ILOG
Noon ko pa gustong gawan ng kuwento o kaya ay video documentary ang ilog na ito. Ito ang Ilog San Juan, karugtong ng Ilog Pasig, mas madumi at mas maitim ang tubig dito. Kung mahuhulog ka dito, malamang ay hindi ka mamatay sa lunod kundi sa baho.
Ganun pa man ay marami pang ring tumatawid dito sakay ang bangkang de-hila. P2 lang ang bayad. Shortcut ito galing Sta. Mesa papuntang Sta. Ana. kaya lahat ng empleyado na gustong makarating sa Makati ng mabilis ay dito dumadaan.
Binilugan ko ang bangkang tumatawid dito. Ito lang ang pinagkakakitaan ng bangkero na nakatira rin sa tabing-ilog. Ang nasa gilid ay ang tulay na ginagawa. Ang problema dito, kapag nagawa na ang tulay, wala nang pagkakakitaan ang bangkero.
At kapag nangyari ito, maghahanap na ang bangkero ng ibang 'pantawid-gutom'. Wish ko lang, huwag siyang maging snatcher o holdaper.
*****
At dahil diyan, ito ang theme song ko para sa inyo...
5 Comments:
One of these river was featured in Grazia Magazine here where kids were swimming amongst the rubbish, you hardly noticed them being there unless you really have to look closely at the photo...It's sad coz we've been famous for all the wrong reasons....
chezza,
may filipinos always say that "we've been famous for all the wrong reasons...". are we trying to do something about it?
Well KC, I can't stop the magazine from publishing it, can I?
simulan mo na ang dokumentaryo mo,habang di pa nawawala.
chezza,
hindi naman 'yung pagpa-publish ng magasin ang ibig kong sabihin kundi 'yung mga bagay na ginagawa mo para mabago ang ganitong pananaw sa mga pilipino. :)
Post a Comment
<< Home