Sunday, June 08, 2008

JOEMARI MONCAL R.I.P.


UPDATES:

Ang aksidente ay nangyari Biyernes ng madaling araw (kalilipas ng lang ng hatinggabi ng Huwebes). Nabangga ng kotse si Mang Joe.

Magkakaroon ng tagpuan bukas (Lunes) ng 2PM sa McDonalds Pasay, Rotonda (malapit lang ito sa MRT station), kung sinuman ang gustong sumama ay maari lamang magpunta doon at makikita na ninyo sina Nar Castro, Florence Maglalang, at iba pang mga kasamahan sa komiks.

***

Malungkot na balita na naman ang nakarating sa atin, ang beteranong si Joemari Moncal ay namatay sa isang car accident madaling araw ng Sabado sa Baclaran.

Isang linggong ibuburol ang kanyang labi sa kanilang bahay sa Pasay. Hindi ko pa po alam ang iba pang detalye, pero kung may nais dumalaw ay ipagbigay-alam lang po sa akin at ako na ang makikipag-coordinate sa mga kaanak at kasamahan sa trabaho.

Si Mang Joe ang kasalukuyang artist ng Andres de Saya na sinulat ni Carlo J. Caparas at lumalabas sa CJC Komiks.

3 Comments:

At Sunday, June 08, 2008 8:59:00 AM, Anonymous Anonymous said...

sabado ba? fri ng gabi natext na sa akin ito. kung ganun ay di pa siya nasasagasaan ng car nung oras na un? condolence.

Roy

 
At Sunday, June 08, 2008 10:14:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Lilinawin ko pa po. Nakatanggap po kasi ako ng email Sabado ng hapon, sinabi na 'kaninang madaling araw' nangyari. Marami pong salamat.

 
At Sunday, June 08, 2008 11:18:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

isang malungkot na balita ito pare...

 

Post a Comment

<< Home