ANG KAHUSAYAN NI NESTOR INFANTE
Noong bago pa lang ako sa illustration, lalo na sa komiks, ang magandang drawing para sa akin ay iyong may magandang renderings, madetalye at pekpektong pigura ng tao. Pero habang nagma-mature ang appreciation ko sa komiks illustration, natutunan ko na ang mga ito pala ay maliit na parte lang ng kabuuan, ang pinaka-importante dito, natural, ay ang 'storytelling' at ang flow ng mga eksena. Pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang gumagalaw na mga drawings kahit sabihin pang 'static' medium ang komiks.
Ang 'gumagalaw' na tinutukoy ko ay hindi lang kung paano gumalaw ang mga karakter sa frame, kundi 'action' na kahit isang taong nakatayo at walang ginagawa ay nagkakaroon ng buhay at humihinga sa mundong kanyang ginagalawan.
Sa tinagal-tagal ko sa komiks, kailan ko lang nakita na 'genius' si Nestor (Tor) Infante sa larangang ito. Nanghinayang nga ako at hindi ko agad ito nadiskubre noon.
Hindi bibilib si Neal Adams kay Infante kung hindi talaga ito magaling. Narito ang ilang lessons na natutunan ko habang binabasa ko ulit ang gawa niya sa 'Iukit Mo Sa Bala' na isinulat ni Henry Cruz at lumabas sa POGI Komiks ng Atlas noong 1989.
Kumbaga sa pelikula, high-tech ang mga eksena ni Infante dahil gumagamit siya ng crane sa camera.
Lagi siyang naglalaro sa mga slanting na linya, kaya kahit boring na eskena ay nagagawa niyang dynamic. Bihira siyang gumamit ng mga linya at anggulong parallel sa frame.
Dahil alam niyang ang flow ng mata ng mambabasa ay mula kaliwa papuntang kanan, nagagawa niyang isunod dito ang layout ng eksena.
Lagi siyang gumagamit ng foreground, middleground, at background sa eksena. Dahil nagsisilbi itong perspective kahit hindi niya i-drawing ang environment. Sa eksenang nasa itaas, nagawa niya ang tatlong ito na may kasamang element of design. Nakatutok pa rin papunta sa kanan dahil papunta doon ang flow ng mata ng reader.
Sa eksenang nasa itaas, pinaangat niya ang subject sa pamamagitan ng dark brush strokes. Ang subject ay ang 'patay', ang 'namatayan', at ang 'paparating na bisita'.
Sinadya niyang puti ang tinatapakan ng mga taong papaalis dahil magiging pintuan ito papunta sa kasunod na page. Hinarangan niya ng shadow ang harapan ng mga tao para magsilbi silang nakatingin lang sa papaalis na mga lalake. Pansinin na may shadows din ang mga lalake sa kalahati ng kanilang katawan upang magsilbi na paalis na sila sa harapan ng maraming tao.
Marami pa akong nakitang technique kay Infante na masyado nang mahaba na ilagay pa dito. Isa lang ang alam ko, magaling siyang cinematographer, kumbaga sa pelikula. Madali siyang makapag-adjust sa storyboard at iba pang medium na gumagalaw. Dahil isa sa pinakamahirap gawin, ay ang pagalawin ang eksena sa isang hindi naman gumagalaw na medium.
11 Comments:
Pareho pala ang nakikita natin sa gawa ni Tor Infante. He's also one of my favorite. Napakahusay niyang magpatakbo ng istorya. Kung baga sa cinematographer, one of the best si Tor. Actually, noong una pinintasan ko ang gawa niya sa nobelang Totoy Bato ni Carlo J. sa Sterling komiks na Gwapo dahil sa sablay na rendering ng ink pero lahat ng sinabi mo tungkol sa kanyang gawa makikita mo sa trabaho niya doon. Kung kasing refined sana ang inking niya na gaya ni Lan Medina, lilitaw lalo ang kanyang husay, anyway maaaring style niya ito gaya ng isang foreign unknown illustrator (dahil walang pangalan ang mga gawa niya) na nakikita ko sa koleksiyon kong "Star" Love stories in pictures, halos pareho ang rendering nila ng ink ni Tor pero litaw na litaw ang pagiging genius nila sa kanilang mga obra. Sa mga future post ko sa blog ko, ipakikita ko ang obra ng tinutukoy kong artist at baka alam mo ang kanyang pangalan.
Tama ka diyan, Randy. "Gumagalaw" ang bawat panel sa mga gawa ni Infante. Hindi static. Kaya't kung ano ang kakulangan niya sa rendering, sobra-sobra naman itong napupunuan ng kanyang komposisyn at storytelling. Noong mga early 90s ko din lang natutunang ma-appreciate ang gawa niya (dahil na rin sa aral tayo pareho sa "classic" way of drawing sa school ni Mang Hal, di ba?), lalo na nang mag-dibuho siya sa Continuity ni Neal Adams. Medyo lumubog ang lapis niya sa tinta ni neal Adams, pero recognizable pa rin as Tor Infante dahil nga sa paraan niya ng pagko-compose ng pages.
magaling,isang karagdagan ito para sa mga illustrator. di lang sa komiks maging sa design ginagamit ang background,middle at foreground...ito ang unang ginagawang layout.
Magaling talaga itong si Tor. First time ko pa lang nakita ang drowing niya decades ago, alam ko agad mi ibubuga ito. Pero wala masyadong mi nakaalam ng background niya, taga saan ba siya ? mi short bio ka ba ni Tor ? nasaan siya ngayon ? bakit wala man lang siyang blogsite/website o email address man lang ? please advice.
Auggie
auggie-
di rin ako masyadong pamilyar kay tor infante. ang alam ko lang, kapatid siya ng isa pang illustrator na si fabie infante. huling kita ko sa kanya noon pang 1989. wala akong balita kung nasaan siya ngayon. ang sabi nasa US daw at nasa studio pa rin ni Neal Adams, may nagsabi naman na nasa bulacan daw.
di ko lang nagustuhan ung latest sa sa yumaong komiks ni caparas. iyong totoy bato. halatang minadali na iyon at kaskas na
lang ng pera o sa dami ng trabaho ay ayaw na rin niyang magpaganda sa nobelang iyon.
Aktuali, isa si tor sa numero unong impluwensya ko sa komiks. dami kong naipon na mga nobelang drawing niya sa komiks. pero walang natira. panahon pa ng mantsa at ng vitro sa funny komiks ay iniipon ko na ang mga gawa niya.
kaya tol isoli mo na yan sa akin yang mga iniscan mo. hehe.
late bloomer ako mangolekta ng continuity comics kasi later ko na lang nalaman na may mga pinoy na gumagawa dun, at yung art e talaga namang pagkagaganda.
karamihan sa nakolekta ko ay mga gawa ni tor, instant fave ko kaagad yung style niya. lalo na yung knighthawk.
sana gumawa ulit siya sa mainstream US komiks, yung pagagandahin niya talaga, di mamadaliin.
jim
Randy:
Nasa bakasyon ako pero naki-usyoso ako sa mga favorito kong blogs at isa na nga itong sa iyo.
Isa talaga sa pinakamagagaling nating artist si TOR INFANTE, na noong unang panahong nag-uumpisa siya sa komiks ay naging inspirasyon niya ang drawing ni JO INGENTE, Pati anggulo ng mga shots ay inspirado siya ni Ingente. Subali't, nguni't datapuwa't nang mag-STERLING siya, BINABOY talaga niya ang kanyang style, na kumbaga sa mukha ng isang tao'y...A FACE ONLY A MOTHER CAN LOVE.
Aminin natin na siya'y PUMALPAK ng BIG TIME sa TOTOY BATO illustration. Kaya nga hindi ako natuwa na ang isa sa pinakahinahangaan kong illustrator ay biglang... (to use the language of MISS FLOR AFABLE OLAZO)... UMALIPORKA sa kanyang pag-ibig sa pagdrowing sa komiks.
True, Tor utilized the principle of design, such as: EMPHASIS & SUBORDINATION, SYMMETRICAL BALANCE, ASYMETRICAL BALANCE & RADIAL BALANCE.
He uses effective CONTINUITY (rhythmic relation of the parts of the elements to each other and to the whole). He uses ALTERNATION (Reciprocal repetition or exact, regular & repeated interchange in sequencing of his elements. He utilizes PROGRESSION (transition or sequencing produced by increasing or decreasing presence of elements).
His COMPOSITION even goes to the extent of utilizing the so-called FORM follows FUNCTION & also VARIETY IN UNITY.
Yet, all these wonderful presence that I've always enjoyed in his drawings were unabashedly threwn out the window by using a new technique known as DIMSUM CHICKEN FEET.
No, I can't appreciate this if he will use this technique from now on.
JM,
Ang nahalata ko doon sa drowing niya sa Sterling, eh parang mi halong contempt eh. Para sinasabi niyang, BAKIT KO PA PAGAGANDAHIN ITO Eh si Komiks King naman ang umaani ng lahat ng Hossanahs? Porke ? kaya very perfunctory ang rendering, just going thru the motions, kasi siguro nag promise siya noon pa...pero halata mo walang gana...
idol ko rin etong si nestor infante...
noong unang nagkakamalay akong magkainteres na pagdrowing ng komiks, si Tor ang sobrang hindi ko magaya at hindi malaman kung pano nya parang napapagalaw ang mg eksena nya.
sya ang pinaka angat sa lahat na artist noong panahong yon para sa akin.
para gumagamit sya ng Wide Angle na lente kung sa photographer. hehehe
ibang level talaga ang talento nya.
na hanggang sa ngayon eh pinag-aralan ko pa rin at di pa rin makuha.
May mga ilang komiks din akong naitabi ng "Iukit mo sa Bala."
sensya na sa lahat pero wala ako dito sa pinas ng lumabas ang mga komiks ni caparas. di ko nakita yung mga illustrations ni tor infante. gaya nyo ay hinangaan ko rin sya..pero dahil di ako natutong magdrawing ng maganda eh...di ko na inilusyon na gayahin ang style nya....anyway, baka sipagin ka randy na magpost ng illustrations nya sa caparas komiks...naiintriga lang ako sa dami ng nagcomment sa totoy bato na yan hehehe..
yun lang po...
thanks.
Post a Comment
<< Home