Thursday, July 10, 2008

ACTION FIGURE

Hindi ako mahilig sa laruan na kinahuhumalingan ngayon ng mga toy collectors. Pero meron akong isang 'action figure' sa bahay na malaki ang naitutulong sa akin. Ito ang wooden figure na siyang praktisan ng lahat ng artist.

Tuwing may workshop ay lagi kong dala ito dahil ginagawa kong kopyahan ng mga estudyante sa pagbubulto ng tao kasama na rin ang shades and shadows.

May nakita akong mga wooden figures sa internet na mas magandang tingnan at kalapit na talaga sa hitsura ng tao. Ang problema ay wala pa yatang nakakarating dito sa Pilipinas dahil ilang beses na rin akong nagtanong sa mga art shops dito at parang hindi nila alam na may ganito.

Narito ang hitsura ng mga tinutukoy ko.

May nakita rin akong laruan na mas malapit-lapit na ang bulto sa tunay na tao. Kung may makita akong ganito sa mga toy shops ay baka bumili ako. Noong nakaraang ToyCon kasi ay wala rin ako nakita na kahit kahawig man lang nito.

Dito ko lang ito nakita.

1 Comments:

At Thursday, July 10, 2008 10:23:00 AM, Anonymous Anonymous said...

dapat alam ng artist ang limitasyon ng pagkopya sa toy figure. kapag puro ganito ang kinokpya niya ay naging matigas tuloy ang pigura niya.tandaan na pinakakahon lang talaga iyan.mas mainam na pag-aralan ay ang tunay na galaw at pose ng tao para maging natural ito sa drawing ng artist.

 

Post a Comment

<< Home