AFTER SIGGRAPH
Apat na palapag ang sinakop ng Siggraph Asia 2008 na ginawa sa Suntec Convention. Kasabay nito ang Asia TV, isa ring event tungkol naman sa television shows. Wala akong maraming kuha dahil bawal ang kumuha ng litrato at video sa loob. Makulit lang ang ibang attendees, gaya ko (hahaha), na phone camera lang ang gamit para kahit paano ay may remembrance.
Isa sa pinakamalaking booth ang Lucas Film Ltd. Ang daming empleyado na kailangan dahil kabubukas lang ng Lucas Film Animation sa Singapore. May booth din ang PIXAR Animation. Kasama na rin diyan ang ilang gaming studios gaya ng Ubisoft na ang dami-dami ring hiring dahil ang dami na nilang studios sa iba't ibang panig ng mundo. Ilan lamang ito sa mga malalaking companies na kasama sa event.
Mayroon pang free na kainan sa booth ng HongKong Film and Animation School, siyempre nagpa-picture pa ako sa isang taga-HongKong.
Ang daming freebies, isang bag lang ang dala ko nang dumating ako sa Singapore, naging tatlo dahil sa mga pinamigay na books, magazines, cds, t-shirts, calendars, at iba pa. Talagang mga naka-bag pa ang ipanamimigay nila.
With my cousin, Joel London.
Ilan pa sa mga features ay ang mga latest inventions/softwares/programs na galing sa Japan, Germany at Korea na related din sa animation at films. Malaking bagay ang exposure sa mga ganitong events na technology/art related dahil nagiging inspirasyon ito sa trabaho at lumalawak ang ating view sa ginagalawang industriya.
Next year, gaganapin ang Siggraph sa New Orleans at Yokohama, Japan. Siguradong mas malalaki ang mga ito.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home