Tuesday, October 21, 2008

REMEMBERING MANG JOE

Bigla kong naalala si Mang Joemari Moncal habang nilalagyan ko ng ink ang dinu-drawing ko. Galing kasi sa kanya ang brush na ginagamit ko. Ibinigay niya ito sa akin last year habang nagmi-meeting kami sa opisina ng Komisyon ng Wikang Filipino sa Malakanyang.

Sabi niya, padala ito ng kanyang anak galing sa Japan. Pinuri ko lang naman ang brush dahil maganda ang dulo (tip) nito at mayroon nang ink sa loob. Nagulat ako dahil bigla niyang ibinigay sa akin, hindi ko naman hinihingi. Marami daw siya sa bahay, dahil isang box yata ang binili ng anak. Laking tuwa ko naman.

Naalala ko lang dahil lumalabo na ang tinta ng brush, bukas-makalawa ay baka hindi na ito sumulat. Nakakapanghinayang itapon dahil galing kay Mang Joe. Isasama ko na ito sa koleksyon ko.

Si Mang Joe ay sumakabilang-buhay ilang buwan pa lang ang nakararaan dahil sa isang car accident.

1 Comments:

At Thursday, October 23, 2008 2:01:00 PM, Blogger kc cordero said...

ka randy,
nakaka-miss nga si mang jomari, ang saya pa naman niyang kasama.
kung 'yoka brush pen' 'yan available sa national bookstore, P35 ang isa; fine and medium sizes.

 

Post a Comment

<< Home