Tuesday, December 16, 2008

RETRO EOY, SINGAPORE ADVENTURE

Ginanap ang Retro EOY Anime Convention sa Expo Conference Hall. Mabuti na lang at maganda ang underground train (MRT) system ng Singapore at hindi na mahirap hanapin itong venue.

Nagkalat ang mga cosplayers sa paligid. Pero ang una kong hinanap ay ang tindahan ng mga manga, books at magazines. Nakatawag ng pansin sa akin ang artbook na ito na pinamagatang 'Muted Colours'. Pamilyar sa akin ang artist, si KidChan, napuntahan ko na dati ang website nito. Maganda ang laman ng libro kaya binili ko agad. Tinanong ko sa nagtitindang babae kung kilala niya ng personal si KidChan dahil gusto kong makausap, nagpakilala ako na isang comics artist sa Pilipinas. Biglang sabi niya: "I am KidChan."

Hindi ko akalaing babae pala itong si KidChan. At bata pa, tingin ko ay 20 years old. Sabi ko sa kanya, malayo ang mararating mo dahil kita ko agad sa trabaho niya na kaya niyang makipagsabayan sa mga Japanese Illustrators. Si KidChan ay Malaysian na umattend lang din ng EOY sa Singapore.

May interview sa ilang Singaporean comics creators, hindi ko nga lang nakilala kung sinu-sino sila. Pero ayun sa interview ay pinagkakaguluhan sa Japan ang mga manga nila at nakakakuha na ng maraming fans. Isa rin sa kanila ang kasama sa team of artist ng Naruto.

Dito sa Pilipinas, na ang prime influence ng mga komiks artist natin ay Western, kaya ang kadalasang tanong sa atin ay: "Ano ang masasabi mo sa Japanese and manga influence?" Pero itong mga comics artist ng Singapore, kabaligtaran naman ang tanong: "Ano ang masasabi niyo sa Western influence?"

Nagkalat ang magaganda at cute na cosplayers. Kahit nakamaskara itong isa ay halatang maganda.

Sila ang pinakamakukulit na cosplayers sa event. Hindi ko alam kung sino ang mga characters na ito.
Itong dalawa namang ito ang pinagkaguluhan ng mga lalake, pareho kasing cute. Nakigulo na rin ako.

Ito naman ang pinaka-interesting na shop na napuntahan ko sa Bugis Market. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao dahil nagpa-picture pa ako sa harap.

Sentosa Island, may mga Japanese school girls sa likod ko. Nagtu-tour lang sila kasama ang mga teachers at buong klase.

Nagpa-picture pa ako. Usong-uso talaga itong 'two fingers' na ito.

Suntec Mall, may cute na nagpapapirma ng mga lobo (sa likod), magsulat daw ako ng kahit ano. Siyempre nagpa-picture pa rin ako hahaha.

Hindi ako mahilig sa maanghang pero may mga araw na gusto ko ang Indian food. Ilang beses din akong kumain nito malapit sa hotel na tinuluyan ko. Na-weirduhan pa sa akin ang Bumbay na nagsi-serve, hindi daw kasi magandang kumbinasyon ang inorder ko. Pero talagang nasasarapan ako dito, chapati saka maanghang na gulay.

Kasama ko sa buong Siggraph ang pinsan kong si Joel London, wala kaming Pinoy na nakita sa event. Kung kelan pauwi na kami at nasa airport na, saka naman namin nakita ang ilan ding Pinoy na umatend din pala: Former Toon City Tech Support Anthony Co, 3d Artist and cousin Joel London, ako, Animation Director and former boss from Mano Productions Dong Vytiaco.

Photos by Joel London and Dong Vytiaco.

3 Comments:

At Thursday, December 18, 2008 10:42:00 AM, Blogger kc cordero said...

ayos ang experience mo, randy boy! sa sabado ang ating party, dito sa amin sa pandacan.

 
At Friday, December 19, 2008 8:58:00 PM, Blogger greennotebook said...

ayos ah! kainggit ka naman, hopefully next year makasama ako...

 
At Saturday, December 20, 2008 5:48:00 PM, Blogger Unknown said...

pasalubong!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

Post a Comment

<< Home