PINOY KOMIKS ART NOON AT NGAYON
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang analisis ni Emil Flores na binitiwan niya noong nakaraang Pasko ng Komiks sa UP noong December 2007. Tungkol ito sa pagbabago ng presentation ng komiks mula noon hanggang ngayon.
Babalik at babalik tayo sa katanungang: “Mayroon nga bang sariling estilo ang mga Pilipino sa pagdu-drawing ng komiks?” Samantalang ang talagang impluwensya ng ating mga early illustrators ay ang trabaho nina Alex Raymond at Hal Foster noong 1930s.
Ginawan ko ng chart ang analisis ni Emil Flores. Ngunit isinentro ko na lamang muna sa visuals at saka na natin talakayin ang pagbabago ring anyo ng presentasyon sa pagsusulat.
Ang mga naunang illustrators natin ay impluwensya ng mga Amerkano, ngunit pinanday ito ng panahon hanggang sa na-develop ito na maging ‘sarling estilong Pilipino’. Katibayan niyan, kung pagmamasdan nating mabuti ang trabaho ni Francisco Coching ay may kaunting anyo ito ng Botong Francisco paintings.
Sa panahon ngayon, ang mga bagong illustrators ay tumalon na ng direkta sa banyagang impluwensya, gaya ng makikita sa chart. Kaya hindi nakapagtatakang sa mata ng mga foreign followers ng mga Filipino noong 1970s, hindi na masyadong nakikita ngayon sa new batch of illustrators ang trabaho nina Redondo at Coching.
Ang ganitong mga pagbabago ay nangyayari dahil sa dikta ng kasalukuyang panahon. Dahil ang komiks ay isang kulturang popular, kailangan nitong sumabay sa kung ano ang nariyan. At kailangan nitong sumabay sa takbo ng ‘marketability’ at kung ano ang partikular na hinahanap ngayon.
Gaya halimbawa ni Lan Medina na galing sa local komiks kung saan sa mga unang trabaho niya ay kakikitaan ng impluwensya ni Nestor Redondo. At dahil isa na siyang illustrator sa mga foreign comicbooks (Marvel, DC, etc), ay kailangan niyang mag-adjust sa hinahanap ng American market.
Sa kabilang banda, ang mga unang trabaho ni Gerry Alanguilan ay malinaw na nagmula sa American comics, na nahaluan ng European style nang lumaon. Ngunit sa panahong ito na ipinapakilala niya sa internet ang ating mga beteranong illustrators sa pamamagitan ng Phil. Komiks Musem, mayroon siyang mga trabaho na nagkakaroon na ng anyo ng Redondo at Coching.
Ibig sabihin nito, ang komiks drawing natin, baguhan man o datihan ang artist, sa foreign o local komiks man gumagawa, ay ‘nadadala ng dikta ng pangangailangan’. Kaya tayong ‘alugin’ ng market, base sa panahon at pagkakataon.
Pupunta tayo sa isang katanungan: Kaya bang alugin ng iba pang estilo ang Japanese manga o sa lahat ng komiks art sa buong mundo ay sila ang pinaka-stable?
(Bloody Hell image taken from http://thepunisherone.deviantart.com/; Humanis Rex image taken from www.komikero.com)
3 Comments:
kaya. pustahan tayo within 100 years ay mababago pa ang style ng comics ng japan. ngayon nga lang parang medyo nakakasawa na ito sa ibang comics readers. habang nagkakaroon ng pagbabago sa techonology at iba pang trend ay nakikisabay din ang anyo ng visuals.
Kayang alugin ang Manga ? not in the near future anyway. Mi kasabihang IF IT AIN'T BROKE, WHY FIX IT ? manga is a gazillion dollar industry with a winning formula, why tinker with it ?
market forces ang lahat na nag da-drive nito. Pag hindi ka nag adjust, patay kang bata ka. Pero tungkol sa mga influ-influwensiya na iyan, who cares ? basta ba kumikita ang komiks mo eh...
John de La Croix
masuwerte daw ang komiks noon dahil nilalanggam pero ngaun nillangaw na ata. totoo ba ito?
Post a Comment
<< Home