Friday, July 18, 2008

DALAWANG KUWENTO SA KALSADA

Pumunta ako sa Antipolo kahapon para mag-attend ng kasal. Dalawang kuwento kaagad ang na-encounter ko sa lakad kong ito…

Unang Kuwento:

Tapos na ang kasal. Nagbibigay na ng speech ang mga kamag-anak at mahal sa buhay sa newly wed. Unang nagsalita ang tatay ng groom, sinabi niya sa una na hindi siya gaanong mahusay sa Tagalog kaya pagpasensyahan na daw siya dahil Panggalatok lang talaga ang komportable niyang salitain. Hindi rin siya sanay magsalita sa harap ng maraming tao.

Wala akong naiintindihang salitang Panggalatok pero mataman akong nakikinig. Nararamdaman ko ang nasa loob ng ama na nagsasalita patungkol sa kanyang anak, nararamdaman ko ang puso ng isang mahirap na magulang na nakuhang mapagtapos ang anak na lalake hanggang sa maging successful na manggagamot sa ibang bansa. Bawat bitaw ng salita ng ama, kahit hindi ko naiintindihan, ay pumapasok sa puso ko.

Ang sumunod na nagsalita ay ang ama ng bride. Mas magaling itong magsalita, sanay humarap sa maraming tao at mataas ang pinag-aralan. Nag-cite pa ito ng mga talata sa Bibliya patungkol sa buhay pag-aasawa. Pero hindi tumatanim sa puso ko. Hindi ko maramdaman. Hindi nito nakuhang haplusin ang kaluluwa ko. Isa lang ang kulang sa tingin ko, hindi galing sa puso ang mga salita sa bibig nito. Para lang mga bersong sinaulo para sa isang speech program.

Maraming misteryo ang komunikasyon. Minsan, may mga bagay na simple pero mas mahirap intindihin, may mga bagay din namang kumplikado pero mas madali palang unawain.

Ikalawang Kuwento:

Pauwi na ako galing ng Antipolo. Nakasakay ako sa FX papuntang Cubao. May magsyotang pumara sa bandang Masinag market. Iyung babae lang ang sasakay, humalik pa sa labi ng lalake bago umakyat ng sasakyan.

Tumabi siya sa upuan ko. Amoy na amoy ko ang babae, bagong ligo. Kakagigil. May hitsura pa naman. At medyo seksi ang suot na damit.

Habang nasa biyahe ay panay ang text ng babae. Iniisip ko, kaki-kiss niyo lang ng boypren mo e nami-miss mo agad. Medyo umiral pa nga ang kahayupan ko, baka nga katatapos niyo lang mag-check in dahil kasa-shower mo pa lang.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami ng Cubao. Magkasunod lang kaming bumaba nu’ng babae. Nasa likuran lang ako ng babae habang papunta kami sa kanto. Nagulat ako dahil pagdating doon ay may isang lalakeng nakatayo sa harap ng motorsiklo, bigla ring humalik ang babae dito. Sa labi din. Talagang nanlaki ang mata ko.

Putragis! Kagu-goodbye kiss lang sa syota niya du’n sa Masinag e meron pa palang nag-aabang dito sa Cubao.

4 Comments:

At Friday, July 18, 2008 11:30:00 PM, Anonymous Anonymous said...

randy, dapat sinundan mo tas hiningi mo ang cell nos niya.kapag nagalit yung mama ilabas mo yung rosaryo at magpakilala kang isang pari. sa ikatlong pagsakay niya ay ikaw na siguro ang susunod hahahaha hah!

tas gawa k ng book kagaya ng ginawa ni klitorika nye hehehehehe!

 
At Saturday, July 19, 2008 12:50:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sana kinunan mo ng picture yung babae gamit ang camera sa phone mo. (kung may camera ang phone mo)
.
Tapos post mo dito yung pucture noong babae na kasama nya yung 2nd guy sa cubao. :D

(Prosti suguro yun.. :D )

 
At Saturday, July 19, 2008 1:33:00 PM, Anonymous Anonymous said...

di naman siguro.marami na ngaun girls na 3 pa nga ang syota.

sa gabi madalas lumabas ang prosti. kapag maaga sila mga 3:00 ng hapon gipit na sila sa pera.

 
At Sunday, July 20, 2008 10:00:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Marami na ngayong girls na 3 -4 pa nga ang syota ? totoo iyan ? mi mga kakilala ka ? amazing ! ikwento mo rito ....


John de la Croix

 

Post a Comment

<< Home