BAZOOKA JOE at WHITE RABBIT
Natatandaan niyo ba noon ang candy na Bazooka Joe? Noong elementary pa lang ako ay mahilig na akong mangolekta nito. Kahit madalas ay hindi ko maintindihan ang mga punchlines ay masarap pa ring basahin. May mga comicstrips noon sa dyaryo na gawa sa ibang bansa pero hindi ako pamilyar sa kanila dahil puro tabloids ang binibili ng tatay ko noon. Kaya sa palagay ko, ito ang kauna-unahang English comics na nabasa ko.
Hindi ko alam kung meron pa rin nito ngayon. Kapag bumibili kasi ako ng candy sa tindahan ay wala na akong nakikita.
Natatandaan niyo rin ba itong candy na White Rabbit, iyong kulay gatas ang laman (hindi 'yung brown)? Kinakain ang papel nito, 'yung nakabalot sa candy. Hindi ko alam kung saan gawa 'yung papel pero kapag bata ka, ang sarap kainin dahil natutunaw siya ng kusa sa dila.
Ngayon, isa sa dahilan ng pagbagsak ng komiks ay dahil sa hirap ng buhay. Siyempre nga naman, kesa bumili ka ng komiks ay bumili ka na lang ng isang latang sardinas o kaya ipandagdag mo para sa bigas.
Naisip ko lang, ano kaya kung may maglabas ng komiks na ang papel ay gawa du'n sa balot ng White Rabbit? Na pagkatapos mong basahin ay puwede mo ring kainin? O di ba, nakabasa ka na, nakakain ka pa!
Ang pangalan ng komiks: KAININ MO AKO KOMIKS! Hahaha, parang ang sagwa!
1 Comments:
Magaganda talaga ang ideas mo, maski kabaliw, kuwela pa rin. Bagay iyan siguro sa FRUIT LOOPS, di ba?
Incidentally, alam kaya ng maraming Pinoy na ang mga balot ng ating mga candies ay printed in ROTO GRAVEUR? Noong 1950s, ganito ang printing ng mga komiks natin kaya ang gaganda. Tingnan mo kung gaano ka-brilliant ang white rabbit wrapper.
Ang isa sa pinakamalaking graveur printer ay nasa VALENZUELA, BULACAN. Ito ang FLEXO MANUFACTURING CORP. Halos buong mundo ay nagpapagawa sa kanila. In the 70s, sila ang gumagawa ng mga jk=kahon ng TIDE at kung anu-ano pang mga pambalot sa pagkain, candies, instant noodles, etc.
Ngayon ay napakalaki na nila, isa nang public company, at ang isa sa mga nakapagmana nito sa kanyang magulang (Mr. Wai - ang may-ari din ng PANCITERIA MODERNA sa Avenida, at LA PACITA BISCUITS), ay ang anak nitong si Richard. Ang mas matanda niyang kapatid si Ramon, ay siya dati ang nagpapatakbo ng company. Alam ko ito dahil yung lolo kong nasa Chinses side (Lee) ay kamag-anak ni Mr. Wai.
Noong panahong bata pa si Sabel, ganito ka-espesyal (komiks?) ang printing, ngayon ay pang cellophane at plastic at kahon na lamang.
Pababa nang pababa ang quality ng buhay sa mundo, ano?
Ngayon ay gawa na sa China ang White Rabbitt. Huwag sanang mahaluan ito ng karne ng pusa ;(
Post a Comment
<< Home