WORLD CLASS
Next week na ipapalabas ang Urduja mula sa APT Entertainment. Magkahalong positive at negative comments ang naririnig ko tungkol dito. Ilang buwan na lang din at ipapalabas na ang Dayo galing naman sa Cutting Edge Productions. Ngayon pa lang at sari-sari na ring kumento ang nababasa at naririnig ko.
Panoorin niyo itong short film na ginawa ng Roadrunner Productions na pinamagatang Power Unleashed. All-Filipino din ang gumawa nito. Ngayon niyo masasabing hindi talaga kayang tawaran ang galing ng mga Pinoy.
Sa isang bansang tulad ng Pilipinas, tatlong bagay ang importante para makapag-produce ng isang quality product—tamang management, tamang time frame, at tamang pondo.
Sa industriya ng komiks, kaya mas lalong humuhusay ang mga creators natin na gumagawa sa international comics, ay dahil din sa tatlong bagay—tamang management, tamang talent fee, at prestige.
Maganda sigurong gawin ng gobyerno, mag-isip na ng programa para mapasigla ang industriyang ito ng animation, comics, game development at iba pang kumpanya na nangangailangan ng art assets, dahil walang duda na mag-I-excel tayo sa buong mundo. At siguradong makakatulong ito sa ekonomiya ng bansa. Hindi natin kailangan pang patunayan na mahusay tayo dahil kinikilala na tayo, ang hindi na lang kumikilala sa atin ay itong mismong mga nasa bakuran natin.
Biniro ko nga minsan ang kaibigan kong aktibista, “Alam mo kung bakit lalo tayong naghihirap, kasi tayo-tayo lang ang nagpipigaan ng kayamanan dito. Pigain naman natin ang kayamanan ng ibang bansa at dalhin natin dito. Hayaan natin silang magkandarapa sa atin.”
1 Comments:
Kaya naman talaga natin ang ganito kagandang trabaho. Kaya lang naman hindi ganito kaganda ang lumalabas sa ating mga pelikula at tv shows ay dahil maliit ang budget at napakaliit ng timeframe na binibigay.
Lalo na sa movies, na maiintindihan mo naman kung bakit maliit ang budget ay dahil local lang ang release, may kalaban ka pang mga pirata, mahirap mabawi ang puhunan.
Kaya tama ka Randy. Hindi dito locally manggagaling ang budget at mga proyekto, kundi sa ibang bansa. Sila ang may pera. Makitid lang kasi ang utak ng mga nasa gobyerno. Puro manual labor ang nasa isip nila. Akala nila hanggang doon lang ang kaya nating i-offer sa international market. Di nila alam na sa larangan ng sining, malaki ang mai-o-offer natin.
Post a Comment
<< Home