OFF TO SINGAPORE
Paalis na ako papuntang Singapore sa susunod na araw, at mukhang ito na lang muna ang latest entry ko dito sa blog. Matagal-tagal ulit bago ako makabalik.
Nasa Siggraph 2008 ako para mag-update ng knowledge sa computer arts at technologies. Kasama na rin diyan ang pakikipagkita ko sa mga artists galing sa iba't ibang bansa para sa isang salu-salo at paglilibot sa mga studios sa Singapore.
Dadaanan ko rin itong Retro EOY (RetroAnime Convention) para makita ko kung paano ang convention ng mga anime at manga fans sa ibang bansa.
*****
Naglabas ang Animation Mentor ng report tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng animation industry sa buong mundo. Nakakagulat kung paanong ito ay isang nagiging dambuhalang industriya sa kasalukuyan at lalo pa itong lumalaki.
5 Comments:
goodluck pare ko...:) papasyal- pasyal kna lang hehe visit mo blog ko thanks bro
randy,
sana magkita kayo ni rey villegas :)
Bro,
Wish you goodluck. Aim high. Abot na abot mo na ang cyber space. Technology is right at your fingertips. Pagbalik mo dito panibago na namang kaalaman. Ang galing naman. Always ingat.
Randy,
Paki-kumusta ki Bai Ray Villegas at ki Pareng Ben Cruz. Kung mi oras ka namang mag-library, paki kumusta na rin ki Miss Haslinda M. Yusuf, Cataloguer, sa Main Library( National Library). Kung mapupunta ka sa sa National University of Singapore, pakikumusta na rin ki Professor Benny Tan, Ph.D, Botany....
Galugarin mo na rin ang mga high end art galleries doon at alamin mo kung paano tayo pwedeng mag show doon, ano-ano ang requirements, at ilan dapat ang minimum artworks mo.
Auggie
Hey Randy! Andito ka na ba sa Singapore or nakabalik ka na ng pinas? I nandito ka pa tawagan mo ko sa handphone ko: 82165229
Post a Comment
<< Home