Thursday, November 12, 2009

THE LITTLE RED BOOK

Nakuha ko ang maliit na librong ito na kulay pula noong isang taon sa isang event sa Singapore. Wala itong pamagat, may maliit lang na drawing ng lalakeng nakasakay sa motorbike sa harap. Wala akong maintindihan kahit isa dahil nakasulat ito sa Korean. Maraming magagaling na artist ang makikita sa loob, sayang nga lang at walang mga pangalan, kung meron man ay hindi ko rin mabasa. May website na nakasulat ng maliit sa back cover pero dead link naman. Hindi ko tuloy ma-search sa web ang iba pa nilang mga trabaho.




0 Comments:

Post a Comment

<< Home