung pmupunta ka pa rin.

 
At Thursday, May 22, 2008 12:22:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Oo nga, pagdating sa Katarantaduhan at kaululan, ang laki ng capacity natin to excel, on the other hand, malaki rin ang capacity natin to excel on things and activities na edifying. It balances well....


Auggie

 
At Thursday, May 22, 2008 11:05:00 AM, Anonymous Anonymous said...

un ref na lumang luma ang sobra kumain ng koryente at mahigit na doble ang kinakain nito siguro saka un bombilya.

 
At Thursday, May 22, 2008 10:17:00 PM, Anonymous Anonymous said...

maabilidad ang mga pinoys ngunit pagdating lang sa pagkita ng pera ay nakafocus lang kung paano kikita araw araw at hindi ang pagnenegosyo ang pagtuunan ng pansin.di aasenso ang pinoys kapag ganyan ang mentality.

 
At Sunday, May 25, 2008 7:31:00 AM, Anonymous Anonymous said...

"maabilidad ang mga pinoys pagdating lang sa pagkita ng pera ay nakafocus lang kung paano kikita araw araw at hindi ang pagnenegosyo ang pagtuunan ng pansin. di aasenso ang pinoys kapang ganyan ang mentality."

Right on! Narinig nyo yan, mga komikero at Caparas? :D

 

Post a Comment

<< Home