Thursday, October 09, 2008

GUHIT PINOY SA KOMIKON, AT IBA PANG KOMIKS

Magkakaroon ng table ang Guhit Pinoy sa 4th Komikon sa gaganapin ulit sa UP Bahay ng Alumni. Ito ang magiging exhibit area ng mga Pinoy illustrators galing sa iba't ibang chapters--Dubai, Jeddah, China, Riyadh, US, Bacolod at Manila.

Para po sa inyong kaalaman, ang Guhit Pinoy ay samahan ng mga Filipino Illustrators na nagsimulang buuin sa Middle East hanggang sa dumami na ang miyembro nito sa iba't ibang bansa. Ang mga members nito, kabilang na ang inyong lingkod, ay nagmula sa komiks, advertising, animation, at design/illustration related jobs.

Ngayon lang ang unang pagkakataon na magsasama-sama kami sa isang exhibit at dito na gaganapin sa Pilipinas.

*****
Nakakadalawang issue na ako ng 'The Pen', isang independent comics na sa UK iri-release. Para na akong makina dahil nagugulat na lang ako ang dami-dami ko na palang natapos. Hindi ko alam kung magiging available ito dito sa Pilipinas dahil hindi pa rin naman nairi-release ang first issue.

*****

Mababasa na ninyo ang 1st issue ng 'The Overground' na ginawa ko 2 months ago sa Wowio.com. Narito ang link.

*****

Dahil sa mga sunod-sunod na commitments at projects ay hindi ko maibigay ng 100% ang panahon ko para matutukan ang isang project, lalo na ang komiks (na kailangan pagbuhusan ng mahabang panahon). Ilang beses nang sumagi sa isip ko na magtayo ng studio o kaya ay kumuha ng 'mga' assistants. Siguro kapag naramdaman kong kailangang-kailangan ko na talaga, sa ngayon ay nakakatulog pa naman ako at nakakapasyal pa.

*****

Nakatapos na rin ako ng isang issue sa isang independent comics na tribute sa influential 20th century cartoonist na Winsor McCay. Si McCay ang creator ng 'Little Nemo' kung saan ito ang ginagawa ko na pinamagatang 'Nightmare in Slumberland'.

Narito ang sample page:
Medyo nakaka-offend (pero sa akin ay nakakatawa) ang kuwentong ito dahil isa sa mga characters ay si Jesus Christ na isang bounty hunter at kaibigan ni Dracula. Narito ang character design ko ni Christ, nasa isip ko ay ang 60s hippie look.

Kung bakit ganito ka-'baliw' ang kuwentong ito ay dahil nga tribute kay McCay. Isa siya sa impluwensya ng mga kilalang comics creators gaya nina Art Speigelman, Robert Crumb, Alan Moore, Chris Ware at Moebius.

Well, huwag ninyo akong ipapako sa krus, dahil may eksena dito, nag-suggest ako sa writer na gawing naka-'dirty finger' si...alam niyo na. Tuwang-tuwa naman ang writer.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home