PENCIL LINES
Gandang-ganda ako sa pencil lines ng mga pintor. Para bang bawat guhit ay may hininga. Siguro dahil nasanay sila sa mga 'loose and organic strokes'. Ganitong klase ng mga strokes ang gusto kong i-explore pagdating ng araw.
Pero sa ngayon, mahirap itong gawin sa komiks. Lalo pa naa-adopt na natin ang American style of comics illustrations na mayroon nang ibang inker sa pencils natin. Sa komiks, hindi puwedeng 'loose' ang lapis mo dahil hindi ka masusundan ng inker. Kailangan sure ang bawat lines mo.
Noong panahon ni Da Vinci, normal na ang ganitong mga pencil strokes.
Sa ngayon, madalas ay sa mga pintor ko na nga lang ito nakikita. Kaya kapag nakakakita ako ng mga illustrators na may ganitong strokes ay talagang malaki ang paghanga ko. Ang ibig sabihin nito, kontrolado na nila ang bawat contours ng kanilang ginagawa kaya napakalambot na ng kanilang hagod.
Narito ang ilang halimbawa:
Rico Rival
Ismael Esber
*****
Salamat nga pala kay Edbon Sevilleno at kahit busy ay naisingit niya pang gawan ako ng sketch noong birthday ko. Mabuhay ang Guhit Pinoy!
10 Comments:
Randy:
Ganda nga ng mga ganyang hagod. May isang artist sa komiks noong 1980s, yung nag-drawing ng BLOOD series, halos ganito rin ang appeal ng gawa.
Teka muna... diyan sa sketch ng mukha mo, medyo AMBIGUOUS ang EXPRESSION.
Nagagalit ka ba, o NATATAKOT kay... MADAME AURING... kaya kumakaripas ka ng takbo?
Pero magaling itong si Ebdon. Technically, maganda ang gawa niya.
Mukhang galit pero takot hahaha. At may dala pang pamaypay :)
OOiisstt nag bibirthday ka pala? Ipinanganak ka ba? he,he anyways hapi beerday pakanton ka naman!!!!
Kumusta bga pala ang sales ng iyong book debut, Binibining Klitorika? Sana mag-hold ka ng isang autograph session para sa mga book buyers. Tiyak na lalong dudumugin ito ng mga buyers at fans alike kapag nakita nila kung gaano ka-beauty ang dating ng iyong personality. Umpisahan mo na ring mag-practice kung anong style ng signature ang gagamitin mo para maging brand ng iyong klitorika personality. Ala-Danielle Steel baga, o di ba? :-D
Tiyak na smash hit iyan.
Fan din ako ng pencil artworks, and mostly ang binibili kong 2nd hand artbooks ay pencil or charcoal. masarap ding nagkolekta ng lapis na iba-iba ang lead grade. sayang hindi ako mahusay magdrowing :(
kuya cool canadian, hehehe wala pa po sa market. Hindi ko alam kung kaya kong ipangalandakan ang pagmumukha ko heheheh insecure ang lola mo. Sa book signing pwede kaya naka maskara? hehehe. wish me luck po!
itong si klitorika, may sinusundang kilalang personality.si laila chikadora. basahin nyu huling post niya sa kanyang blog at mahahalata mo.actually showbiz yan si laila.
Galing ng caricature ni Ebdon ! para kang napamulagat diyan Randy !
Tungkol sa pencil sketches, ganyan ako mag sketch, very loose, kasi sa LIFE SKETCHING na subject sa eskwela noon, kailangan mabilis ka, kasi umaalis agad yung model. Mahihirapan nga ang inker, pero kung magaling na inker, palagay hindi, kasi it will serve as a guide na lang niya iyun, at bahala na siyang dumiskarte....
Auggie
pare hapi bertdey!
Ay sori po anonymous hindi ko po kilala si Laila Chikadora. San po ba siya makikita? May blog po ba sya...anyways hanapin ko nalang po.
Post a Comment
<< Home