Tuesday, June 03, 2008

MGA MAMBABASA NG KOMIKS


Kuha ang larawang ito sa pahina ng The Asia Magazine noong October 1963. Para natin maintindihan kung gaano kalakas ang komiks noong araw ay tingnan din natin ang mga lumang litrato.

Mid to late 80's ako naadik sa komiks at inabot ko pa ang ganitong eksena, kung saan bawat kanto ay may arkilahan ng komiks at pila-pila ang mga tao para magbasa. Kasama ako sa mga nakikipila noon.

5 Comments:

At Wednesday, June 04, 2008 12:00:00 AM, Anonymous Anonymous said...

kung meron mang makikita ngayon na kagaya ng nasa photo ay di na komiks ang hawak kundi cellphone.

 
At Thursday, June 05, 2008 1:40:00 PM, Blogger KOMIXPAGE said...

Ang picture na iyan ay bahagi na lang ng kasaysayan sa komiks Randy. Naaalala ko noon sa gilid ng Feati University at nag-aaral pa ako, ganyang-ganyan sa litrato ang nakikita ko doon Nakatutuwang alalahanin although sa panahon ngayon, malabo ng makakita ng ganyan.
Makakita ka man ng linya ngayon, "bigas" at hindi komiks ang pinipilahan. Ganyan na kapurdoy ang mga Pilipino sa ngayon.

 
At Thursday, June 05, 2008 2:56:00 PM, Blogger pamatayhomesick said...

ang galing nito ah,tama c anonymous cellphone na ang mga pinipilahan ngayon...kailan kaya babalik ang ganitong eksena ng komiks?

 
At Thursday, June 05, 2008 9:09:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Alam mo Randy, sana me mga nakuha ka ring photo ng mga comics readers sa Hong Kong at Japan. Me mga pila pa rin hanggang ngayon ng mga printed manga lalong lalo na sa loob ng mga commuter trains sa Japan. Malaganap din ang cellfone at internet sa mga bansang ito, pero bakit nananaig pa rin ang kultura ng pagbabasa ng printed na komiks sa mga bansang ito? Ano ba ang nasa history ng comics industry sa mga bansang ito ang wala at di nangyari sa Pilipinas?

 
At Friday, June 06, 2008 1:26:00 AM, Blogger monsanto said...

Oks sana kaso sa ARKILAHAN ng komiks? Para sa akin ang concept na ito ang isang dahilan sa pagbagsak ng komiks. Sorry pero, kung ang isang komiks ay nababasa ng 50 na tao. saan ang kita? Di ba sa nagpapaarkila lang? Ang komiks kikita lamang kung ito ay binibili at kinukolekta tulad ng ginagawa namin ng tiyahin ko noong 80's sa pasay city. Panahon na bumibili kami ng sampu-sampung copies kada linggo. Walang palya. 2.50 lang yata isa noon.

 

Post a Comment

<< Home