KOMIKS PARA SA ESKUWELAHAN
May nabili akong textbook ng Social Studies na pinamagatang 'Journey Across Time: The Early Ages in Graphic Novel'. Ang sumulat nito ay dalawang propesor ng San Diego State University na sina Douglas Fisher, Ph.D. at Nancy Frey, Ph.D.
Ang kabuuan ng aklat ay tungkol sa kasaysayan na pinag-aaralan sa eskuwelahan, mula sa mga cavemen hanggang sa Age of Enlightenment and Revolution. Nakakaakit para sa estudyanteng basahin ang textbook na ito dahil nasa anyo ng komiks.
Siguro dapat nang magkaroon ng pag-aaral ang mga eskuwelahan na gumamit ng format ng komiks sa mga subjects na tinatamad ang mga batang pag-aralan. Lalo pa sa panahong ito na bumababa ang readership ng mga Pilipino.
Narito ang isang paragraph sa introduction ng textbook na may pamagat na 'Letter to the Teacher':
"While controversy about graphic novels persists--especially among people who worry that graphic novels will bring the end of traditional books--our experiences with adolescents, as well as a number of current research studies, suggest that graphic novels are an important adjunct in our instruction. Graphic novels are viable options for students with disabilities, struggling readers, and English language learners, but they are more powerful than that. Graphic novels are motivating and engaging for all students. They allow us to differentiate out instruction and provide universal access to the curriculum."
4 Comments:
sang-ayon ako dyan. komiks ang nakatulong sa akin na magsimulang magbasa bilang isang limang-taong bata. nag-enjoy ako sa mga drawings kaya ginusto ko ring malaman ang mga istoryang laman nito.
26 na ako ngayon. kung babalikan, pwede ko ring sabihin na komiks din ang dahilan kung paano ako unang natuto ng wikang ingles. yung "star boy" ng funny komiks ang isa sa mga dahilan. in english ang series tapos may transalations ng mga words na di madaling intindihin para sa bata. naalala ko, dun ko unang natutunan ang ibig sabihin ng "pulverize" :)
di nagtagal, nagpabili rin ako ng english titles gaya ng "man of steel" at "ghostbusters" na reprints naman ng atlas. dun ako lalong natuto.
magandang option ang graphic novels para sa mga estudyante. makakatulong ng malaki, i'm sure.
wow. san mo nabili to? magkano? dami pa copies?
Bro-
Natyempuhan ko lang ito sa Booksale :). Isa lang nakita ko e
Randy,
Matagal ko ng ginamit ang comics sa eskwela. Noong nasa elementarya pa lang ako ginogoyo ko na ang mga titsers ko, pero lusot naman. Required kasi sa amin ang HOME READING REPORTS, ng mga Classic Literature noon, dapat magbasa ka ng at least dalawa per month. Imbes na libro,eh CLASSICS ILLUSTRATED, ang binabasa ko, dahil mas madaling maindihan at hindi boring. Doon ko unang na-encounter ang THREE MUSKETEERS, ni DUMAS, IVANHOE, ni SIR WALTER SCOTT, SILAS MARNER, LES MISERABLES, ni HUGO, THE TIME MACHINE, at THE INVISIBLE MAN, WAR OF THE WORLDS ni H.G. WELLS, FROM THE EARTH TO THE MOON, JOURNEY TO THE CENTER OF THE EARTH, ni JULES VERNE, CRIME AND PUNISHMENT ni DOESTOYOVSKI, CEASAR'S CONQUESTS ni JULIUS CEASAR, MUTINY ON THE BOUNTY,at THE HURRICANE, by NORDHOFF & HALL,FANG & CLAW, by FRANK BUCK, at halos lahat ng listings ng defunct CLASSICS ILLUSTRATED. Dapat siguro ibalik ng NBS ito sa reprints man lamang para ma-expose ulit ang young generation sa World Literature....
Auggie
Post a Comment
<< Home