90's SEX COMEDY KOMIKS
Ang natatandaan ko na unang 'sex-oriented movie' na napanood ko sa sinehan ay ang 'First Lesson' na pinagbibidahan nina Gretchen Barreto at Romnick Sarmienta. High school pa lang ako nito, at nakapagtatakang pinapasok kami (kasama ko ang mga kaklase ko) sa loob ng sinehan dahil naka-uniporme kami. Kunsabagay, pinanood namin ang pelikulang ito sa isang nanggigitatang sinehan sa Kalentong, Mandaluyong.
Pagkatapos nito ay napansin kong dumarami na ang mga nagsulputang palabas na may ganito ring tema. Nagsipaghubaran na ang karamihan ng mga 'young stars' noon gaya nina Rita Avila, Rachel Lobangco, at iba pa. Hanggang nagsulputan na sina Rosanna Roces at Priscilla Almeda (Abby Viduya). At paglipas pa ng ilang panahon ay naglabasan na ang mga pitu-pito movies. Pitu-pito dahil ang mga pelikulang ito ay ginawa lang daw ng pitong araw. Maliit ang budget, pipitsugin ang mga artista pero tumatabo ng malaki ang mga producers.
Kasabay ng pelikula ay naglabasan na rin ang mga sex-oriented stories sa komiks. Pero iba ito kesa noong naglabasan ng 1970s. Sex-comedy na ang bagong batch na ito ng babasahing pang-masa. Lumakas sa market ang konseptong ito at tumabo rin ang ilang publications dito.
Narito ang ilang titles ng mga komiks na iyon:
Naglabasan na rin ang mga tabloids na mas 'brutal' ang laman kesa sa komiks. Mayroon na ring mga underground pocketbooks na nagsulputan noon na very graphic ang description ng mga sex scenes. Naalarma ang maraming indibidwal at grupo sa pagsulpot na ito ng mga 'malalaswang palabas at babasahin'. Naging laman ito ng mga balita, nagkaroon ng mga rally at demonstrasyon ang mga religious at moralists group, pati magulang at estudyante.
Sa mundo ng pelikula, ang nakita kong pumatay sa mga 'pitu-pito films' na ito ay ang mga may-ari ng sinehan. Partikular na ang SM Cinemas na siyang nangunguna ngayong sinehan sa bansa, ay hindi na tumanggap ng ganitong pelikula na ipapalabas kaya itinigil na rin ng mga producers na maglabas ng ganito.
Sa mundo naman ng komiks, hindi moralist group ang pumatay dito, at lalong hindi ang mga demonstrasyon sa kalye, ang pumatay dito ay katulad din ng pagkamatay ng iba pang titulo ng komiks.
*****
May ginawa akong drawings para sa July issue ng MAXIM Magazine. Medyo na-miss ko kasing gumawa ng mga medyo 'seksi' na drawing.
Ang kaibahan lang ng mga babasahing ito kesa noong 90s ay medyo 'classy' ngayon at para sa 'A' audience. Pero nabalita na naman kamakailan na ipinatitigil ni Cong. Benny Abante ang paglalabas ng mga magasing tulad ng ganito. Kung magkakagayon ay magiging collector's item na naman ang FHM, Playboy Philippines, Playhouse, MAXIM, at iba pa.
*****
Isa pa sa hinihintay kong -irelease ay ang libro ni Klitorika. Isa din sa pinangangambahan ko ay baka maharang din ito ng may-ari ng mga bookstores dahil nga sa pamagat pa lang ay aakalain na ng marami na puro kalaswaan lang naman ang laman nito.
Ako po ang nagsulat ng foreword ng aklat na ito, at masasabi ko na hindi lang sex ang laman nito kundi mas malalim pa doon. Ito ay isang uri ng 'pag-alis' sa tinatawag nating 'normal society' sa mga relasyon at pakikipag-ibigan na hindi gaanong napapansin ng marami.
Sana naman ay lumabas na ang aklat na ito ngayong linggong ito.
13 Comments:
Bakit pa magbabasa ng sex komiks kung mararanasan mo naman ang bawal? Nagkalat ngayon ang prostitution Randy.
Huh? Oist bakit hindi mo approve ung comment ko pasaway! He,he GOOD NEWS! FOR DELIVERY NA YUNG MGA BOOKS SA NATIONAL BOOKSTORE THIS WEEK BAKA NASA DISPLAY NA SIYA! YEHEEYYY!!!
hello klitoris, bakit di ka magpa book launch? gumamit ka lang ng balde sa mukha kagaya ni tagailog.
Balde sa mukha?
My, my! Are you kidding?
Klitorika is one beautiful lady, both inside and out.
Basta... kailangan my book signing iyan. Practisin mo na kasi ang stylized na pirma para bongga ang dating.
Nag-sabi na ako sa aking friend diyan sa RP na bilhan ako ng several copies para maipan-regalo ko sa mga kakilala ko rito.
Good luck to your first book. Ipagdarasal kong maging BEST SELLER iyan.
At ano naman itong sinabi ni Randolph, na si Romnick, ang aking alaga sa TV noon ay naging bold star later? Katotohanan ba ito o guni-guni? Nang magkita kami dito ni Romnick, wala naman siyang nabanggit. Instead, yung dinala niyang film dito ay dramatic: SA AKING PUSO. Ni-review ko pa nga iyon sa Newstar Tribune.
Parang kahapon lamang na kapag taping day namin sa Boradcast city, pagpasok pa lamanmg ng aking kotse sa compound ay naroon na sa hagdan ng studio ang batang Romnick, kumakaway na sa akin.
Ah... Valiente... bakit ba lagi mong ipnapaala-ala sa akin ang edad ko? Ito pa naman ang gusto ko nang limutin. Mabuti pa itong book ni Klitorika, dama ko'y bumata akong bigla :)
ha ha ha,parang ok yung balde ha...
klitorika- congrats!..at more power.astig ang book sosyal nasa national bookstore!
ui sinta, ok yung topic mo ah.. cheers =]
si klitorika di na iyan lalabas kasi dyahe na siya sa mga pingsusulat niya.tingnan mo at, nawala na mga litrato niya sa blog nye hihihi.pag lumantad ka at nag book signing ay magpahid ka ng uling sa mukha kagaya ng mga aeta para di ka nila makilala aah hahahaahhaha haaah!
JM,
yes, sir... totoo nga pong maraming ginawang sexy films dati si romnick under seiko films.
hehhehe...
gusto ko lang pong maging feeling anonymous kuya pero hindi ko ikinakahiya ang mga sinusulat ko. Dahil bago pa man ako magkaroon ng book ganyan na talaga ang topic sa blog ko.
Naisip ko lang kasi mas maganda kung may konting misteryo he,he nag inarte lang po ako.
parang ikaw ... anonymous bakit kaya ikinahihiya mo ba mga komento mo?
toink! araykup! binalik pa saken. lupet mo klitorika. ikaw naman bida rito di ba? bisita lang me d2.
Toink!
Si BLUEPEN iyan? Ikaw nga, Mr. Rodriguez. Magaling ka namang magkulay, bakit hindi mo make-up-an si Klitorika sa Photoshop. Kaya lang, kailanang i-scan mo muna ang mukha niya para maging digital file. Pero paano mo ibabalik sa tunay na buhay kung maging digital file na si Klitorikas? Magiging virtual woman na lamang siya. Kabaliw.
comment ko lang dun sa cover ni klitorika dapat ung dila siguro mas habaan ng konti pa hanggang dun sa mas malapit sa gitna ng biyak na mansanas.
Randy, nahahalata ko na palagi na lang ang pagsuporta mo sa mga "anonymous writers". Hindi mo ba alam na kailangang ma-improve ang kalidad ng pagsusulat ng mga ito pagka't sila'y anonymous at walang nagche-check sa mga sinusulat nila?
Hmph.
Post a Comment
<< Home