Wednesday, August 13, 2008

RENE CLEMENTE R.I.P.


Iniwan na naman tayo ng isang beterano sa larangan ng pagdidibuho sa komiks. Inatake sa puso ang illustrator na si Rene Clemente at kasalukuyang nakaburol ngayon.

Si Mang Rene ang nakita kong pinakatahimik at napaka-humble na tao sa komiks. Bihira siyang makasama sa mga pagtitipon sa komiks nitong mga nakaraang panahon dahil nakikita ko na hirap na siyang maglakad at kumilos, kaya wala akong malinaw na litrato.

Ang larawan ay kuha ni KC Cordero.

1 Comments:

At Saturday, September 05, 2009 8:07:00 PM, Anonymous Gerie2c said...

Ang bumubuo ng pamilya ni RBClemente ay taos pusong nagpapasasalamt sa isang pag-alaala para sa kanya.

Isang taon na ang nakalipas ng ang inyong kapatid sa indutstriya ng komiks na si rene aka RBClemente ay namayapa.

Masasabing ang aking pagkadiskubre ng mga blog na nagpugay at nakiramay sa kanyang katauhan ay isang pagsariwa ng kanyang mga walang kamatayang obra.

"Sa mundo, ang ating katauhan ay mabubuhay na lamang sa mga alaala ng ating mga nagawa at pagkilala ng ating mga kaibigan..."

Salamat sa isang simple at makabuluhang pag-alala kay ka rene aka RBClemente.

http://clemente10families.multiply.com/photos/album/5

 

Post a Comment

<< Home