Monday, August 25, 2008

USAPANG INDIE

bading na frend: kilala mo ba si ***, yung indie film director

ako: nababasa ko sa dyaryo mga gawa niya

bading na frend: ang daming kontrobersya sa kanya. Exploited daw ang mga kabaklaan sa mga films niya

ako: nababasa ko nga sa mga yahoo groups e

bading na frend: itong bago niya, meron daw masturbeyt scene. yun daw ang highlight ng movie

ako: so tuwa ka naman?

bading na frend: ay keber! Nadala na ako sa pelikula natin. Sayang ang 150. hada na lang ng aktwal sa recto

ako: o nga, bakit ba sunod-sunod yata ang mga indie films na puro kabadingan. di na ako maka-relate. Huling pinanood kong tagalog, urduja, cartoons pa.

bading na frend: ewan ko ba ang mga konsepto ng mga filmmakers ngayon, puro kabadingan. baka bumebenta?

Ako: dito? Gudlak! Ang alam ko lagi lang silang entry sa mga filmfest abroad.

bading na frend: korak! Di ko nga alam kung may nananalo

ako: yung maximo

bading na frend: yun lang yata. The rest, rest in peace na.

Ako: e bakit dami pa ring gumagawa ng mga bading films?

bading na frend: malay! Meron pa nga isa, natanggap ko sa email ko. Kuwento naman daw ito ng mga natalong bading sa miss gay.

Ayoko naman maging hipokrito, nagiging laman din ako ng Quiapo para bumili ng pirated dvd. Mas sinusuportahan ko pa ang mga pirata sa kanilang illegal business, ang gaganda kasi ng titles ng mga produkto nila—Akira Kurusawa, Alfred Hitchcock, Abbas Kiarostami, at sangkatutak na rare at hard-to-find films na hindi mo rin naman mabibili sa mga legal na video shops sa mall.

Gusto ko mang suportahan ang local movies, lalo na ang indie films, e hindi ko talaga mapilit ang sarili ko na manood. Parang mas enjoy pa ako manood ng Eat Bulaga at Tonight with Jojo A. (o ‘ayan Stan, pinapanood kita ha). Sori, mga kaibigang directors. Ganti na lang kayo, huwag din kayo magbasa ng komiks hahaha. Joke!

Seriously speaking, mas proud pa ako sa indie komiks scene. At least medyo nag-iiba-iba na ng genre, kahit alam natin na hilaw pa talaga ang karamihan. Pero nandoon ang pagsusumikap na maging iba sa karamihan.

Kung mapupunta kayo sa komiks convention, makikita ninyo ang iba’t ibang tema ng komiks na gawa ng mga batang creators. Mahirap nga lang mahagilap ang mga titles na ito kapag ordinaryong panahon. At ang madalas lang nating makita ay puro anime-manga inspired na nasa bookstore.

Kaya ang payo ko sa mga indie creators, sana pagsikapan pa talaga nating na maging iba ang ating obra. Okay lang ang inspirasyon galing sa ibang komiks, pero huwag naman na parang Xerox na. Masarap maging independent sa totoo lang, wala kang boundary, walang wall. Gawin mo kahit ano ang gusto mo. Kung gusto mong maging mainstream, pag-aralan mo ang galaw ng mainstream, pero kung gusto mo ng self-expression, at sa Komikon ka lang naman lalabas, itodo mo na! Sirain mo ang rules ng mainstream, who knows, baka bukas makalawa, bigla kang kunin ng mainstream publisher.

Pero dahil bata pa nga ang indie komiks dito sa atin, may isang malaking problema akong nakikita. Ang technical content ng material. Ang mga indies kasi ay sariling pagsisikap, walang editors, walang pumupuna sa trabaho before pa I-release. Kaya ang nangyayari, may mga kuwentong sangkatutak ang loopholes. Kaya pa nating mapatawad ang spelling at grammar, pero ang mismong presentation, lalo na ang daloy ng kuwento, iyon ang madalas na sablay.

Sa nakikita ko, mas maganda maging independent kung kabisado mo na ang medium. At komportable ka na sa craft mo. Kumbaga ay dumaan ka sa training ng sangkatutak na puna ng editors, publishers at kasamahan sa industriya, bago ka nakapag-decide na magsolo.

Natanggap ko galing sa email, pinost ko sa Friendster: In a miss gay pageant: HOST: how can we uplift our economy today even though we are under economic crisis? BAKLA: (namutla) mga bakla! Akala ko ba miss gay ito? Quizbee pala!

Ako: hahahaha!

7 Comments:

At Monday, August 25, 2008 11:00:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Kung ang mga indie filmmakers ay puro kabadingan ang tema, bakit ang karamihan naman sa mga indie komiks creations ay puro superheroes!

Wala ka talagang pagpipilian. Karaming social issues ng bansang Pilipinas kung bakit hindi ito ang tutukan?

Karami ring HEROISM ng ilan sa mga Pilipinong nabubuhay sa ngayon, tunay na maipagmamalaki ito ng bansa at ipagbunyi through komiks. Hayaan na siguro natin ang Marvel at DC na mag-superhero sila till they drop dead.

Ang maganda talaga ay maipakita palagi ang uniqueness ng lahing Pilipino, kasi kung iba-base lang natin sa kasalukuyang trend ng karamihan sa mga indie komiks ngayon, ni GAPATAK na dugo ng Pilipino ay hindi ko maaninag man lamang. Kung hindi Western ang thrust ay HAPON. At itong huli ay hindi oras as in PM (post meridian), kundi yung mga nakatira doon sa Japan.

Siguro nga'y panahon na para magmuni-muni ang mga gumagawa ng indie komiks sa kasalukuyan, bigyan ninyo ng sapat na panahong pag-isipan ang mga gagawin ninyong obra bago ninyo ito isakatuparan. Be discriminating. Laging isipin ang: ano ba ang merit nitong gusto kong gawin? Ano ang kaibahan nito so far sa mga lumabas na sa market? Ano ang flavor nito na magiging bago sa panlasa ng mambabasa?

Kung lagi ninyong isasa-alang-alang ito, hindi malayong makagawa kayo ng isang tunay na obra maestra na ikatututwa naman ng mga readers.

 
At Tuesday, August 26, 2008 12:21:00 AM, Blogger Ron Mendoza said...

Randy,

Tuwing mapag-uusapan namin ng ilang kaibigan ang sitwasyon ng indie films dito sa 'tin, 'yon lagi ang puna namin, na kung hindi kabaklaan ay kabulukan ng mga Pinoy ang tema. Hindi ko alam kung bakit nasa gano'ng topic ang inclination nila. Siguro, dahil awards and controversies magnet ang gano'ng klase ng pelikula.

JM,

Obviously, karamihan ng creators ng indie komiks ngayon ay puro imported (superheroes)komiks ang binabasa kaya iyon ang naka-impluwensiya sa kanila.

No'ng ang grupo namin ang lumikha ng isang maliit at independent na comics, wala yata sa grupo namin ang mahilig magbasa ng imported o marvel comics. Siguro dahil 'di namin afford bumili. He he. Kaya 'yong nabuo naming comics, e, kagaya ng sa mga pangmasang komiks ang laman. Pinulido nga lang namin ng kaunti.

May mga kuwento rin kaming binuo na may social relevance, unfortunately, we weren't able to publish them.

 
At Tuesday, August 26, 2008 1:20:00 AM, Anonymous Anonymous said...

siguro di proud sa pagiging pinoy kaya hindi makapagsulat ng pang pinoy o kaya naman sinakayan na lang ang pagiging colonial mentality ng mga pilipinoy. mumurahin kasi pag mukang local ang komiks mo at pagmukang imported ay mamahalin ang price nito. naaalala nyo ba ung pinagmalaki ng isang pinoy na imported daw na sapatos. susmarya,di niya alam sa marikina pala gawan un, hahahahaah

 
At Tuesday, August 26, 2008 10:02:00 PM, Blogger kc cordero said...

di rin naman puro kamujeran ang mga indie films, in fact konti lang 'yun. pero since wala ngang nanonood commercially at sa ccp lang ipinalalabas, kalimitan ay tinatarget ang int'l competitions para sa award... and for reasons unclear to me, basta isasali sa ganitong kontes ay laging kangkangan o kung hindi man ay kabaklaan ang tema. mapapansin din na wala pang katomboyan na tema.
ilan sa mga napanood ko sa cinema one na indie na maayos naman ay sitak, chopsuey, cellphone at iba pa na di ko ma-recall ang title kasi kung hindi kalaghatian ay tapos na ang title credit ko nabubuksan.
isa sa indie na hindi nasuportahan ay ang ploning, na produced mismo ni juday. ang problema sa paggawa ng pelikulang indie ay marketing dahil hindi naman ito papatulan ng theater owners na may kontrol sa pagpapalabas ng mga pelikula. gaya sa case ng 'maximo...' kung hindi ito nanalo sa abroad at nakita ng star cinema ang commercial appeal baka hindi ito naipalabas sa malalaking sinehan.
so, 'yun ang trend. maipalabas sa abroad, ma-notice ng publiko at ma-convince ang isang major film outfit na bilhin.
may isang joke nga among indie filmmakers---status symbol daw sa kanila kapag napirata ang kanilang obra.

 
At Wednesday, August 27, 2008 6:36:00 AM, Blogger KOMIXPAGE said...

Nakakatuwa naman ang usapang Indie mo Randy, pero totoo ang mga pananaw ninyo lalo na sa mga Indie film. Isa nga itong magandang tema na dapat namang isulat at maipelikula din. Sa mga Indie Komiks creators, may punto ka rin dahil ang mga obra nila ay tiyak na kakikitaan ng mga loopholes. Iba ang dumaraan muna sa editor ang istorya dahil nagagawa itong salain o puliduhin. Sa napakaraming komiks illustrator na Pinoy at napakahuhusay na may matagal ding experience sa lokal na komiks noon,sila lang sana ang nakagagawa ng mga pulido at magagandang Indie komiks kung may magkaka-interes sa kanila na gumawa nito. Ang mga bagito at bata pa na hindi man lang nakasubok makagawa sa lumang komiks natin noon ay maaaring nangangapa pa pero pinupuri ko ang kanilang mga pagsisikap na ginagawa. Ako bilang isang matagal na ring writer at nakaiintindi ng illustrations ay handang tumulong at sumuporta sa mga baguhang mga Indie creators na ito gaya ng ginagawa ni KC. Kung may time ako at madadalaw sa Komicon, tiyak na pipili rin ako ng ilang Indie komiks na bibilhin ko at isasama sa aking mga koleksiyon.

 
At Wednesday, August 27, 2008 12:18:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Ingkong KC:

Sa toto lang, well-known na ang Pilipinas sa pagpapakita ng mga pelikulang...

kung hindi may SEXUAL DYSFUNCTION ANG LEADING CHARACTER (tulad ni CURACHA, ANG BABAING WALANG PAHINGA), na kung saan naglakad nang naglakad si Rossana Roces ng napakahabang SEquences NA HUBU'T HUBAD, at ang kabutihan lang, at least ay hindi INAHIT ang buhok sa ibaba. Intact talaga ang lahat ng pubic hair. Tapos, binanatan naman ng TUHOG. Another sexual dysfunction na naman. PILA BALDE. another one.SEGURISTA, isa pa. Dahil nga sa mga entry na ganitong pelikula sa filmfests, nagkakaroon ang Pinas ng sexual disfunction brand name. HHHHHHHH!

Tapos, pinasukan naman ng walang patungmanggang KABADINGAN: Si Maximo, si Masahista, si Hada, si Chupit, at kung anu-ano pang mga kabalbalan ng mga kabadingan. Kunsabagay, inumpisahan kasi ito nina Ricky Lee at Lino Brocka. Dinagdagan pa ni Mel Chionglo.

Kaya nung biglang isinali ang isang film na ginawa ni Tony Cayado in 1958 : MGA LIGAW NA BULAKLAK... very refreshing ito.

Ngayong fall ay pitong indie pinoy films yata ang kasama sa Vancouver Intl film festival. Sa pito yata, anim ang KABADINGAN. At si PLONING lang yata ang tunay na muher!

Akala na tuloy ng mga tao dito, nauubos na ang mga tunay na lalaki sa bansang Pilipinas! HHHHHHHHHH!

 
At Sunday, August 31, 2008 6:33:00 PM, Anonymous Anonymous said...

JM,

Totoo lahat iyang sinabi mo. Kabadingan, squatters/poverty, superheroes, deviant sexual behavior, ad nauseam... sa tingin ko parang very limited ang repertoire ng mga artists natin. Bakit limited ? sa tingin ko hindi naluto sa Classic literature, kulang ang mga binasa during their formative years, kung ano-ano na lang. Marami actually pwedeng gawin, na mi social relevance.
Tungkol sa kulang sa breaks ang mga indie movies, dapat siguro maglagay na ang SM, Robinsons at Gaisano n mga indie theaters as venues for this kind of stuff....


Auggie

 

Post a Comment

<< Home