Wednesday, July 30, 2008

JOSEPH CHRISTIAN LEYENDECKER


Isa sa mga naging impluwensya ng ating mga early illustrators sa komiks ay ang trabaho ni Joseph Christian Leyendecker. Partikular na ang paggawa niya ng tupi ng damit (foldings). Masarap tingnan ang kanyang mga tupi dahil para itong telang malutong, minsan naman ay plastik na makinis. In fact, maging si Normal Rockwell ay pumulot kay Leyendecker sa paggawa ng tupi.

Ilan lamang sina Alfredo Alcala at magkapatid na Joey at Louie Celerio ang kakikitaan natin ng 'Leyendeckerish' na tupi.

4 Comments:

At Wednesday, July 30, 2008 8:20:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Kung tupi ang pag-uusapan, may TATALO pa ba kay EMIL RODRIGUEZ?
Isa ito sa mga local artists natin na may pinaka-astig na tupi ng mga damit. Ang obserbasyon ko sa Celerio brothers ay kay Rodriguez nangopya ito noong bagong salta sila sa larangan ng komiks. May isa pa, si GUALBERTO ORTEGA, na dati'y kinopya rin si Ropdriguez at nauwi sa cartooning later. Isa pang sa umpisa'y nag-style ni Rodriguez ay si ERNIE GUANLAO, na nang lumaon ay nauwi rin sa cartooning na naging sarili na niyang style.

Ang masyadong nakakaligtaan ng maraming kabataan ngayon ay ang mga trabaho ni Andrew Loomis sa advertising. Tunay na mga astig ito at hindi masyadong pinag-uusapan, maliban na lang sa libro niya sa mga drawing. Parang si Vir Aguirre rin, na astig ang drawing pero dahil napakahirap gayahin, kaya sumuko na lang ang iba at nagbago ng style na tulad ni Rod Santiago. Nagpumilit itong maging Vir Aguirre noon, pero wa epek talaga.

 
At Wednesday, July 30, 2008 8:29:00 PM, Anonymous Anonymous said...

sad to say that this particular drawing style would be hard to find good oppurtunity in this present time....and the ultimate solution is the artist flexibility.

 
At Friday, August 01, 2008 10:11:00 AM, Anonymous Anonymous said...

JM,

Mi mga artists talagang mahirap gayahin. Pareho ni Vir Aguirre, Elpidio Torres, Alfredo Alcala, Alex Nino, Jess Jodloman, Ross Matienzo, Emil Rodriguez, Ruben Yandoc, Teny Henson, PZ Marcelo, Angel Trinidad... Ang pinakamadali at friendly eh si Nestor Redondo, kaya sangkatutak ang Redondo clones. Pati ako noon , panay din ang praktis ko sa chinese brush, at kinokopya ko yung DAYUKDOK....

Sa US, si Bernie Wrightson ang nakita kung magaling sa tupi ng damit. Obvious na si Leyendecker din ang idol....


Auggie

 
At Friday, August 01, 2008 10:47:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

OO nga. Si Wrightson ay obvious na galing din dito.

Pero yung CELERIO BROTHERS, kung titingnan mo ang tupi ng damit at yung exagerated exporession... puro galing kay Rodriguez. Maganda sana kung may mga kabataang buhayin ang lahat ng magagandang parte ng drawing ni Emil. Kaso, talagang mahirap kaya wala nga akong nakitang nakagawa ng para bang si Javinal na halos 90 clone ni Coching. Si Alex Nino, kung expression ang pag-uusapan, galing kay Rodriguez. Pati LAWAY ng mga sumisigaw na chaeracters ay ginat=ya rin ni Nino noong iya ang pumalit sa ANAK NI PRINSIPE AMANTE.

 

Post a Comment

<< Home