DAYO Sa Mundo ng Elementalia
Bukas (Friday) na ang red carpet premiere ng DAYO Sa Mundo ng Elementalia na gaganapin sa SM Megamall, 7pm. Kasama sa manonood bukas ang mga artista at voice talents ng pelikula. Nangunguna siyempre ang lahat ng creative team at animation people.
Excited na rin akong mapanood dahil noon pang February natapos ang contract ko sa kanila as a part-time concept and storyboard artist. Ngayon ko pa lang makikita ang pinaghirapan ng grupo.
Release na rin sa lahat ng video and record shops ang movie soundtrack ng DAYO.
Kapag naging succesful ang pelikulang ito ay malaking bentahe para sa local animation industry, baka makahatak tayo ng maraming producers, na ang ibig sabihin ay mas maraming trabaho para sa ating mga artist.
Alam kong marami nang na-disappoint sa local animation dahil sa mga past experiences. Nakapagtataka kasing kapag sa foreign studio gumagawa ang ating mga animators (Walt Disney, Hanna Barbera, etc.) ay ang gaganda ng outputs. Pero kapag local release ay nag-iiba ang quality. Siguro malaking factor ang salary ng mga tao, at siyempre, ang overall handling ng production.
Dito sa DAYO, na-break ang mga problemang ito. Nag-contribute ang ating mga magagaling na animators para mapahusay ang project na ito.
Itong article na pinamagatang DAYO Creators Learn from Urduja Experience ay maganda sanang pahabain pa, in-depth analysis at interviews sa mga tao.
Ngayon pa lang ay binabati ko na ang lahat ng bumubuo ng DAYO. Alam ko na magiging pintuan ito para mapahusay pang lalo ang quality ng local animation.
Kita-kita tayo bukas sa premiere night!
1 Comments:
congrats sa DAYO!!!
astig
Post a Comment
<< Home