TAWAG NG ANIMATION AT GAMING INDUSTRY
May bago na namang naka-line up na full-length animated movie sa 2009. Pinamagatan itong RPG, galing sa Level Up! at ABS-CBN. Nagiging exciting ang nangyayari sa animation industry dito sa Pilipinas, nagsusulputan na naman ang mga studios at hindi na mapigilan ang pagdami ng ating mga animators.
Nasa Singapore ako ng December 10-15 para dumalo ng SIGGRAPH ASIA 2008. Convention ito ng mga animators, graphic illustrators at concept artists. Bukod sa business ang lakad na ito ay makikipagkita na rin ako sa mga kaibigang nakilala ko sa CGTalk. Saka naalala ko, may mga kaibigan din tayong Pinoy komiks creator at cartoonist na nandoon--sina Rey Villegas at Dengcoy Miel.
Malakas ang hatak sa akin ng animation at gaming industry nitong mga nakaraang buwan, karamihan ng freelance works ko ay galing dito. Ilang foreign companies na rin ang nagpakita ng interes na kunin ako. Sumasagi na rin sa isip ko na magpunta ng US. Siguro kung mangyayari ito, magpapahinga ako sa paggawa ng komiks pero siguradong babalik at babalik ako. Sabi nga, basta first love, hindi mo makakalimutan 'yan.
Characters courtesy of MANO Productions. Copyright 2007. Artwork by Randy Valiente.
7 Comments:
Randy, don't forget to eat chicken rice when you get there. It's everywhere in Singapore :)
Thanks, Chezza. Pinapapunta ko nga mister mo para magkita kami :)
Galing mo talaga, Bro! Thumbs up!
randy,
larga habang bata pa at single. pag 40s ka nang tulad ko at pamilyado na marami nang konsiderasyon sa pagdedesisyon. :)
tama ni cordero pards,,grab mo na yan..bihira ang ganyang swerte.:)
Randy,
Baka makita mo si Ben Cruz na former -officemate ko sa IRRI, paki-kumusta. Graphic Artist si Ben diyan sa business newspaper ng STRAITS TIMES.
Auggie
GUdluck tol!
ung pasalubong ala pa rin tsk.
Post a Comment
<< Home