Monday, June 16, 2008

WALA NA BA?

Napadaan ako kani-kanina lang sa editorial office ng CJC Komiks malapit sa Malakanyang. Nagulat ako dahil wala na ang mga banners at tarpaulin tungkol sa komiks sa labas ng opisina. Isang malaking paskil ang nakasulat sa harapan ng pintuan...FOR RENT.

Ibig bang sabihin nito, tigil na rin ang CJC-Sterling Komiks? Nagtatanong lang.

After kasi ng mga kadramahan sa kabubukas pa lang na komiks publication ay hindi na rin ako nakibalita pa kung ano ang mga sumunod na pangyayari.

*****

Salamat kay Alfred Alcala Jr. dahil binigyan niya kami ng puwesto ni Jeffrey Marcelino Ong na makapagtinda ng aming mga produkto sa kanilang booth ng exhibit ng komiks master na si Alfredo Alcala Sr.

Ipinakita sa akin ni Alfred Jr. ang mga lumang covers sa komiks na gawa ng kanyang ama mula pa noong 1949. Ipinabasa rin niya sa akin ang mga sulat na tingin ko ay naglalaman ng mga napaka-importanteng pangyayari sa Filipino Invasion noong 70s. Sulat ni Alcala Sr. sa iba't ibang tao mula sa mga kaibigang artists, writers at mga editors ng Marvel at DC noong araw. One of these days ay hihimayin natin ang mga pangyayaring ito baka puwedeng makasama sa panibagong libro.

Isa sa magandang 'tanawin' kung bakit masarap pumunta sa event tulad ng ToyCon ay ang mga ganito:





6 Comments:

At Tuesday, June 17, 2008 11:11:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Siguro nalugi:(

ilan n lang ba ang mga natitirang artist sa cjc comics? endangered species na ba?

 
At Tuesday, June 17, 2008 11:40:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Last time nakausap ko si Architect Alcala Jr. nag- suggest ako sa kanya ng Graphic Novel ng late father niya na ang title eh GREATEST HITS o kaya THE BEST OF ALFREDO P.ALCALA, featuring yung mga short stories lang niya, yung mga 4 pagers lang niya noong araw, o kahit yung mga cartoony niya na one page, pwedeng i-include. Paki -banggit mo nga ulit pag nagkita kayo, thanks....

 
At Sunday, June 22, 2008 12:58:00 PM, Blogger Azrael Coladilla said...

randy,
salamat at nakapunta kayo sa toycon
di ko na din kayo nabalitaan nung una kung nakapunta nga ba kayo

dito ko na lang nalaman sa pics mo na nabigyan pala kayo ng space ni alfredo jr. buti na lang.

sensya na din at di ko kayo naasikaso mabuti ni jeff, sa sobra low signal sa loob ng venue, nahirapan ako mag send ng reply sa text ni jeff, at di ko sya ma track kung san sa loob.

sensya na sa abala.. bawi ako sa susunod.

 
At Sunday, June 22, 2008 3:57:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

ok lang az, dami kasi tao e. di rin kita nakita.

 
At Monday, June 23, 2008 12:12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sa CJC: Tama ang hinala. May alitan nga sina Bull Cap at Gerry Lim. Dahil dala ni Carlo ang perang subsidy ng Komisyon on Culture and the Arts, walang pera ang Sterling para maimprenta ang mga komiks. Mukhang naghahanap si Carlo ng substitute publisher kesa sa Sterling. Ayaw kasi ng egotistical Carlo na may lumalabas na komiks ng Sterling na kumakalaban sa kanya: MMK and Joe D' Mango's Lovenotes. Tingin kasi ni Carlo and co. and rightly so, na subsidy ng Komisyon ang ginagamit din ng Sterling sa pagimprenta ng MMK at Lovenotes which is FOUL.

Malakas ang benta ng mga TAGALOG komiks na ito lalong lalo na sa probinsiya na tinatanong tanong pa ng mga mambabasa. Kaya wag sanang sabihin na BAKA NALUGI ang negosyong ito. Internal business politics at personality clashes ang nakasira sa momentum at hindi ang bentahan ng komiks.

Lam nyo, tuwing sinasabi nyo lang na BAKA NALUGI, lalo lang nasisira ang diskarte ng ibang potensyal publisher diyan na wag nang mag-publish DAHIL LANG SA HAKA-HAKA at TSISMIS.

 
At Friday, June 27, 2008 7:31:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Alam mo kung ba't nawala bigla komiks nila? Ha? Sirit?

Kasi....kulang sila sa LOVE!

Di ba, kuya Randy?

Love lang 'yan e. Nagka-"love" buan ang pagsasama nila dahil kulang sila niyan. Hindi Pera, jundi LOVE.

Love love love love.

Haaaaaay....

 

Post a Comment

<< Home